Kabanata 19 - Peso and Cleave pt. 3

50 7 16
                                    

Dedicated sa'yo sis @Kimoojay sobra akong natuwa sa comments mo at nilagay mo pa'to sa Books Worth Reading na RL mo. Sobrang thank you and pwede ba mag request ng book 2 sa Pangarap Lang Kita? Hihi. Anyway, Godbless!


Kabanata 19 - Peso and Cleave pt. 3


Nagdaan ang mga araw na lagi nang pumupunta si Trade at Cleave sa Circle para lang madaanan ang babaeng nakatambay tuwing Friday at kumakanta kasama nga ang dalawa pa nitong kaibigan.


Tulad ngayon na 4th year high school na sila at malapit na silang grumadweyt, naitanong narin nila Cleave ang tunay na pangalan ng babae na kung saan ay Artemis.


Napakagandang pangalan para napakagandang babae.


"Pupunta nanaman kayong dalawa sa Circle? Aba. Iba na tama niyong dalawa ha." Sambit ni Joel sa dalawang magkaibigan na hihiwalay nanaman sakanila ngayong uwian ng Friday.


"Oo nga pre! Tuwing Friday tuloy kulang kami sa players! Lagi kasi kayong nagpupunta dun. Tsk! Bro's before hoes!" Dagdag pa ni Vincent habang umiiling iling.


"Sus. Malalakas naman na kayo eh! Sino ba kapustahan niyo? Taga kabilang school ba? Hahabol nalang kami ni Cleave."


"Habol nalang kami ni Trade. Sandali lang kami!" Pangungumbinsi ni Trade at Cleave sa dalawa pa nilang kaibigan na niyayaya silang magdota dahil may kapustahan nga daw ito sa kabilang eskwelahan.


Wala ring nagawa ang dalawa kaya pumayag narin silang sumunod nalang ang dalawa at pansamantalang maghahanap nalang muna ng dalawa pang player.


Nang makarating sila sa Circle at dumaan sa karaoke booth. Wala silang naririnig na kumakanta kaya nagpatuloy lang sila sa pag-ikot hanggang sa malaman nilang wala talagang customer ngayon.


"Malas. Dapat nagdota nalang tayo eh!"


"Tsk. Kala ko panaman makikita ko na ulit siya! Isang linggo rin akong naghintay." Sambit ni Cleave.


Dismayado ang dalawa dahil hindi nila nakita si Cas/Artemis na kung saan ay parehas silang may itinatagong damdamin sa dalaga.


"Sumunod nalang tayo kela Joel baka hindi pa sila naguumpisa sa pustahan dun yata sila sa Idojo eh. Pasosyal ampot*," Sambit ni Trade habang kumakamot pa sa kanyan batok.


Tinanguan lamang siya ni Cleave dahil para talagang binagsakan ito ng langit at lupa dahil hindi niya nakita ang crush niya na kung tutuusin hindi na maitututrin na crush. Crush paba iyon kung simula 8 years old ay crush niya na ito?


Nang makarating na sila sa Idojo, isa itong net café na pupuwede ka ring mag XBOX, PS2 at mag internet.


Namataan agad sila ni Joel at Vincent na may ma ngiting aso sa mukha.


A Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon