Chapter 19

1.1K 18 0
                                    


Olivia Serrano


Mataman kong tinitignan ang leeg ni Zoe, nagkaroon siya ng pasa dahil sa pagsakal sakanya ng ex ni Hades noong nasa Heaven's orphanage kami. Ginising na lang kami ni Scarlett no'n nang madala na nila ni Aether sina Zoe at ang kambal na sina Cherry at Berry sa clinic ng ampunan.


Hindi naman sumagi sa isip namin na may mangyayaring gano'n pala, basta ang alam ko gustong balikan ni Amber si Hades kaya galit ito ngayon kay Zoe kaya rin nagawa niya iyon.


Napabuntong hininga na lang ako bago hinigop ang mainit na kape.

Beep beep!


"Sana all sinusundo" anas ni Scarlett habang ngumunguya ito ng pagkain, sinamaan ko nga ng tingin na kinahagikhik lang nito. Tumayo na ako at dinala sa lababo ang mug ko.


"Pasundo ka kay Aether" suhestyon ni Zoe


"Didiretso iyon sa site ngayon" tugon ni Scarlett.


"Ako na maghuhugas Olivia, puntahan mo na si Eros do'n baka mainip." Ani Zoe, tumango na lang ako at kinuha na ang mga gamit ko. I stopped in front of the tall mirror, checking my looks which I started doing when I realize what I feel for Eros.


I wanted to look decent for him,
Aahh kaya pala naka-above the knee long sleeve dress ka ngayon, ayos na ayos din ang mukha at buhok, singit ng utak ko.


I bit my lower lip while I'm staring at myself, I look fine and no one will notice that I'm fighting some nightmares at night. Simula nang araw na tinangka kong saktan ang sarili ay lagi akong dinadalaw ni papa sa panaginip ko minsan si mama na laging sinasabi na maging matatag ako.


Marahan kong hinaplos ang palapulsuhan ko at hindi naiwasang mapangiwi, napabuntong hininga na lang ako bago umalis sa tapat ng salamin at lumabas na ng bahay.


I saw Eros standing outside his car, he's leaning his back on the door of the passenger seat at front. Nakacasual lang ito dahil this week ay foundation week ng DMU, marami na rin naganap sa mga nakalipas na araw sa event.


Actually kaya rin ako nakaayos ngayon ay dahil magiging hurado ako ng talent show mamaya. Hindi ko man hilig ang makisali sa ganitong event pero napilit ako ni mr Santos at nina Susie, lalo na si mr Santos pa mismo ang pumunta saakin para sabihin na isa ako sa mga magiging hurado ng talent show.


"Good morning pretty!" Bati ni Eros nang makalapit na ako sakanya, hinapit ako nito sa bewang kaya napadikit ako sa dibdib nito.


"Goodmorning" bati ko pabalik at nagpalinga-linga sa paligid at baka may makakita saamin.
"Bitaw na Eros"


Umiling siya at mas hinapit ako kaya dikit na dikit tuloy ang dibdib ko sakanya.
"Morning kiss pretty" anito sabay nguso na kinakunot ng noo ko.


"Paalala ko lang na nasa tapat tayo ng bahay namin at baka may makakita pa saatin dito." Anas ko at tinulak siya
Ngumuso siya lalo na kinailing ko at nagpipigil ng ngiti.


Pinagbuksan ako nito ng pinto ng kotse nito habang nakanguso pa rin, sumampa na ako at bumaling sakanya nang hindi pa niya sinasara ang pinto.


I shook my head before pulling him closer to me and gave him a peck, nawala na ang pagkakanguso niya at napalitan na nang malawak na ngiti. Kitang-kita tuloy ang maputi nitong mga ngipin.


"Happy?" Kunwaring bagot kong tanong
Tumango naman ito na parang batang binigyan ng candy. Marahan na nitong sinara ang pinto at mabilis na umikot ng sasakyan.


Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon