Eksena 18:'HOY'

7 1 0
                                    

Time:10:01 pm

"Come with me" natulala ako

hindi ako sumagot,tumalikod na sya at naglakad

ang gwapo namang kapreng 'to

Sumunod ako nasa likod lang nya

"Anong pangalan mo?" Tanong nya

"Ahm Bella" sagot ko, lumingon sya sakin

"Bella?Ysabella.." nabigla ako,Alam pala nya pangalan ko

"Eh ikaw anong pangalan mo,Hoy?" Huminto sya sa paglakad at tumingin sa mga mata ko

"Bakit mo ako tinawag na hoy?" Muntik na akong matawa buti nalang pinigilan ko,tinikom ko nalang bibig ko

"Eh,yon kasi ang sinabi mo nong t-tatagain na namin yong kasama mo,nong dumating ka?Sabi mo 'hoy,so ayon ,yon na ang tawag ko sayo"

"Ayokong tinatawag mo akong,hoy,it's ugly" pranka nya,Oo nga naman

"Eh ano yong gusto mong itawag ko sayo?" Nakanguso kong tanong,pinipigilan kong di mangiti, baka mamaya paghinalaan nyang kinikilig ako,kahit hindi naman

"Knight" Sabi nya,tinitigan ko sya ng hindi kumukurap,pinanlakihan rin ng mata,nangunot naman ang noo nya,at

"Hahahahahaha!" Humagalpak ako ng tawa

Nagtaka sya,Hindi ko makontrol ang sarili sa pagtawa

"A!hahahaha!" Tawa ko pa

At nang medyu nakahinga hinga na

"Ikaw si Knight!?" Tanong ko nang di makapaniwala,nagpipigil ng tawa

"Yeah,why you know me?" Kalma parin ang boses nya

Natawa na naman ako!
"Ahahahahahah!ayoko naaaa!" Sigaw ko pa

"Baliw kaba?" Biglang tanong nya

"Syempre hindi anong akala mo sakin nakakain ng isaw ni Aling Neneta?ahaha!"

"You're not being serious,why would you laugh my name? Anong mali sa pangalan ko?" Sunod sunod nyang tanong,kumalma ako at huminga ng malalim

"Actually" pagsisimula ko,kala nya ha papatalo ako sa Englishan, hindi! "Ahm,ano kasi,ikaw si Knight!?.right?" Tanong ko pero tinignan lang nya ako,di sya sumagoottt nakakaloka

"Ahm okay,ikaw si knight-" pag-uulit ko,natatawa parin ako,ano ba 'to

Huminga ulit ako,ho!

"So ayan,ikaw si knight- hahahaha" pinalo ko sya sa dibdib-

Natahimik ako,sinamaan nya ako ng tingin

nagsiryuso na ako

"Ahm sorry,ano kasi,Isa kang fictional character?" Tanong ko sa kaniya mas lalo syang nangunot ng noo

"A-a-no kasi,may kilala kasi akong fictional character eh,at kapangalan mo sya,Kaya ako natawa dahil baka,i-ikaw iyon, 'yong nasa psmen- HAHAHAHA!" Amin ko at bumulwak ng tawa, tinitigan lang nya ako, kinukumperma yata kung baliw ako or ano

"You're really crazy" seryusong saad nya, tumingin ako sa mata nya

"Bakit?" Tanong ko at ngumuso

"Ikaw na nga ang nagsabi na kapangalan ko ang nasa FICTIONAL CHARACTER, fictional doesn't exist,wake up,Kung KAPANGALAN ko man sya I'm not that guy! the f*ck! Nasa totoo'ng buhay ako and he's not!" Inis nya "you know what? I don't wanna talk to crazy woman like you" Sabi pa nya at iniwan na nya ako

Luh? Sinundan ko sya ng tingin, anong nangyari don? Diko naman sya inano, ba't sya nag ano

Baliw ba talaga ako?

Kala ko kasi sya si KV sa nobela
ಠ﹏ಠ

Bumalik ako sa bahay ng malungkot ಥ╭╮ಥ

"Saan ka ng galing?" Tanong nila,umupo ako sa kahoy na upuan at yinakap ang unan

"Am I crazy?" Tanong ko

"Yes, you are,dika naman nag eenglish,pero kung-"

"Seryuso ako,bakla"

"Iwan,dika naman maintindihan ngayon,maybe"

"Sanka nanggaling ha? pagdating namin dito nakabukas ang pinto,umalis ka ng di sinarado ang pinto-"tita

"Oo na! Nakalimutan kong isarado eh"

"So saan ka nga ng galing?"strict nyang tanong

"Dyan lang sa likod"

"Anong ginawa mo don?"

"Nakipag-usap" sagot ko

"Sa puno?hahahaha!" Tawa ni bakla, di ako nakisabay

Nawalan ako ng gana Kaya pumasok na ako sa kwarto at natulog,walang kwentang gabi

Ba't Kaya ako nagkakaganito,bakit nawalan ako ng gana,nawalan ako ng modo,ayokong makipag usap kanino,pagud ako..kahit Wala naman akong ginagawa,bweset

Fictional doesn't exist,wake up!

Tama ka knight

ba't pa kasi Knight ang pangalan mo! Ayan tuloy mapagkamalan kita!huhu

Eh ano naman,di naman magiging tayo! Bahala ka ngang magalit sakin,Wala kom pakialam.

:

Makikita ko pa kaya sya ಠ︵ಠ

Bakit Kaya sya ganon,sinigawan nya ako,first time nga namin mag usap ng ganon tapos nag-away agad kami? Para kaming feeling close sa isat isa *_*

Bakit nya ako kilala,Bella lang naman ang sinabi ko,Baka narinig nyang tinawag akong Ysabella

Tiyangina,pati ba naman yan iissue-hin ko, Ganito na ba ako kalala?umieffect na ba yong kinain kong isaw ni Aling Neneta? Nakakain ako non eh,nailuwa ko na ang iba nang makita na namin ang resulta

Wag naman Sana

Ayokong mapunta sa mental

Si Knight bakit nya nalaman nandito ang bahay namin,huling kita namin sa karinderya ni Tiyang Dragon

Bakit ba ako nagOoverthink ng ganito? Wala naman akom paki sa mga lalaki magalit man sila  o madissapoint Wala akom pakialam!Eh bakit ngayon? Ginugulo ako ni knight,nag-aalala ako baka di nya ako...magustuhan.

Uwaaaaaaaa

Hala

Shet

Malala na ako

Shet

Shet

Shet

Hinayupak,may gusto na ba ako sa kaniya?

Naiinis ako sa kaniya dahil sa mga pinagsasasabi nya sakin kanina, tama!Wala akom gusto, I mean,my gusto ako sa kaniya pero-Hindi! Ang gulo tiyangina mo tiyang! Napasabunot na ako sa ulo ko.

I mean is....(nag-isip,di parin nagmatch) hala

baliw na peste

Ayoko kasing magalit sya sakin,ayokong madissapoint sya sakin,ayokong pagsalitaan nya ako ng hindi maganda,yon ganon,ibig bang sabihin nyan may gusto na ako?

Kasi, dati kasi sa mga lalaking nakakasalamuha ko,tulad ng mga manliligaw ko,kapag nagagalit sila sakin, nadissapoint dahil sa ugali ko,at nagsasabi sila ng hindi maganda sa pandinig ko,Wala akom pakialam,kasi may isang salita ako eh,di naman sila gold,at kahit maging gold pa yan,dahil ayaw nila sakin,paki ko,di ako naghahabol sa kanila,Hindi lang Naman iisa ang lalaki dito sa mundo,madami,kaya Wala akom paki sa feelings nila,lalo na kung nakakainis.

Pero ngayon,totoo 'to,may paki ako Kay knight,at- tiyangina! Ang badoy ko!ayoko sa feeling na ganito! Ayaw nya sakin,Kaya dapat ayaw ko rin sa kaniya! Pero bakit gusto ko sya..

Ang big deal sakin yong pagsalitaan nya ako ng hindi maganda yon Ang big deal at yon din ang ayaw ko,dapat maganda lang ang sinasabi nya sakin,hindi mga Chaka!

So may gusto na ba ako nyan??...

??

??

??

Matulog ka nalang, Bella ,walang sasagot sayo

YSABELLA {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon