Simula

332 15 32
                                    

"Artemis.." Tawag ng seatmate ko sa likuran habang kinakalabit ako ng kinakalabit. Hindi nya ba napansin? Nagaaral ako. Baka may quiz kami dito sa Major.


Irita akong humarap sakanya, "Ano ba yon, Bianca?"


May binigay siyang papel sakin na gusot gusot na tila ba isang papel na para ilagay sa basura. Maliit lang ito at parang onting pwersa nalang e mapupunit na sa sobrang lambot.


Kunot noo kong inabot ang papel at tinignan ang nakasulat sa loob..


Nanlaki ang mga mata ko! Pano ba naman number ito ng crush ko. Oo, kahit naman studious ako e may crush parin ako. Kasama sa buhay. Buhay dalaga.


Humarap ulit ako sa likod ko, "Ano to Bianca? Bakit may number ni Peso dito?" Ngiti lang ang sinagot sakin ni Bianca. Maging ang katabi niyang si Athena ay ngumiti lang din. Mga baliw.


Humarap na ulit ako sa librong binabasa ko, pero hindi ko maiwasang mapangiti. Nakakatuwa lang na may ganto, coincidence nga lang ba to? Wala na kong pakialam. Basta, kinikilig ako.


"Art, ikaw ha. Talagang tinago mo yang papel ha." Pangaalaska sakin ni Bianca. Ngumiti nalang ako ng palihim.


Kahit alam naman kasi ng buong campus ang pagkakagusto ko sa lalaking yon e, may onting hiya parin ako sa katawan.


Bumukas na ang pinto at dumating na ang Prof namin sa major ngayon, magdidiscuss lang siya about this chapter 12. Summer na summer naman kasi may pasok! Ang jahe.


Hindi ko na masyadong naiintindihan ang sinasabe ng propesor naming, lumilipad ang utak ko at sumasara ang talukad ng mata ko. Inaantok ako!


Napaayos ako ng upo, "Sorry!" Bulong ni Bianca mula sa likod. Humarap ako ng kaunti sakanya at nginitian sya. Buti nalang sa sipa na yon e nagising ako. Malapit ko nang mahalikan yung lamesa non eh. Life Saver, Bianca!


Nang nagpabreak ang prof namin eh dali dali akong humarap kay Bianca. "Bianca, san mo nakuha to?" Ngiting ngiti naman ako syempre. Hindi ko mapigilan ang cheekbones ko para lumabas e.


 "Hindi ko alam, si Athena nakakuha nyan tapos binigay sakin, kala ko basura kaya binigay ko sayo." Hindi ko nalang pinansin yun, humarap ako kay Athena, at mukha naming handa sya sa paliwanag. "Nakita ko rito sa lamesa ko mismo. Nakatupi kung pano binigay ni Bianca sayo.. Hindi naming kasi binuksan."


Nang bumalik ang prof namin eh tinapos niya nalang yung chapter at nagbigay ng homework at pinauwe na kami. Lagi naming ganito e, mas maaga kami uuwe kesa sa takdang oras ng uwian namin.


Pagkalabas ng room, nilapitan ko ang closest friend ko ngayong college. Sina Reyna, Tiara, Wick at si Athena. Puro babae sila/kami. Si Reyna ay may magandang mga mata, matangos ang ilong at may mahabang maalong buhok. Si Tiara naman ay may straight at itim na itim na buhok, matangos rin ang ilong ngunit hindi kagaya ni Reyna, morena si Tiara. Habang si Wick naman ay may kulay tansong buhok, mas matangkad kesa saaming apat. Napakakinis ng mukha, matangos ang ilong ngunit may kalakihan ang mata. At ang panghuli, si Athena. Siya yung katabi ni Bianca na malapit lang din sakin. Tahimik kasi ang isang to. Women of few words. Singkit siya, matangos ang ilong at maputi. May lahi kasi siyang Chinese. Pero lahat kami ay pusong pinoy. Syempre.

A Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon