I WONDER

17 11 0
                                        

CHAPTER SIX: I WONDER


" my heart is heavy now,
it's like a hundred pounds "
- Sabrina Carpenter (Don't Smile)


I don't know how it happened or how it started but it just happened.

Okay maybe it took 5 likes on his posts and 2 comments on 2 of his pictures to finally get this... from him.

Darren Marquinez commented on your photo: "cute"

Hindi po ako makahinga nung una ko yong nabasa, tsinek ko pa, ilang beses ko pang tsinek kung tama ba talaga yung nabasa ko o baka idedelete niya, but no... it is him at hindi niya dinelete.

Nagcomment siya sa recent upload ng mukha ng aso ng kapitbahay namin. Ang cute cute nung aso kaya tama naman si Darren, pero 'di siya cute kapag nakakailang tae na siya sa harap ng pinto namin. Bwisit din kasi bago yung sapatos tapos ayon, ang baho na at kadiri na rin kasi tae agad ang unang naaapakan.

Pero nanotice niya 'ko! That means... everything! I know it's just feeding my delulu but it makes me happy? If it's delulu, why does it feel trululu?

Excited na excited din ako, ewan ko ba, iba talaga kapag napansin ka nang super gwapo at super tangkad mong crush.

"Ang ingay mo." Palo sa'kin ni Margauxx paggising niya, pinalo niya 'ko sa likod ng ulo ko, tangina niya.

"Namamalo? Gaga!" Angal ko, tayo ako agad at hinila yung buhok pabalik sa kama niya.

We share a room, sa taas ako, nasa baba siya, we're in a bunk bed.

Ang aga-aga, inaaway niya na 'ko, 'di naman din ako tumili, nakatakip pa nga kamay ko sa bunganga ko, putangina niya, hayop.

"Gaga? Ikaw ga—"

"Wag niyo nang simulan, Margauxx... Maryse." Sabat agad ni mama nang binuksan niya ang pinto ng kwarto namin.

Nakapulupot pa yung tuwalya sa buhok niya, kakaligo lang ni mama at handang handa na magtrabaho ngayong araw.

"Hinila niya 'ko ma!"

"Pinalo mo 'ko, hoy, ikaw nauna!"

"Wala akong pake kung sinong nauna! Labas! Mag-ayos na kayo! O walang allowance!"

Tayo kami agad pareho. Kailangan ko yong allowance ko today o wala akong kain, gusto ko ring mag-ipon para next time na lumabas kaming dalawa ni Charlotte bibili ako nang mga bagong damit.

Sira na kasi yung paborito kong shirt, kailangan ko rin nang bagong bag, at butas na panty ko.

Eto na, ang bilis ko sa loob ng banyo, 'di ako titigilan ni Margauxx na bilisan ko raw kasi kailangan niya nang maligo.

I dried my hair, toothbrush, lumamon ako nang itlog at kanin, 'di ako nakapagtocino, wala akong masyadong gana.

"Thank you ma, pa." Salamat ko tsaka ako lumabas.

Nauna na si Margauxx, lagi na siyang ganyan, 'di na masyadong nang-aasar o nambibwisit, ganyan talaga siguro kasakit yung heartbreak 'no? Pero makakamoveon naman siya, I'm sure of it, sinabi niya rin sa'kin na sinusubukan niya.

Shet, baka malate talaga ako nito.

Kinain ko yung rebisco sa loob ng bag ko na baka matagal nang expired pero pag-gutom ka talaga... gutom ka talaga.

WASTE OF TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon