NOTHING, IT WAS NOTHING

19 7 0
                                        

CHAPTER NINE: NOTHING, IT WAS NOTHING


" too late, never be the same again "
- SZA (What Do I do)


"Umayos ka nga, Maryse!" Sipa sa'kin bigla ni mama sa likod ko habang hawak hawak ang phone niya. Si papa naman nakangiti lang habang hawak din ang phone niya, ready na ready para itake ang picture ko na nakatoga.

Yes, it is graduation day.

Hindi na 'ko nagmakeup, I swear na merong rules na bawal daw makeup o ganon, ayoko talagang makeup, wala ako sa mood. Tsaka ayoko ring umattend sana but it was impossible. And Charlotte wanted to take pictures with me. She put so much makeup and she looked good.

"Maryse, dali, akbayan mo yang kambal mo."

Huminga ako ng malalim at hinila si Margauxx papalapit sa'kin. Natapos yong graduation niya kahapon. Ang swerte daw namin na hindi pareho ang araw at oras ng graduation naming dalawa. Kahapon yung sa kanya at ngayong araw yung akin.

This graduation is so long, ginamit ko yong phone ko pero tinatago ko pa minsan minsan dahil sa banta ni mama na itatapon niya raw ako sa basurahan kapag 'di raw ako magfocus sa buong event. I don't even know most of my classmates dahil iba ang mga seksyon namin, iba rin yung mga strand nila, o talagang wala lang akong pake.

"Ang galing mga anak, graduated na kayo..." iyak bigla ni papa.

Si mama naman busy na pinopost yung mga litrato sa FaceBook tas mamaya sasabihan niya 'ko na magreply sa mga nagcomment naming mga kamaganak o mga kaibigan niya na nagcocongraluate sa post.

"Congrats." Bulong sa'kin ni Margauxx bigla.

"Salamat. Congrats din sa'yo."

"Hm." Ngisi niya nang konti pero wala pa ngang ilang segundo nakasimangot na siya.

Ewan ko ba. Ang daming nangyari sa buhay naming dalawa. Now we're both just... two grumpy people. Nagets ko na si Margauxx pagkatapos ng nangyari sa'kin. But I'm sure mine is not as bad as hers.

"Sabi ni mama kakain daw ta'yo sa Max's."

Nguso ako sa binanggit niya.

"Max's? May pera si mama?"

"Ayaw lang ni mama sa Max's dahil mahilig siya sa Mang Inasal, hindi dahil wala tayong pera."

Gusto ko talaga yung Max's. Yung Calamares at Kare-Kare doon talagang top-tier, I know, it's a problem for me. Si mama naman yata ang magbabayad mamaya, o baka si papa. 'Di ko na alam, bahala na sila. As long as today I will get to eat Kare-Kare and Calamares.

Ngayon nagtataka ako kung asan na ba si Charlotte. Kanina ko pa siya hinahanap. Magkatabi kami kaninang dalawa, magkahawak pa ng kamay kasi kabado kami. Mas kabado kami na maglakad sa stage habang nakaheels kami kaysa tanggapin yung diploma at picture picture.

Nabili ko yong kitten heels na lang kasi hindi masyadong mataas pero super nervous pa rin ako.

"Ma, pa, naiihi ako. Balik lang po ako."

"Bilisan mong umihi, hanapin mo rin yung kaibigan mo, don lang kami sa hagdanan nung stage."

Tango ako sa sinabi ni papa.

Plot twist, kanina pa ako naiihi. Pinipigilan ko lang kasi kaya ko. Buti at wala akong regla o baka kanina pa ako naihi talaga sa kinauupuan ko. Tinanggal ko na muna yung toga ko, baka may mabangga ako dito, ang dami daming tao at nakikipagpicture sa isa't-isa.

WASTE OF TIMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon