Kabanata 18 - PESO and CLEAVE pt.2
Ang dalawang matalik na magkaibigan ay parehas nang high school, pagkagraduate nila sa All boys school na pinag-elementaryahan nila.
Hindi parin naghihiwalay ang dalawang bata, lumipat sila sa isang highschool na hindi lang puro lalaki. Nagsawa na yata silang puro 'pare' ang kaklase nila.
Hindi na nila nakita muli ang batang babae na kinakausap ang pusa, hindi narin nila ito napag usapan mula nung inamin nilang dalawa na crush nila ang batang babae.
Nasa pangalawang taon na sila ng kanilang High School Journey.
"Ano Cleave? Wala kappa ring girlfriend?" Pang aalaska ng kanyang mga tropa na sina Joel at Vincent.
"Wag niyo nga inaasar 'tong utol ko! Inaantay niya pa si The One." Gatung ni Trade sa pang-aasar kay Cleave.
Ngumisi nalang si Cleave at umiling. Ano pa nga ba? Siya naman ang lagging trip ng mga tropa niya siya kasi ang tahimik at misteryoso.
Nagtawanan ang mga magkakaibigan sa patuloy na pang-aasar kay Cleave dahil sakanilang apat eto nalang ang hindi pa nagkaka-girlfriend o kahit fling man lang.
"Kasi naman tol ligawan mo nalang 'yan si Bianca oh! Maganda naman." Sambit ni Joel kay Cleave.
"Ayoko nga! Edi ikaw nalang manligaw diyan. Sus na 'yan!" Tanggi ni Cleave.
Nagtawanan muli ang mga tropa niya sa reaksyon niya, inakbayan siya ni Trade, "Utol, umamin ka nga. Bakla ka ba?"
Inalis naman ng marahas ni Cleave ang akbay sakanya ng kaibigan, "GAGO!"
"Hindi ka bakla, Cleave? Naku, nagdududa na kami ni Joel."
"Oo nga, baka naman crush mo kami?" Dagdag pa ni Vincent.
"F*ck bro's! May gusto ako. At hindi lalaki. Kadiri kayo." Napapangiting sambit ni Cleave.
Napapangiti siya maalala lang niya ang itsura ng batang babae, kahit ilan taon na ang lumipas nakatatak parin sa isip niya ang mga ngiti nito.
"Sino ba 'yan? Yung batang kumakausap nanaman ba sa pusa?" Tanong ni Trade na tinanguan lang ni Cleave.
"Ano ka ba! Ang tagal tagal na n'un! Nakalimutan ko na nga yung itsura eh! Iba ang tama mo tol." Umiiling iling na sambit ni Trade.
Nang dumating na ang kanilang guro ay bumalik na sila sa kanila kanilang upuan habang binato naman ni Trade ng papel si Cleave.
BINABASA MO ANG
A Match Made in Heaven
RomanceSi Artemis 'Cas' Del Castillo ay nahanap ang happily ever after niya kay Trade 'Peso' Pineda, masaya ang pagsasama nila kung kaya't nagpakasal sila ng maaga dahil sa tingin nila na sila na talaga hanggang dulo pero paano kung ang akala nilang happil...