Eksena 14:Ang epekto ng Isaw ni Aling Neneta

5 2 0
                                    

"Ang lasonin ang mga isipan ninyong mga animal kayo!?" Sigaw ni Aling Nene

"Nay,Nay!,Tama na po,hindi ganyan ang epekto ng isaw mo" Sabi ng anak nyang si Burgos

"Eh ano!?" Nanlilisik ang mga mata nya

"Ganito po,Mga animal kayo di kayo magsisilayas!" Sigaw ni Burgos na kumuha pa ng palakol at pinalakol nya ang isawan ng Nanay nya "Ganon po,Nay" Sabi ni Burgos at ngumiti sa Nanay nya

Natulala ang Nanay nya
"Baliw ka,Baliw ka!" Sigaw ni Aling Nene "Ganito!Ang epekto ng isaw ko!" Sigaw nya pa,nakita naman namin yon,Kaya mabilis kong niluwa ang isaw na kinakain ko,pati rin ang iba.

Hinabol kami ni Burgos ng palakol na hawak nya,buti nalang di kami naabutan

"Grabe ang epekto ng isaw ni Aling Nene!nagpapabaliw!pwe!" Dura nya pa

"Simula ngayon dina 'ko kakain ng isaw!ayokong maging baliw!"

"Ako rin!" Sigaw sa likod,sabay kaming lumingon ni bakla,at nang makita namin kong sino,ay nagpaunahan kami ng takbo!

Bweset hinahabol na naman kami ng palakol ni Burgos! Meron kaming mga kasama pero kami yong huli,at buti nalang di nakakahabol

"Oh!?bat ganyan ang mga hitsura nyo?" Di namin sya pinansin sinarhan muna namin ng maayos ang pinto at nang okay na ay doon na kami bumuga ng hangin, napapikit pa kami
"Ganyan ba ang epekto ng isaw?haha" tawa ni tita

"Dimo naiintindihan tita"
Pagud na wika ni bakla

"Asan yong akin?" Tinignan namin sya

"Gusto mo maging baliw?"

"Meron bang ganyan?" Natatawang wika ni tita

"Mer-"

BLAAG!

"Aaaahhhhh!!" Sigawan namin ni bakla at pumunta sa likod ni tita

"Ayoko pang mamatay!,ayoko paaaaaa!!!!" Sigaw ni bakla, nakatakip pa sya sa kaniyang tainga

"Ano bang nangyayari sa inyo??" Tanong ni tita "wait nga lang titignan ko Kung ano yon" Sabi ni tita at tumayo para buksan ang pintuan

"Huwag mong buksan!" Sigaw ko

"Baki-"

"Basta tita wag!!!!" Nagtalon talon pa ako

"Pano natin malalaman-"

"Hindi mo na kailangang malaman !andyan si Burgos!papalakulin nya tayo!" Sigaw ko

"Sinong Burgos!?" Sigaw narin nya

"Si Burgos yong anak ni Aling Neneta! Baliw na sya! Baliw na syaaaaa!!!" Sigaw namin ni bakla

"Pano naging baliw yon!-"

BLAAG!

"WAaaaaaahhhhh!!" Sigawan namin ni bakla

"Pano sya naging baliw!??" Pasigaw na tanong ni tita

"Kumain sya ng isaw!"

"Isaw lang pala! Ang OOA nyo!" Binuksan na  nya-

"Waaaaaahhhhh!"sigawan namin

"Bat mo binuksan!???!!!
Waaahhhhaaa!!" Pati si tita nakisigaw narin

Naghahabol habulan kami dito sa sala,habang si Burgos ay may dalang palakol!

pagpumupunta sya sa kaliwa, pumupunta kami sa kanan, pagpupunta nya sa Kanan, pumupunta kami sa kaliwang bahagi ng Sala,ganon ang kalagayan namin!

Nang mapunta sa kanan si Burgos at kami sa kaliwa,dumeritso kami sa hagdan at umakyat ng mabilis,
Pagdating sa taas tinumba namin ang hagdanan,kahoy lang kasi yon at hindi nakapako,Kaya pwede syang matanggal,so ayun tinumba namin ang hagdanan,hindi na nakaakyat si Burgos dito sa taas, ngumingisi ngisi sya samin

YSABELLA {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon