Chapter 9

1.7K 34 9
                                    

Happy reading~


Olivia Serrano



"You know that guy, ma'am Olivia?" Nabitin sa ere ang mga daliri ko mula sa pagtipa sa keyboard. Bumaling ako kay Chad at tinignan ito nang nagtataka. Nakatayo ito sa harapan ng lamesang kinaroroonan ng computer. May hawak-hawak itong mga libro na mukhang ibabalik na sa mga shelf.


"Guy? Sino?" Tipid kong tanong at muling nagpatuloy sa ginagawa. Pilit ko rin winawala sa isip ang naganap kanina, pagkatapos kasing sabihin ni Eros iyon ay lumabas din siya kaagad na parang walang sinabi na nakakawindang saakin.


Nasisiraan na ata talaga ng ulo iyong lalaking iyon e, sambit sa isip.


"Iyon ma'am oh, sama nga ng tingin saakin e. Siya rin yung kaninang kausap niyo ma'am." Mabilis pa sa alas-kwarto akong lumingon sa paligid at nakasalubong ang matiim na titig ni Eros, nakaupo siya sa isa sa mga mesa rito at kita ko pang may mga libro sa harapan nito. Kumunot ang noo ko at lumingon kay Chad.


"Kailan pa siya ando'n?" Takang tanong ko, hindi ko kasi siya napansin pumasok ulit ng library.


"Kaninang umalis kayo saglit ma'am." Tugon nito
Noong nagbanyo ako do'n siya bumalik dito, at para ano? Umupo lang do'n at gawing props ang mga libro sa mesa nito. Kita ko pang nililingon siya ng mga kaschoolmate niya dahil siguro naninibago dahil andito siya sa library na according sa mga babaeng narinig ko noon e hate niyang mag-aral kaya hindi nagpupunta rito sa library.


Sinamaan ko siya nang tingin dahil nang lumingon ako ulit ay kinindatan niya ako pero agad din sumeryoso ang mukha pagkatingin sa likod ko at alam kong si Chad ang tinitignan nito.


"Aahhm itabi ko na 'tong mga 'to ma'am." Bumaling ako sakanya at tumango, hindi na ako lumingon muli kay Eros at tinapos na lang itong ginagawang report about sa mga nilagay na lumang libro sa storage room. Si Chad na ang gumawa no'n dahil nagpaalam si Susie na may gagawin sila ng mga kagroupmate niya na project.


Ramdam ko ang matiim na titig ni Eros saakin kahit na nakatalikod ako mula sakanya, napairap na lang ako sa inis dahil talagang wala na akong magawa para itaboy siya. Ako lang naman ang napapagod kakataboy sakanya dahil mas matigas pa ang ulo niya (sa itaas) kaysa sa bato!

Aminin ko man sa hindi nakaramdam ako nang kaonting takot sa balak nitong gawin kung sakaling totoohanin nito ang sinabi kanina.


Nahilot ko na lang ang sentido ko sa pagkirot nito lalo na nang maalala ang sinabi kong magsëx na lang kami nang tigilan na niya ako. Wala na akong maisip na ibang paraan para mataboy siya at akala ko iyon lang ang gusto nitong makuha mula saakin, iyon pala may iba pa, tangïna!


"Si Eros!" Impit na tili ang nagpaangat sa tingin ko mula sa monitor. Tatlong babae ang pumasok ng library, binati pa nila ako na simpleng tango lang ang binigay ko sakanila. Nagmadali ang mga itong maglakad palapit sa damuhong hanggang ngayon ay ramdam ko ang titig sa likod ko. Hindi na sana nagpunta rito kung ganyan lang ang gagawin, pairap kong sabi sa isip.


Madiin ang pagkakapindot ko sa mouse nang isend ko na ang ginawang report. Now what?! Tanong sa sarili dahil wala na akong magawa. Tamad kong inabot ang cup ng kapeng dala ni Eros kanina at sumimsim, inabot ko na rin ang lalagyan ng cinnamon roll at tipid itong kinain. Masarap talaga ang tinapay na ito kaya kahit naiinis kay Eros ay kinain ko pa rin dahil walang kasalanan ang tinapay.


"Let's hang out later Eros, just like the old times." Nagpanting ata ang tainga ko sa narinig, nakatalikod pa rin ako sa gawi ni Eros.

"Oo nga Eros, you know we miss you na e."

Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon