Kabanata 8 - Bakit?
Matapos ang dalawang araw ay nakalabas narin ako sa hospital pero yung baby boy ko, naiwan. Kailangan niya pa kasi i-incubator para lumaki pa siya at mapunan ang mga araw na wala na siya sa sinapupunan ko.
May tiwala naman ako kay Doc. Reyes kaya panatag ako sa pag-iwan ko sandali sa baby ko, kasalukuyan akong nagpapahinga dahil hindi naniniwala sa'kin si Peso na kaya ko na, okay nako. Dahilan niya, first time ko daw manganak at natakot siya nung sinabe kong 'I can't do this anymore' sakanya nung oras na naglalabor ako.
"Honey, I told you na magpahinga ka, hindi magbasa ng mga kung ano anong magazine d'yan." Sermon nanaman sa'kin ng mister ko. Hay jusko!
"Bubuklatin ko pa nga lang e!" Pagrereklamo ko.
Kinuha niya ang magazine sa'kin at umupo ito sa gilid ko, "Nag-aalala lang kasi ako sa'yo. Tinakot mo ko sobra!" may takot parin sakanyang mata habang tinititign ko 'to.
Bumangon ako at niyakap siya, "Peso, I'm okay. I love you so much!" Then I kissed him on his cheek. He smiled at me. "Osige na nga hon," sabay abot sa'kin ng magazine na kanina'y babasahin ko, "Magbasa kana, pero hinay lang ha? Aalis pa tayo mamayang gabi."
Binaba ko muli ang magazine, "San tayo pupunta mamaya?" taking tanong ko.
Ngumiti ito at tumayo na, "Despidida na ni Tiara mamaya. Sabado na today." At lumabas na ito sa kwarto namin.
Oo nga pala, despidida niya na ngayong sabado! Nakaligtaan ko na dahil sa panganganak ko, nagbasa muna ako sandali ng magazine hanggang sa maramdaman kong inaantok nako.
Gabi napala ng magising ako, madilim na ang paligid masyado na yatang humaba ang pagpapahinga ko, lumabas nako sa kwarto at napangiti nalang ako ng makita ko ang asawa ko na ikinikiskis ang posposro sa lalagyan nito para umapoy.
Nakakatuwa siyang panuorin, hindi niya mabuksan, "Pfft. Hanggang ngayon ba naman, honey?"
Napunta sa'kin ang atensyon niya, "Gising kana pala, hon." Hinalikan niya ako sa pisnge at kinuha ko mula sa kamay niya ang posporo. "Ganito.. Honey ha? Tignan mong mabuti. Kailangan kasi pag kiniskis mo yung posporo biglaan pero may diin at pag i-ingat."
Niyakap niya ako mula sa likod matapos kong mapaapoy ang posporo na para pala sa Candle light dinner! "Ang daming pakulo, honey!" Sambit ko pero inaamin ko na matagal tagal narin mula nung sinurpresa niya ako.
Ngumiti siya sa'kin at hinila ang upuan para paupuin ako kaya't umupo ako sa inoffer niyang upuan at ganun din siya sa harap ko naman. Walang nagsasalita sa'ming dalawa, para kaming bumalik nung bago pa maging kami.
Which is the Ngiti-lang-andyan-si-Crush! Nakita kong namumula ang tainga niya kahit madilim rito sa Dining Area namin, merong petals ng roses ang naka-pabilog rito sa lamesa habang may maayos na table setting ang bawat plato hanggang sa kutsarita!
BINABASA MO ANG
A Match Made in Heaven
RomanceSi Artemis 'Cas' Del Castillo ay nahanap ang happily ever after niya kay Trade 'Peso' Pineda, masaya ang pagsasama nila kung kaya't nagpakasal sila ng maaga dahil sa tingin nila na sila na talaga hanggang dulo pero paano kung ang akala nilang happil...