Chapter 5

1.7K 33 5
                                    

Enjoy reading~

Olivia Serrano

Naalimpungatan ako nang makarinig ng ugong ng sasakyan sa labas, light sleeper lang ako kaya kaonting ingay o galaw lang sa paligid ko agad akong nagigising.


Pupungas-pungas akong tumayo mula sa higaan ko at sumilip sa bintana, isang itim na pick up ang nakaparada sa tapat ng gate ng bahay. I waited for the driver to climb down and when it did, my eyebrow furrowed because the guy is not familiar. He's not one of our neighbors, I watched him walked to the other side and he opened the front seat's door.


"Zoe?" Sambit ko nang mamukhaan ang kaibigan ko. Nagmadali akong bumaba para pagbuksan sila ng gate. Nakita ko pa ang oras sa nadaanan kong wall clock at ala-una na ng madaling araw.


Nang buksan ko ang gate ay bumungad saakin ang lasing na lasing kong kaibigan habang nakaalalay sakanya ang lalaking naghatid sakanya. The guy looked at my way and gave me a nod as a greetings, tumango lang din ako sakanya bago sila nilapitan dalawa.


"Zoe...Zoe, gaano ba karami ang ininom mo ha?" Sabi ko habang inaayos ang neckline ng damit nito dahil lumilitaw na ang dibdib nito, nabaling naman sa lalaking nakaalalay sakanya ang tingin ko at nakitang mataman itong nakatingin kay Zoe at kung hindi ako nagkakamali ay may pag-iingat sa mga mata nito habang hawak ang kaibigan ko.


Lihim na lang akong napailing at ngiti bago sila iginiya papasok para maihiga na si Zoe sa kwarto nito. Binuhat na lang nito si Zoe dahil k.o na ang lasengera kong kaibigan.


"Pakihiga na lang siya rito." Utos ko sa lalaki, marahan nitong nilapag sa kama si Zoe nakita ko pang inalis nito ang mga nakaharang na buhok sa mukha ni Zoe. Who's this guy Zoe? Sambit ko sa isip habang naniningkit ang mga matang nakatingin kay Zoe.


Tumikhim ako na siyang kinatingin saakin ng lalaki, umayos ito ng tayo at namulsa sa pantalon nito.


"Thank you for bringing my bestfriend home, pasensya na rin dahil naabala ka pa niya."


"It's nothing, anything for Zoe." Anito sa seryosong boses bago binalingan si Zoe at tinitigan saglit bago naglakad palabas, sumunod naman ako para maihatid ito sa labas.


Bubuksan na nito ang pintuan ng kotse nito ng pigilan ko siya.
"Aahhmm, who are you?" Lumingon siya saakin
" ....Baka magtanong si Zoe mamayang umaga pag nagising siya."


He combed his hair before answering me that left me speechless.


"Her future" iyon lang ang sinabi nito bago umakyat sa pick up nito at pinaharurot paalis, napakurap-kurap na lang ako sa narinig bago napapailing na pumasok sa loob. Future? Anong klaseng future ni Zoe? Hhhmm? Sambit sa isip.


Bumalik ako sa kwarto ni Zoe pagkatapos kumuha ng palanggana at bimpo, tinanggal ko muna ang heels nito pati na ang makeup sa mukha nito bago siya punasan para mapreskohan man lang siya kahit kaonti.


Kumukuha ako ng damit nito nang marinig itong umungol at may kung anong sinasabi na hindi ko maintindihan.


"Hedsss hiindee pwidi, himdi....." napailing na lang ako, lumapit na ako sakanya at pinalitan ito ng damit. Sanay na akong ako ang nag-aasikaso sakanila ni Scarlett pag nalalasing sila, heavy drinker kasi talaga silang dalawa kaya para akong may dalawang anak na inaasikaso pag silang dalawa ang lasing.


Pagkatapos siyang bihisan ay niligpit ko na ang ginamit na pangpunas sakanya pati ang maduming damit niya ay nilagay ko na sa laundry basket nito.


Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon