Kabanata 1 - Worth

120 14 24
                                    

Kabanata 1 - Worth it


'H-Hi Artemis!' Banggit ni Peso sa linya, halatang kinakabahan siya nang tinawagan niya ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit din niya tinawagan ang babaeng nagngangalang Artemis.


Alam naman niya nama'y crush ito sakanya, matagal na.


'Sino to?' Sagot sakanya ng babae sa kabilang linya.


'H-Ha? Si P-Peso to.' Nagulat siya dahil alam niyang makikilala agad ng babae ang boses niya, naniniwala siyang crush siya nito dahil panay ang papansin sakanya nito. Tuwing makikita siya eh, babatiin siya nito ng Hello hanggang sa isnag araw tumigil na nga yon.


'A-Ah. Napatawag ka?' Nahalata ni Peso na medyo kinakabahan din ang babae, siguro nagulat sa biglaan niyang pagtawag. Napangisi siya sa kaisipang to.


'Wala naman, chinecheck ko lang kung ikaw talaga ang nagtext.' Pagpapalusot ni Peso pero alam naman talaga niya na gusto niyang marinig ulit ang boses ni Artemis niya. Oo, Artemis NIYA.


Narinig niya ang impit na tili nito, 'G-ganon ba Peso? Oo, ako to no. Si Artemis Del Castillo, ang nagiisa!' Natawa siya sa pagbabago ng nararamdaman nito, kanina lang ay parang na-Awkwardan ito ngayon ay parang kompartable nang kausap siya.


'Osige pala, Bye Artemis.' At inend niya na nga ang call, pagtapos non ay patuloy na lang ang ngisi niya hanggang sa makatulog siya.


Kinaumagahan, namataan niya si Artemis na papasok ng gate ng campus nila. Hinabol niya to dahil nasa isang tindahan siyang malapit sa gate ng campus.


Kinalabit niya agad ito ng mahabol niya na, 'Ay anak ka ng pitumpu't!' Natawa naman siya dahil sa reaksyon ni Artemis sakanya.


Pinalo sya ng malakas ng babae, "Ang aga-aga nanggugulat kadyan Peso!" Nginitian niya to, "Ang bilis mo kasi maglakad e, hinabol pa tuloy kita." Nagderetdertso lang ng lakad si Peso ng mapansin niya na hindi niya pala kasabay na si Artemis.


"Cas! Tara na, ano pa ang tinetengga tengga mo dyan?" Nagtatakang tanong ni Peso dahil parang nastun ang itsura ng babae sa kinatatayuan. Kaya't binalikan niya to at hinila sa kamay.


Nagulat si Artemis sa tawag sakanya ni Peso lalo na nang hinawakan nito ang kamay niya. 'Ang lambot ng kamay niya, parang hindi naghuhugas ng pinggan. Eh?' Isip isip ni Artemis habang hawak hawak parin ni Peso ang kamay niya habang paakyat sa respective floors na para sa Accountant Students.


Hindi na namalayan ni Artemis na nasa tapat napala sila ng room niya, halata sa mga mukha ng blockmates niya ang mga takaw sagot nito. Glass windowed kasi ang mga room sa campus nila.


Binitawan na ni Peso ang kamay ni Artemis at iniharap ito sakanya na halata naming ikinagulat nanaman ng magandang dalaga. Namula ang buong mukha ni Artemis sa simpleng ginawa ni Peso. "Bye, Cas!" Paalam sakanya ni Peso. At hinawakan pa nito ang bunbunan niya. Parang aso lang? Pero dahil don ay napangiti si Artemis.

A Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon