Chapter 26

981 18 0
                                    

[warning: self-harm and other sensitive content.
Just a reminder that my stories are purely fictitious, just product of my imagination~]


Olivia Serrano



Nakatanaw ako sa malayong parte ng dagat, nakaupo ako sa isang sun lounger. Saturday ngayon at nasa beach kami, ako lang ang nandito dahil sina Zoe at Hades ay lumilibot habang sina Scarlett at Aether ay hindi ko alam kung nasaan. Si Eros naman ay kumuha ng maiinom namin.


Pinatong ko ang mga braso sa mga tuhod kong nakaangat at pinatong do'n ang baba. Hagikhikan at hiyawan ang nagsisilbing background music ko, maraming tao dahil weekend at walang pasok.


Napatitig ako sa pamilya na dumaan sa harapan ko, hindi ko maiwasan isipin na kung hindi nangyari ang mapait na pangyayaring iyon sa buhay ko ay magiging gano'n kaya kami kasaya na pamilya? Siguro kung bata-bata pa ako ay maiinggit ako pag nakakakita ng masayang pamilya pero ngayon matanda na ako ay wala na saakin iyon dahil may naging pamilya naman ako na nagbigay ng pagmamahal saakin.


At may isang lalaki na nangakong mamahalin ako ng panghabang buhay, hindi ko naman alam kung anong nagawa kong kabutihan noon para dumating ang isang lalaking mamahalin ako ng tunay. Pero ito't dumating nga nang hindi ko naman inaasahan.


Pumikit ako nang humihip ang sariwang hangin, kasabay ng pagpikit ko ay bumalik ang alaala ng gabing sinabi ko lahat kay Eros ng nakaraan ko.








"Pinatay ni papa si mama Eros, isang demonyo ang papa ko." Tuluyan na talagang napahinto si Eros sa paghaplos sa likod ko.


Ako na ang kusang lumayo at tumingin sa mukha nito, nakalarawan ang pagkabigla sa mukha nito sa narinig.
Napakurap ito bago ako hinawakan sa magkabilang braso.


"Fück, I don't know what to say" he mumbled


"Okay lang na wala kang sabihin Eros" usal ko na kinatitig nito sa mga mata ko.


"Did he....did he hurt you?" Tila nananantya niyang tanong, tinitigan ko muna siya sa mga mata bago sinabi lahat sakanya. Para akong bumalik sa nakaraan habang kinukwento sakanya ang nangyari.








"Olivia, laro tayo ulit mamaya ah. Punta ka na lang sa bahay namin."

"Sige sige" nakabungisngis kong tugon at masaya namin tinahak ang daan pauwi sa mga bahay namin. Magkalapit lang ang bahay namin nina Grace kaya madalas ay naglalaro kami pagkagaling namin sa school.


Paliko na kami sa kanto nang bigla akong hinila ni Grace para magtago sa likod ng isang poste.


"Bakit Grace?" Takang tanong ko at sinubukan sumilip at hinahanap ang tinitignan nito.
"Ano bang tin-" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang makita ang isang bagay na hindi ko pa gaanong maintindihan.


"Akala ko namamalikmata lang ako pero totoong si tito Miguelito ang kasama ng babaeng iyon. Alam ba it-" naputol ang sinasabi ni Grace nang bumaling siya saakin at nakita ang pagkatulala ko at pangingilid ng luha sa mga mata ko.

"Hindi niyo alam....." mahinang saad ni Grace na kinabaling ko sakanya.


"Matagal mo na ba itong alam Grace?" Naiiyak kong saad, dahan-dahan itong tumango saakin.
"Bakit hindi mo sinabi?"


"Pinagsabihan ako ni mama na huwag ko raw sabihin sainyo. Ayaw ni mama na magkagulo dahil kilala si tito Miguelito na...." hindi na nito natapos ang sasabihin dahil mabilis niya akong nahila para mas magtago.


Thirty-five: Olivia Serrano [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon