Hi~ long update~
Olivia Serrano
"I said get in the car" napakislot ako nang magsalita ang nasa kabilang linya at do'n ko lang napansin na may hawak na cellphone ang ginang na nasa loob ng kotse.
"I hate repeating myself miss Serrano" mariin nitong sabi bago binaba ang tawag.Dahan-dahan kong binaba mula sa tainga ang cellphone, nag-iisip kung susundin ba ang sinabi ng ginang. Pero tila mainipin siyang tao dahil napakislot na lang ako nang bumusina ang kotseng nasa harapan ko na kinatingin tuloy ng ibang mga tao malapit sa pwesto ko.
Nang hindi pa rin ako lumapit ay bumaba na ang bintana sa front seat at napasinghap ako nang makita ang isang lalaki ro'n na may malaki rin pagkakahawig kay Eros. His dad? Sambit sa isip.
I don't like the way he's looking at me, kaya napayuko na lang ako pero kaagad din napaangat nang magsalita ang lalaki.
"Get in" hinigpitan ko ang hawak ko sa bag ko nang marinig ang malamig na boses ng lalaki, like he's not accepting any excuses from anyone, he command it then you have to follow it. Iyon ang nararamdaman ko sa sakanya kaya hindi ko maiwasan hindi kabahan.
"We don't have time for your hesitation miss, just fücking get in the car." tila nagtaasan ang mga buhok sa katawan ko nang bahagyang tumaas ang boses ng lalaki na siyang nagpapalingon ng ibang tao sa paligid namin."Miss, kilala mo ba sila?" Bumaling ako sa tabi ko at nakita ang isang matanda ro'n na nakakunot ang noo.
Bubuka pa lang ang bibig ko para sana magsalita nang muling magsara nang marinig ang pagmura ng lalaki na nasa kotse.Nanginginig na ngumiti ako sa matanda bago tipid na tumango, tumango rin ito bago naglakad palayo habang palingon-lingon pa saakin.
I'm glad there's still someone out there willing to help someone in this kind of situation. Pero paano ka na ngayon Olivia? Feeling ko pag hindi ko sinunod ang gusto nila ay may mangyayari saakin pero pag sumama naman ako ay gano'n din ang nararamdaman ko na may mangyayari saakin. So? Anong gagawin ko?
Nang makitang bababa ang lalaki ay mabilis ako lumapit sa kotse nila at kahit nagdadalawang-isip ay binuksan ko ang pinto sa back seat. Bago ako makapasok ay may narinig pa akong tumawag sa pangalan ko pero hindi ko na nagawang lingunin dahil pagkapasok na pagkapasok ko ay pinaharurot ng driver ang kotse palayo sa DMU.
Pakiramdam ko ay lalabas na sa katawan ko ang puso ko sa lakas ng kabog nito dahil sa kaba. Bumuga ako nang malalim na hininga bago bumaling sa labas ng bintana dahil hindi naman kumikibo ang mga kasama ko at halatang pinaparamdam nila saakin na hindi ko sila kalevel.
Iisipin ko pa lang na kaharap ko na ang magulang ni Eros na wala siya sa tabi ko ay ibayong kaba ang hatid niyon saakin. I didn't expect this to happen any moment dahil kahit hindi ko pa nakikilala ang magulang niya ay alam ko at ramdam kong ayaw na nila saakin.
Umangat ang tingin ko sa magarang restaurant na binabaan namin, bumaba naman ang tingin ko sa suot ko, rusty blouse at white ankle length skirt na pinaresan ko lang ng dollshoes.
Napakainformal ng suot ko hindi katulad ng dalawa na nakasuit at dress na mahahalata mong mamahalin.
Tahimik lang akong sumunod sakanila lalo na't binigyan ako ng isang tingin ng papa ni Eros at alam ko na ang pinaparating nito. Sumunod ako kung ayaw kong masaktan.
Pagpasok namin sa restaurant ay dumoble ang kaba ko lalo na't hindi maganda ang pakiramdam ko sa paligid.
Napahinto ako at hindi agad nakasunod sa dalawa dahil nanginig bigla ang mga kamay ko kaya mahigpit kong hinawakan ang bag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/301349711-288-k113964.jpg)
BINABASA MO ANG
Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]
Ficción General[R-18] Thirty-five Series: Olivia Serrano x Eros Andino A university librarian and a 3rd year college student. Started: April 2022 Ended: Nov 4, 2022 Cto for the photo I used in the cover.