Kabanata 21 – Wish
Hindi ko alam kung kalian nagsimula, hindi ko rin alam kung pano 'to lulusutan pero alam ko sa sarili ko na pinigilan ko 'to.
Pinigilan kong mahalin ang isang taong alam kong maling mahalin.
Kailan ba naging mali ang magmahal? Kailan?
Limang buwan na ang lumipas mula nung nahuli kami ng asawa ko sa kumpanya. Matapos n'on ay agad agad akong kinaladkad pababa ni Peso.
Ang akala ko ay sasampalin at sisigawan niya ako dahil kayakap ko ang matalik niyang kaibigan. Pero nagkamali ako...
"I'm back. I missed you and our son. I love you." Yakap niya sa'kin na sobrang higpit na para bang kay tagal kong nawala.
Baka nga matagal na akong nawala? Hindi ko alam. Hindi ko alam.
"P – peso, teka lang." Pilit kong inaalis ang mga yakap niya sa'kin dahil gusto kong umamin sakanya. Gusto ko nang sabihin ang totoo.
Pero imbis na pakawalan niya ako sa mga yakap niya, hinigpitan niya pa lalo ang mga yakap sa'kin.
"Hindi, Cas. Hindi. Wag munang ituloy." Nararamdaman ko na ang panginginig ng kanyang katawan.
"Please." Sambit niya na mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa'kin na halos pumiyok na siya masabi lang ang pakiusap niya.
Niyakap ko na siya pabalik, patuloy parin ang pagtulo ng mga luha ko.
Kung kanina ay dahil sa chismis kaya ako nasasaktan, ngayon mas dumoble pa ang sakit! Para bang pinupukpok ng martilyo ang puso ko dahil sa ginagawa ni Peso.
Mas matatanggap ko pa kung magagalit siya at magtatanong kung bakit kami magkayakap ni Cleave.
Hindi yung yayakapin niya pa ako at kitang kita sa mga mata niya na nasasaktan siya. Na para bang alam niya o di kaya ay ayaw niya nang alamin because he loves me that much.
Dammit.
Matapos ng insidenteng 'yon ay nagresign na ako sa kumpanya at naging hand-on sa pag aalaga sa anak namin ni Peso.
Bumalik kami sa dati, nawala si Cleave sa picture at natira nalang kaming tatlo ni Hope, Peso at Ako.
But why do I feel that something is wrong? Parang may kulang...
Tulad nga ng sabi ng iba, bumalik man kayo sa dati hindi naman maibabalik ang mga kasalanan at ang mga tiwalang nasira.
Kahit hindi sabihin ni Peso alam kong may galit siyang naramdaman sa puso niya mula n'on, kahit kelan sa loob ng limang buwan hindi niya ako tinanong.
Kahit ang pangalang Cleave hindi niya nabanggit. It's like a taboo to just say his name.
Ang huling balita k okay Cleave ay umalis daw ito at nagtungong Amerika na kalaunan daw ay ikakasal kay Kristine.
"Honey!"
Agad agad akong bumaba para salubungin ang asawa kong galing trabaho, "Honey!" Sinalubong ko siya ng may mga ngiti sa labi at hinagkan siya sa kanyang pisnge.
"So far, so good ang Firm at ganun din ang Real Estate. Kamusta kayo ni Hope dito? Asan pala ang anak ko?" Sambit niya habang nakaupo sa sofa at dahan dahang niluluwagan ang kanyang necktie.
Tumabi ako sa tabi ni Peso, niyakap ko siya.
Ginantihan niya naman ang yakap ko, "What did you eat today? Is it that sweet?" Tanong niya habang tumatawa pa.
Ang sarap ng pakiramdam na nasa bisig niya, "Bakit ka umiiyak?" Umalis siya sa pagkakayakap sa'kin.
Agad ko naming hinawakan ang mga pisnge ko, "A–ahh, napuwing lang ako siguro." Tumawa pako.
BINABASA MO ANG
A Match Made in Heaven
RomanceSi Artemis 'Cas' Del Castillo ay nahanap ang happily ever after niya kay Trade 'Peso' Pineda, masaya ang pagsasama nila kung kaya't nagpakasal sila ng maaga dahil sa tingin nila na sila na talaga hanggang dulo pero paano kung ang akala nilang happil...