Kabanata 6 - It's a Baby Boy

56 12 10
                                    

Kabanata 6 – And it's a Baby Boy


Matapos namin malaman dalawa ni Peso na buntis ako, agad agad niya akong dinala sa OB-GYNE gusto nadaw niya malaman lahat lahat. Kaya sinabe ng doctor na bumalik kami sa week 8 ng pregnancy ko para marinig ang heartbeat ng bata at macheck-up ang health nito.


That's why on the 8th week of my pregnancy, bumalik kami sa OB ko si Doc. Reyes, doktora to be specific. Ayaw kasi ni Peso na sa lalaking OB ako, mali daw yon. Natatawa nalang ako nung mga panahong pinagdiskusyunan namin yon, si mommy kasi ang nagbigay ng OB sakin na lalaki at hindi pumayag ng 'to, naghanap ng iba.  Si Doc. Reyes nga yun.


Tuwang tuwa si Peso nang marinig niya ang heartbeat ng bata, naluhaluha panga siya eh. Maging ako naluhaluha non nung marinig yon. Iba kasi sa pakiramdam na may buhay na nabubuhay sa loob mo.


Simula no'n, mas nagging maingat ako sa mga galaw ko dahil medyo maselan daw ang pagbubuntis ko, hindi ko nadin natuloy ang project ko dapat sa kumpanya yun nga ang client kong si Cleave, si Wick nadaw ang nagasikaso kay cleave. Crush na crush nga ito, habang si Reyna naman daw e nagmamaktol dahil gusto niya sya ang sumambot kay Cleave. Natatawa nalang ako dahil mukhang isang Love Triangle  ang peg nila. Kung sabagay, saaming lima noon na magkakasangga nung college.


Ako palang ang may asawa.


At sa ngayon, I'm already at my 20th week of pregnancy, lalabas kami para bumalik kay Doc. Reyes I can see that they're really close, ng asawa ko. Tropa daw kasi sila nung Highschool. Kasama ko si Tiara ngayon, aalis narin daw kasi siya ng bansa. I heard what happened between her and Prince. At medyo, tragic. Ayaw ko nadin pagusapan kasi maiiyak lang ako.


Sa panahon na buntis ako, I became more emotional. Bugnutin kung tawagin, and my cravings became too complicated. Tulad nalang nung una,


"Gusto ko ng mangga, hilaw. Maasim." Agad agad umalis si Peso at naghanap ng mangga para sakin.


Pagdating niya inabutan niya agad ako ng manggang hilaw, kinagatan ko ito, "Ayaw ko nito, hindi maasim."


Kumamot siya sa kanyang batok dahil halos magiisang linggo nakong ganito, gusto ko ng mga pagkain na 'sobra' gusto ko pag maasim sobrang asim dapat! Kapag hindi niya yun binigay, inaaway ko siya o dikaya naman iiyak ako.


Matapos isang araw binigyan niya ako ng 'Suka' nung una nagtataka pako, anong gagawin ko sa Datu Puti?


"Inumin mo. Laklakin mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabe niya, anong laklakin? Baliw ba 'to!


"ANO?"


"Gusto mo nang maasim diba? Try mo lang hon." Ngumiti pa ito sa'kin ng pagod. Kaya ginawa ko nalang yung sinabe niya. Ending, suka ko pinaglihi ang anak ko.


Nandito na kami ngayon sa clinic ni Doc. Reyes, nang makapasok kami sa clinic nabitawan ni Tiara ang cellphone niya ng makita si Doc. Reyes.

A Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon