Chapter 35 (Last Chapter)

1.2K 23 0
                                    

A/N: Kahapon pa dapat ako nakapag-update para pabirthday gift ko sainyo kaso hindi pa ako tapos kahapon hehe.
Anyway, enjoy the last chapter~

Eros Andino

Present

Marahan kong hinahaplos ang mga marka sa palapulsuhan ni Olivia habang natutulog ito sa bisig ko. I planted a soft kisses on them before staring at her lovely sleeping face.


This woman in my arms experienced alot in her life, kahit gusto ko mang kunin lahat ng sakit na nararamdaman niya ay hindi ko magawa, ang kaya ko lang gawin ay ang manatili sa tabi niya at mahalin siya ng buong puso. I will replace all those bad memories with our memories full of love and happiness.



Now, everything's okay. Ilang linggo pagkatapos nitong makalabas sa mental hospital ay onti-onting nagiging maayos ang buhay namin lahat. Hades was alive and safe, his memories are slowly coming back. Him and Zoe are expecting their first baby soon. Scarlett also came back safe to Aether, that guy despite his low alcohol tolerance he drinks alcohol like a fücking water in the first month Scarlett was not here. Pero buti na lang ngayon ay maayos na siya at hindi na magpapakalasing dahil andyan na si Scarlett.


Maraming nangyari saamin lahat pero hindi kami nagpadala sa mga problemang binato saamin. We all remain strong and always at each other's back, no one can bring down an Andino whether it's a problem or kahit ano pa iyan. Problema lang mga iyan, Andino kami, kidding aside haha.



Napunta sa palasingsingan ni Olivia ang tingin ko at malawak na napangiti nang makita ang wedding ring namin. We had a very simple and private wedding yesterday, she wanted it that way iyon din naman ang gusto ko e. Kami kami lang at mga mahahalagang tao sa buhay namin, though mom and dad didn't attend our wedding but I already expected that. Ayoko naman sa kasal namin sila maghasik ng pangit nilang pag-uugali, masama na kung masama dahil ang mahalaga saakin ngayon ay ang makasal sa babaeng mahal ko at wala ng iba.


"I love you wifey" puno ng pagmamahal kong bulong pagkatapos kong halikan ang singsing nito. Hinalikan ko ito sa noo bago inayos ang kumot sa hubad nitong katawan at tumayo sa kama, I walked straight to our bathroom with my naked butt. Kami lang naman ang nandito sa condo ko kaya walang problema kung maglakad akong nakahubad, I even did this while my wifey was wide awake before and you know what happened next hahaha.



Hinayaan kong nakabukas ang pintuan ng banyo dahil saglit lang naman ako maliligo at magluluto pa ako ng breakfast namin.
Sus, ang sabihin mo ay gusto mong makita ka ng asawa mo habang naliligo ka, my subconscious butt in.
Maybe or maybe not hahah, tugon ko naman.


Patapos na akong maligo nang makita ko sa gilid ng mga mata ko ang pigura ni Olivia na nakatayo sa tapat ng pintuan. I turned off the shower and looked at her, her eyes are only half opened and you will know that she's still sleepy.


"Did I wake you up wifey?" Malambing kong tanong habang nagpupunas ng katawan.


"Hhhmm, ang aga pa hubby, let's go back to sleep please." Napahinto ako sa pagpupunas ng katawan ko at tinitigan ito, tangïna ka Eros! Look what you did to her! Masyado mo siyang pinagod kagabi kaya ngayon ay inaantok pa, singhal sa sarili.


Nagtapis ako ng tuwalya sa bewang ko at lumapit sakanya habang pinupunasan ang buhok gamit ang mas maliit na tuwalya. Her head was leaning on the doorframe while her eyes are now closed, tanging puting kumot lang ang nakabalot sa katawan nito.


When I reach her I softly planted a kiss on her forehead before pulling her gently on my body and walk her back to the bed.


"Tulog ka ulit wifey hhmm, I will just cook our breakfast para paggising mo ulit ay makakain ka kaagad." Malambing kong sabi habang hinahaplos ang buhok nito. Inaantok ako nitong tinignan at bahagyang sinamaan ng tingin na kinahalakhak ko dahil alam ko na ang dahilan kung bakit niya ako tinitignan ng masama.


Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon