Kabanata 17 – Peso and Cleave Pt. 1
THIRD PERSON's POV
"Tara na Cleave, papasok na tayo sa bago nating eskwela!" Sambit ng isang bata na nagtatalon pa habang naglalakad sa isang subdivision.
Kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan, kasalungat niya ang matalik niyang kaibigan ay tahimik, mahiyain at misteryoso.
Hinila hila niya ang kaibigan niya kahit na mukha naman itong walang gana na pumasok sa bago nilang paaralan. Nasa walong taong gulang silang dalawa at kakalipat lang sa subdivision na 'yun.
"Trade, naliligaw na yata tayo." Nanginginig na sabi ng isang bata.
Inakbayan naman siya ng kaibigang bata, "Ano kaba, malapit lang daw 'yun. Malapit na tayo!" Masayang sambit nito at hindi bakas ang takot na maari silang maligaw lalo na't hindi nila kabisado ang bagong lugar.
Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa mas lalo na hindi pamilyar sakanila ang lugar, kung bakit naman kasi hindi pa sila sumakay nalang ng taxi o hindi kaya ay nagpahatid sa papa ni Trade.
"Trade, i-text mo na si Daddy mo. Sunduin kamo tayo dito! Late na tayo." Natatakot na sabi parin ng isang bata.
"Eh asan ba tayo?" Tanong sakanya ng isang bata habang kumakamot ito sa ulo at mahahalata mo ring naguumpisa nang matakot.
Lalong nanlumo ang mukha ng isang bata, ang mga misteryoso nitong mata ay nagpapakita na ng kahinaan at takot dahil wala silang pera kundi ang bente pesos na binigay sakanila.
Pinababaunan kasi sila ng tinapay na nasa lunch box nilang may design na Spiderman at Batman naman ang sa isa.
Nilibot nilang dalawa ang kanilang mga mata para mapansin na walang taong naglalakad o dumadaan man lang. Napakatahimik at tanging ihip lang ng hangin ang kanilang naririnig bukod sa sarili nilang boses.
Sinubukan i-dial ng mas matapang na bata ang number ng kanyang Daddy pero sa kasamaang palad hindi ito sumasagot marahil ay pumasok na ito sa trabaho.
Ang lakas pa kasi ng loob nilang dalawa na kaya na nilang dalawa pumasok dahil kabisado na nila ang daan patungo sa all boys school na pinaglipatan nila.
Ang alam ng Daddy nilang dalawa ay susunduin sila ng School Bus pero dahil pasaway ang dalawa sinubukan nilang maglakad para narin daw maikot ang lugar.
"Maglakad pa tayo, Cleave. Malapit na s-siguro tayo. W-wag ka matakot! Kasama mo naman ako eh." Hinawakan pa nito ang kaibigan niya sa pulsuhan para hilahin dahil mukhang wala na itong lakas para maglakad pa.
BINABASA MO ANG
A Match Made in Heaven
RomanceSi Artemis 'Cas' Del Castillo ay nahanap ang happily ever after niya kay Trade 'Peso' Pineda, masaya ang pagsasama nila kung kaya't nagpakasal sila ng maaga dahil sa tingin nila na sila na talaga hanggang dulo pero paano kung ang akala nilang happil...