Chapter 6

1.9K 33 1
                                    

Happy reading~

Olivia Serrano

Naramdaman ko ang dahan-dahan na pagluwag nang hawak nito sa mga kamay ko, pati ang paghinto nito sa paghalik sa labi ko. Lumayo ito nang bahagya at binaba ang mga kamay ko pero hindi nito binitawan.


Hindi ko naiwasan kagatin ang ibabang labi sa sobrang manhid nito dahil sa rahas ng halik ni Eros. Hindi ko nakikita kung anong ekspresyon niya ngayon dahil hanggang ngayon ay madilim pa rin dito sa storage room.


My heart is pounding so fast, I don't know if it was because of the kiss or anything else. But one thing is for sure, I'm not liking this.


Rinig ko ang marahas nitong paghinga bago ako nito binitawan kasunod nang pagbukas ng ilaw sa buong storage room. Nag-aadjust pa lang ang mga mata ko pero naramdaman ko na naman ang kamay nito sa mga kamay ko.


"What's this?" Matigas ang boses na saad ni Eros, kumunot ang noo ko at do'n pa lang nakapag-adjust ang mga mata ko at nakita ko kung anong tinutukoy nito.


Marahas kong hinila mula sakanya ang mga kamay ko pero mahigpit nitong hinawakan at pinakatitigan ang nasa palapulsuhan ko.
"Did you....." ginamit ko ang buong lakas ko para mabawi ang mga kamay ko mula sakanya, masakit ang ginawa ko pero wala na akong pakealam ro'n.


Walang emosyon ko siyang tinignan sa mga mata.
"Nagawa mo na ang balak mo, siguro naman titigilan mo na ako ngayon Eros." Nag-igting ang bagang nito bago bumaba na naman sa mga kamay ko ang tingin nito.

"Kung wala ka naman gagawin dito sa library huwag ka na lang pumunta. Ituon mo sa ibang bagay o tao ang atensyon mo, huwag ako ang guluhin mo." Dagdag ko bago ito iniwan do'n.



Blangko ang mukhang bumalik ako sa front desk, saktong may pumasok na mga studyante at binati ako, tipid lang na tango ang ginawa ko. Tumutok ako sa monitor at nagpakabusy.


Hindi ko alam kung lumabas na ba si Eros dahil hindi ko nililihis ang tingin mula sa kaharap na monitor. Wala akong oras alalahanin pa ang isang iyon pagkatapos ng ginawa niyang paghalik saakin sa storage room.


Bumaba sa palapulsuhan ko ang tingin ko at napakuyom ng palad, meron at meron pa rin pa lang makakapansin nito kahit na tinatago ko sila.


Hindi ako galit kay Eros dahil dito, mas galit ako sa sarili ko, bakit? Kasi hindi ko nagawang itago nang maayos ang mga bakas ng nakaraan ko. Bakit ko nga ba tinatago ang mga ito? Simple lang, dahil ayaw kong husgahan at kaawaan ako ng mga tao dahil sa mga sugat ko. Oo kasalanan ko kung bakit may mga sugat ako, pero ayaw kong makarinig ng mga komento ng ibang tao patungkol dito.


Dahil wala sila sa lugar ko noong mga panahon na iyon, kung saan walang-wala ako at walang ibang makapitan kung hindi ang sarili ko. Wala sila sa lugar ko noong pinagtabuyan ako ng mga kamag-anak ko no'ng sinubukan kong humingi ng tulong, trinato nila ako na parang hindi nila kamag-anak. At hindi nila alam kung paano ko sinisi ang sarili ko sa nangyari sa mama ko.


Kaya ayaw kong makarinig ng kahit ano dahil ang mga demonyong iyon ang maaalala ko. Ayaw nila saakin dahil baka raw matulad ako kay papa pero sila mismo ang mas demonyo saakin dahil sa ginawa nila. Alam kong hindi magugustuhan ni mama ang mga salitang sinasabi ko patungkol sa mga kamag-anak namin pero sobra nilang sinira ang buhay ko noon kaya tama lang sakanila ang mga salitang sinasabi ko.


"Pretty" nabalik ako sa diwa ko sa narinig na boses, hindi ako humarap sakanya pero nakikita ko ito sa gilid ng mata ko.
Hindi rin ako nagsalita at nagpakabusy sa computer.

Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon