Kabanata 13 - Reincarnation of Eve

45 10 13
                                    

@Zerose_CrimsonKabanata 13 – Reincarnation of Eve


            PESO's POV


            Nandito na ako ngayon sa isang restaurant na pinasara ko exclusively kasi gusto kong surpresahin si Artemis.


            Pambawi narin 'to sa dalawang araw kong paglipad sa ibang bansa, hindi ko pa nasasabi sakanya na kasama ko si Kristine (Doc. Reyes) sa pag-alis. Ngayong dinner date ko nalang sasabihin sakanya.


            Nauna akong umalis sakanya sa office because I wanna surprise her, kaya ibinilin k okay Cleave na basahin ni Artemis ang binigay ko sakanyang papel kanina. It was a love letter with the address of this restaurant also with the time our dinner will be held.


            "Ano Peso? Ayusin na natin. Let's put this balloons sa bawat sulok ng resto, total iisang table lang naman ang meron kahit na super laki ng resto na'to. Mygad, are you sure with this?"


            "Yes, Kristine. (Doc. Reyes) I'm sure, kaya umpisahan na nating ayusin 'to total naitabi na naman na ng mga waiter ang ibang tables."


            Isinama ko si Kristine (Doc. Reyes) dahil gusto niya raw tumulong sa pag-aayos ko ng dinner date namin ni Artemis, sinadya ko talaga na wag itong ipaayos kaya pinahanda ko nalang ang mga gagamitin tulad ng Red and White balloons and such..


            "San ko 'to ilalagay Peso?!" Sigaw sa'kin ni Kristine hawak hawak ang iilang party popper na binili ko.


            Napangiti nalang ako dahil I know Artemis would really love this, she's already 22 but she's still a kid at heart.


            "Ilapag mo muna sa may likod ng pintuan, gagamitin ko 'yan pag naandito na s'ya." Nginitian ko pa si Kristine at binigyan lang ako nito ng isang wala-akong-paki-look. Umiling nalang ako at bumalik dito sa ginagawa ko.


            Kasalukuyan kong inaayos ang petals na mula sa pintuan ng entrance hanggang sa upuan ni Artemis na maghuhugis puso ito at muli itong may connecting line patungo naman sa petals na nakahugis puso rin.


            "Hey lover boy Peso! I'm done with the balloons with the red then the white, whatever is that alternative thingy you want me to do. By the way, you are creepinh me out with all that smiling!"


            Tumayo ako matapos ko ilagay ang last petal at hinarap si Kristine na nagrereklamo sa pag ngiti ko.


            "Shut up, doc!" Ginulo ko pa ang buhok nito kaya sumimangot ito at tinabig ang kamay ko at tumalikod sa'kin.


            "Peso, uuwi nako ha." Diretdiretso na siyang lumabas at hindi nako muling hinarap pa.


            Hindi ko tinetext si Artemis dahil mabubulelyaso ang surpresa ko at susunduin ko pa si Hope Yandre.

A Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon