Chapter 7

1.8K 26 15
                                    

Happy reading~

Olivia Serrano


Matyaga akong naghihintay ng taxi rito sa labas ng DMU, dahil past 10 na ng gabi kaya kaonti na lang ang dumadaan at minsan may mga sakay na. Kung gusto kong makasakay kaagad kailangan ko pang maglakad papunta sa main road para do'n mag-abang.


Bumaba ang tingin ko sa paa ko at hindi ko maiwasan mairita. Ang tangä-tangä kasi Olivia pauwi ka na lang matatapilok ka pa, iritang sambit sa isip.


Kung hindi lang masakit ang paa ko kanina pa ako nagsimulang maglakad papuntang main road kaso sobrang sakit niya. Buti na lang mabait si manong guard at pinahiram ako ng upuan habang naghihintay ako rito sa labas lang ng guard house niya.


"Wala pa ba hija?" Marahan na tanong ni manong na kinalingon ko.


"Wala pa po e" tugon ko at binigyan ito nang matipid na ngiti.


"Gusto mo ba itawag na kita ng taxi?" Nagmamagandang-loob na sabi nito na kinailing ko.


"Hindi na po manong, meron naman po sigurong mapapadaan dito." Tugon ko na kinatango nito bago ako iniwan ulit.
Bumuntong hininga ako bago sumandal sa upuan.


I can buy a car if I want to with my savings but I don't know how to drive hindi katulad nina Zoe at Scarlett na may sariling mga sasakyan. Wala rin akong time mag-aral magmaneho at hindi ko rin kakayanin magmaneho sa pagod ko araw-araw.


Trinay ko na rin magbook ng taxi kanina kaso wala talaga, puro occupied sila.


Napabuntong-hininga ako bago napalingon sa kaliwa nang may nakakasilaw na ilaw ng motor ang paparating, iniwas ko ang mukha at tumingin na lang sa kabilang banda.


Gusto ko nang umuwi at humilata sa kama sa pagod ko, hindi ko nga alam kung saan ako napagod e. Kung kay Eros ba na umagang-umaga kanina e pinapasakit na ang ulo ko o ang mga studyante sa library na nahuli kong naglalaro ng baraha sa pinakalikod ng library. Pero sa tingin ko kay Eros talaga ako napagod dahil sanay na ako sa mga studyante na kung ano-ano ang ginagawa sa library, yung sakanya kasi ako mismo ang ginugulo niya kaya napapagod akong isipin kung paano pa siya itataboy.


Sumasakit na naman ang ulo ko dahil naalala ang sinabi nito kanina saakin, kasalanan ko pa kung bakit niya ako ginugulo, ang walanghiyang iyon!


"How long are you planning to wait here?" Napakislot ako nang marinig ang boses na iyon. Ito na naman siya! Patapos na ang araw pero ito't pasasakitin na naman niya ang ulo ko.

"Pretty"


Bumaling ako sa kaliwa at nakita itong nakatayo habang may hawak na helmet, napunta tuloy sa gilid ang mata ko kung saan nakaparada ang isang black and white na big bike. So siya iyong dumating kaninang nakakasilaw yung ilaw.


Binalik ko ulit sakanya ang tingin, he's wearing a complete set of protective gears, all in black color.


"Hanggang sa may dumating na taxi, Eros." Malamig kong tugon bago umiwas ng tingin.


"I don't think there will be any taxi here pretty, they all stuck in the traffic at the main road." Anito kaya napatingin ako sa daan papuntang main road, kahit malayo ay nakikita ko ang mga nakahintong sasakyan dahil sa traffic.


Kung hindi lang dahil sa natapilok kong paa baka kanina pa ako ando'n sa main road at nag-aabang ng taxi ro'n. Hindi ko naman pwedeng ipwersa dahil lalong sasakit at baka mamaga pa.


Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon