Chapter 28

949 21 3
                                    


Olivia Serrano


Nauna na akong umalis ng bahay kay Eros at tulog na tulog pa siya, sinabi na niya kagabi na wala ang prof nila sa unang klase nila ngayon kaya hinayaan ko muna siyang makabawi ng tulog.


"Good morning ma'am" nakangiting bati ni manong guard.


"Good morning po" bati ko pabalik bago nagtuloy-tuloy ng lakad papasok ng university. As usual ay konti pa lang ang mga studyante na palakad-lakad sa school ground sa ganitong oras.


Ako lang mag-isa ngayon sa library at hindi makakapunta sina Susie at Chad dahil nagpaalam na parehas na may gagawin na project sa mga kanya-kanya nilang subject.


Pagkarating sa library ay ginawa ko lang ang madalas kong ginagawa rito pagkarating ko. Ang maglinis.


I'm panting heavily when I lifted a box full of books here in the storage room. Napahawak pa ako sa balakang ko pagkalapag ko sa shelf ng mabigat na box.


"Tanda mo na talaga Olivia" sambit ko habang hinihimas ang balakang. Napatingin ako sa dalawa pang box na kailangan kong ilipat ng pwesto.
Napabuntong hininga na lang ako bago kumilos.


Busy akong nagchecheck ng mga nareceive na bagong libro nang biglang umalingawngaw ang ringtone ng cellphone ko na nakalimutan kong isilent.


"Hhmm?" Sambit ko dahil may laman ang bibig ko na piraso ng mangga.


"Wifey why didn't you wake me up?" Paos na sabi nito at halatang bagong gising.


"Wala ka naman klase sa unang subject mo kaya hindi na kita ginising para makatulog ka pa." Tugon ko sabay subo ulit ng mangga. Natahimik naman ito bago ulit nagsalita.


"Are you eating what I'm thinking you're eating right now?" Aniya na kinahinto ko sa pagnguya, nilunok ko muna ang nasa bibig at uminom saglit ng tubig.


"Ano bang iniisip mong kinakain ko?" Tanong ko sabay tingin sa tupperware na may mga slice ng mangga na may asin , hindi ako nagdala ng bagoong dahil mangangamoy dito sa library at may mga maaarteng studyante na siguradong magpupuna pag naamoy nila iyon.


"Mangga wifey" tugon nito


"Mm hmm, at paubos na nga hubby e. Hhhhmmm" nag-alinlangan pa akong sabihin pero naunahan na ako ni Eros.
Napapansin ko rin na pakonti-konti ay hubby na ang natatawag ko sakanya na kinatuwa naman ng hudyo.


"Okay, I will bring some. Mabilis lang ako wifey, I love you"


"Okay, damihan mo hubby ah. I love you too." Nakangiting saad ko na kinatawa nito sa kabilang linya.


Look at you Olivia, saying I love you to him when you always saying you don't want or like him before. Tuluyan na talagang napasok ni Eros ang puso kong nilagyan ko ng pader.


"Isa pa nga wifey" rinig sa boses nito ang saya na pabiro kong kinairap para pagtakpan ang sariling nararamdaman.


"Ibababa ko na ito Eros, iniinis mo ako." Sabi ko para tumigil siya.


"Damot, I love you lang e ayaw pang ulitin." Naimagine kong nakanguso ito habang parang bata na hindi pinagbigyan.


"Eros" mariin kong sabi para tumigil na siya, may kaonting pagkailang pa rin ako pag nagiging ganyan siya dahil hindi pa talaga ako gano'n kaopen sa ibang pinapakita niya though hindi ko naman pinapakita at pinaparamdam ang ilang ko sakanya. I don't want to offend him without me realizing kaya nga as much as possible eh tinatarayan ko siya katulad dati.


Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon