Kabanata 7 - True Happiness

58 13 10
                                    

Kabanata 7 - True Happiness


It's already my birthday at malapit narin ako manganak, eight months preggy nako at eto ngayon sa bahay may handaan na ginaganap, nahihirapan nga ako dahil ang hirap magentertain na ng guest habang mukha akong nakalunok ng pakwan.


Simpleng birthday party lang for my 22nd birthday, sinabay narin namin dito sa Baby Shower para kay Hope Yandre my baby boy.


Andito ang mga business partners ng kumpanya ng Pineda, my relatives and parents, and ofcourse my friends.


Naupo muna ako sa sala dahil napapagod nako sa labas, sa labas kasi ang party. May veranda kami roon at nilagyan nalang namin ng tables and balloons. Nakakatuwa nga eh.


Nagulat nalang ako ng may umakbay sakin, "Are you tired hon?" Ngumiti ako at tumango.


"Gusto mo bang umakyat muna? So, you can rest. We can handle things here."


"Wag na hon, ako yung celebrant tapos wala ako? Ano 'to parang nung sa reception lang natin dati?" Natawa naman siya dahil siguro naalala niya ang kalokohan niya at minamadali niya ako noon.


Umiiling iling ako, "Sige na hon, asikasuhin mo na sila Joel dun sa labas. Ngayon nalang nga kayo ulit nagkita kita oh." Tumango ito at hinalikan ako sa pisnge bago lumabas ulit.


"May I sit beside you?" Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko, it was Cleave.


Tumango ako at itinuro ang space sa tabi ko, sumunod naman siya at naupo sa'king tabi. Nakangiti siya ngayon, huling kita ko sakanya was months ago with hurt in his eyes. Now, I can only see happiness.


"So, How's life? Kamusta ang kumpanya nyo ng daddy mo?" As I remembered, engineer siya pero sa kumpanya ng daddy niya siya nagtratrabaho that's why gusto ng daddy niya noon kumuha ng isang CPA.


"Happy."


"Oh, that's good. Halatang halata nga sa aura mo today eh, last time I saw you.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita rin siya, "I have a problem that time, pupuntahan ko sana si Trade eh. Yayain ko uminom pero nung nakita ko kayo, wag nalang." Then he smiled.


"Anong naging problema mo ba n'un? If you don't mind." Sa totoo lang ay curious ako. Ngumiti naman ito, "Babae." Tumango nalamang ako at hindi na masyadong inusisa ang bagay na tungkol sa mga 'babae' mas matanda si Cleave sa'min ng isang taon ni Trade.


"Manganganak kana next month ah, laki na oh." Sabi niya habang hinihimas ang tiyan ko and it felt nice. Trade never did that, he only kisses my belly. Iba din pala ang feeling pag hinihimas ito, "Ah." Nagaalalang binitawan ni Cleave ang tiyan ko, "Whats wrong?" Tanong nito. Tumawa naman ako dahil halatang hindi nito alam ang nangyari, "Wala, sumipa si Hope. Kinikilala kana niya bilang Ninong!"


Matapos ang nakakapagod kong birthday party ay naglinis na sila Trade at Cleave. Mago-overnight daw kasi si Cleave dito sa'min. Nauna nako sa dalawa dahil napagod ako kaya't hinayaan ko na silang dalawa na magkulitan habang naglilinis sa baba.

A Match Made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon