MAKE IT UP

10 2 0
                                        

CHAPTER THIRTEEN: MAKE IT UP


" I don't need no more empty promises "
- Kehlani (Folded)


Sanay na 'ko.

"Hah, anak..."

"Okay lang po ako. 'Wag na po kayo mag-alala, maghahanap po ulet ako ng trabaho." Binaba ko ang kamay niya na hawak yung akin.

Sanay na 'ko sa ganitong bagay.

I am disappointed and I'm sure they are too.

Kailangan kong maghanap nanaman ng trabaho sa susunod na linggo. Pero pakiramdam ko, no, sigurado na 'ko na hindi nanaman nila ako tatanggapin, na hindi ako ang hinahanap nila. They will reject me again.

"Anak ko, okay lang. Pahinga ka muna. May trabaho ka pa naman, 'di ba?"

"Hanggang kailan naman 'tong trabaho na 'to, ma? 'Di naman 'to permanente. Maghahanap na po ako bago matapos 'to. Ayoko ng... maghirap nanaman tayo sa pera dahil sa'kin."

"Okay nga lang, anak ko! Walang problema! Wag ka ng mamoblema sa mga bagay na hindi naman sa'yo. Nagawa mo na yong kailangan mong gawin. Nakatapos ka na."

Pero hindi yon sapat sa'ken. I want to help my family and everything in here. Yung kambal ko may sarili na siyang apartment, trabaho, she's... happy. She's okay. She's in a good state now.

Ako?

Andito pa rin ako.

I can't find a permanent fucking job.

Nakakabwisit siguro sa una.

Pero ngayon?

Shit.

Sanay na 'ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi na 'ko nagmakeup, wala akong trabaho ngayong araw. Sasamahan ko lang si Silas na itsek yung bar niya tapos maggogrocery kaming dalawa.

Kailangan daw niya ng tulong. 'Di ko siya maintindihan. Ang yaman yaman pero 'di na lang naghihire ng sariling bodyguard o humingi ng tulong sa mga kaibigan o kamaganak niya. Pwede namang girlfriend niya rin.

Tinext ko nga si Charlotte kagabi tungkol doon. Nagpasalamat na lang siya sa'ken tapos may winky face emoji pang kasama. Now I can't help but think na may dahilan kung bakit kailangan kong sumama kay Silas.

Baka may kailangan nanaman siya, ayaw niya lang pagusapan doon sa opisina niya.

Don't tell me that he wants to fire me already.

Naiinis nanaman ako.

Ayoko ng isipin 'to. Mag-aapply siguro ako bukas na lang ng trabaho kung ganon. I can't give up looking for a job.

"Ba't ganyan itsura mo?" Asar ni Sila sa'kin at agad na kinuha yung sigarilyo ko mula sa kamay ko, I was just about to light it and smoke before we head inside the grocery store.

"Wala. Pagod lang. Ikaw? Anong kailangan mo sa'kin?" Tanong ko sa kanya.

Kanina sa bar talagang kinakabahan ako pero at the same time kalmado rin kasi sanay na 'ko sa ganitong bagay. Ayoko naman ding masanay na manghingi ng tulong kay Silas o kay Zaiden. I'm thankful for them but I can't keep doing this to them.

"Ikaw naman. Kalma ka lang." Sagot niya pagpasok namin sa loob.

Ako na kumuha ng cart para sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WASTE OF TIMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon