Chapter 17

1.2K 20 4
                                    


Olivia Serrano


Pasinghap akong nagmulat at mabilis ang paghingang nagpalinga-linga sa paligid. Napahawak ako sa leeg ko nang maalala ang napaginipan.


Sinasakal daw ako ni papa habang malademonyo itong tumatawa, halatang tuwang-tuwa sa pagsakal saakin.


Nanginginig akong bumuga ng hininga, nagsisimula na rin manginig ang mga kamay ko. Ito na naman, nagawa ko nang alisin ang mga bangungot na iyon pero eto't bumabalik sila, siya.


"Isusunod kita sa mama mo anak"


Napatakip ako sa magkabilang tainga ko nang marinig iyon ng paulit-ulit. Napayuko ako sa kamang kinauupuan at napasabunot sa sariling buhok.


"Isusunod kita sa mama mo anak"


"Tama na!"


"Ikaw ang pumatay sa mama mo"
"You're a murderer's daughter!"
"Kasalanan mo kaya nangyari sa mama mo iyon."


"Tama na!" Hiyaw ko sabay tayo at tumakbo sa isang pinto. Banyo ang napasukan ko at wala sa sariling hinanap ang isang bagay na laging ginagamit ko sa ganitong pangyayari.


Ang isang bagay na nagpapamanhid saakin sa nararamdaman ko ngayon. This is not the first time this happened, katulad din ng pagsisi ko sa sarili ko sa nangyari kay mama ay isa rin ito sa dahilan kung bakit ko nagagawang saktan ang sarili noon.


I saw something shine at the corner of the bathroom countertop, parang tinatawag nito ang atensyon ko. Pahablot ko itong kinuha at nanginginig na tinitigan. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, at iyon ay ang alisin ang pakiramdam ko ngayon.


Ang pakiramdam ng takot at pangamba, ayoko ng ganitong pakiramdam! Bakit bumalik na naman ito?!

Hinampas ko ng ilang ulit ang hawak para makuha ang makinang na bagay na pakay ko. At nang masira ay nanginginig kong pinulot ang bagay na makinang bago bumaba sa braso ko ang tingin.


"Ayoko nito" Naluluhang sambit ko sabay iling pa.
"Tigilan mo na ako papa!" Hiyaw ko nang marinig na naman ang boses ni papa sa isip.


Nakarinig ako ng kalabog sa labas pero binalewala ko iyon at marahas na tinanggal ang tape sa palapulsuhan ko at bumungad ang mga peklat ng nakaraan.


"I'm sorry m-mama" tinutok ko na sa balat ko ang hawak at ididiin na sana nang may humablot sa kamay ko at marahas na inagaw saakin ang hawak bago inatsa sa malayo.


"What the hell Olivia!!!" Bumaling ako sa umagaw at bumungad ang madilim at galit na galit na mga mata ni Eros.
"What do you think you're doing woman?!! Are you trying to kill yourself?!" Bulyaw niya saakin habang mariin akong hawak sa magkabilang braso.


Rumagasa ang masaganang luha mula sa mga mata ko habang nakatitig sakanya.
"He's back Eros, ako ang isusunod niya." Mariin akong pumikit at pinilig ang ulo bago siya tinulak at lumapit kung saan niya hinagis ang blade na hawak ko kanina.


Hindi siya nakaimik kaagad at tila naguguluhan pa sa sinabi ko bago ito natauhan nang makitang hinahanap ang binato niya.


"Damn it Olivia!!!" Bulyaw na naman niya bago ako marahas na tinayo mula sa pagkakaluhod sa sahig at mariin na tinitigan sa mga mata.
"Listen to me! Whoever the fück you're talking about I won't let him hurt you! Hindi ko man maintindihan ang nangyayari pero isa lang ang masasabi ko pretty, I will protect you at all cost. I won't let that fücking someone touch you even just a strand of your hair. So please calm down, I'm here I won't leave you." Marahan nitong hinaplos ang mga braso ko bago ako hinila payakap sakanya na siyang naging hudyat ng paghagulgol ko sa bisig niya.


Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon