Chapter 21

1.1K 22 4
                                    


Olivia Serrano


" 'Pag nakikita ka na, bumabagal ang mundo"


Napakurap-kurap ako nang mapagtantong si Eros nga ang nasa stage at kumakanta.


" 'Pag ngumingiti ka, para bang may iba
'Pag tumitingin sa 'kin, mapupungay mong mga mata
Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda, ha
Halika nga (ha, ha, ha)"

Ngumisi ito nang makuha na nito ang buong atensyon ko na lalong nagpawala sa mga tao rito sa gym.


"Tingnan mo lang ang aking mga mata
'Wag kang titingin na sa iba
Akin ka na, wala nang iba (ha, ha, ha)"


Bakit gano'n? Nakatayo lang siya ro'n at kumakanta pero ang lakas na ng hatak nito saakin, hindi lang actually saakin kung hindi pati ng mga tao rito sa gym.


"Andito 'ko hanggang sa 'ting pagtanda
Mamahalin kita basta't 'pag nahulog
Nakahawak ako, 'wag ka lang bibitaw
Habang-buhay na ako'y iyo"


Hindi nito nililihis ang tingin mula saakin at alam kong napapansin na iyon ng iba lalo na ni mr Santos na ramdam kong bumaling pa saakin.


"Wala nang ibang nakagawa sa 'kin nang ganito
Kundi ikaw, nag-iisang diyosa ng buhay ko"


He smiled that made the whole gym gone wild, parang paglabas ko ng gym ay bingi ang aabutan ko.


" 'Wag ka nang matakot, 'wag kang mangamba
Andito ako 'pag ika'y mag-isa
Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda, ha
Halika nga (ha, ha, ha)"



Buong durasyon ng pagkanta ni Eros ay sa isa't-isa lang kami nakatingin, hindi naging hadlang ang ilang metrong layo ng pagitan namin dahil pakiramdam ko ay nasa harapan ko lang siya. His eyes conveys alot of emotions and dispite our distance from each other I can still see them clearly.


Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko kasabay ng kalabog ng puso ko sa nasasaksihan. Masyadong natutuwa ang puso ko at pakiramdam ko ay hulog na hulog na ako kay Eros sa ginagawa niya. My heart is flooded with overwhelming emotions while staring at him. Alam kong nabasa nito ang emosyon sa mukha ko dahil ngumiti ito na parang nanalo ng lotto, nagwala tuloy ang mga tao sa paligid namin dahil sa ngiti niya.


Napahawak na lang ako sa magkabilang pisngi ko pagkatapos kumanta ni Eros, bago ito umalis sa stage ay nagawa niya pang kumindat ulit saakin.


"So I guess the rumor were true." Bumaling ako kay mr Santos bago umayos ng upo, tumikhim pa ako bago nagsalita.


"Rumor?" Tanong ko kahit alam ko naman na kung anong tinutukoy niya.


"You and Eros Andino" nakatitig ito saakin at tila ramdam ko rin na nakatingin lahat saakin at inaabangan ang sasabihin ko.
"Is it a rumor or not?" Dagdag nito


"Bakit? May nilabag ba kaming dalawa?" Imbes na sagutin siya ay iyo ang sinabi ko.


Pinagmasdan muna ako nito ng ilang segundo bago umiling at bigyan ako nang marahan na ngiti.
"Nothing, kung may nilabag man kayong rules ng university ay matagal ng wala ang isa sainyo rito." Anito bago tinapos ang kinakain na sandwich.










Tipid akong ngumiti habang pinipicturan kami katabi ng nanalo sa talent show, kinamayan namin ulit ito bago naunang bumaba ng stage.


"Miss Olivia tara kain tayo sa labas." Aya ni mr Santos saakin, tumango rin ang ibang kasama namin.


Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon