Foreword

54 4 3
                                    

Date:June 10,2022

Tagpuan:sa videokehan

"Narito ako umiibig sayo..wag kanang humanap ng ibang kasuyo..sana'y dinggin mo..ang bulong ng puso ko..nagsasabing ikay Mahal ko.."🎤🎶🎶

"Sanaol mahal!" Sigaw ni bakla nang matapos ko ang huling talata ng kanta,tumawa rin ang iba pa naming kasama dito sa vediokehan

Rodulfo- sya ang karamay ko pagdating sa bardagulan,tawag ko ay bakla,pinsan ko rin sya

"Siyempre" Sakay ko sa sinabi nya

"Ang tanong mahal ka ba niya?" Tanong niya ng nakangiwi

"Sa ganda kong 'to di nya ko kayang mahalin?Ang kapal naman ng mukha nya,ano siya gold?"

"Hindi,iron hahahaha!" Pagtatama ni bakla,tumawa ako ng malakas kasabay ng tawa nila

"hahaha! Style nya kalawang hahahaha Ew para sya lang ang habol habulin ko ano siya chinachamba?"

"Hindi,Jinajumbo hahahhaha jinajumbo..hotdog Kaya mo ba 'to Kaya mo ba 'to,hahahahhaha!"

Loko

"Oh sayo na,huwag kanang magjinajumbo diyan dahil di naman jumbo ang sayo, hahahhaha!" Pinagtawanan namin si bakla at binigay ko ang mic sa kaniya ng tatawa tawa

"Bakit nakita mo?" Tanong niya at kinuha ang mic sa kamay ko,tumawa ako sa tanong nyang yon

"Hahahahaha!"diko mapigilang di tumawa
"Hindi ko na kailangang tignan ko pa yan kasi obvious naman hahahaha!"mas lalo pa kong natawa

"Bastos!" Sigaw niya at nagsimula narin syang kumanta

"Kahit ikaw'y magalit,sayo Lang lalapit,sayo lang aawit,kahit na ikaw'y nagbago na iibigin parin kita kahit Ayaw muna.."

"Yiey!" Sigaw nya na parang kinikilig,at comontinue na siya sa sumunod na lyrics

"Tatakbo,tatalon isisigaw Ang pangalan mo,Oliver!" Nagtawanan kami ng dugtungan nya ang lyrics sa pangalan ng crush nya at isigaw iyon

"Iisipin nalang panaginip lahat ng ito oooh uwu! paki crushback mo naman ako please,huwag kanang magpahard to get Oliver,tayo'y mag-usap tika Lang ikay huminto,huwag mo kong deadmahin dahil aayusin natin to-"

"Hoy bakla ang pangit ng lyrics mo! Huwag kang umasa na ikacrushback ka nya! Di ka nya type!" At nagtawanan kaming lahat na narito sa loob ng vediokehan,nang biglang singitan iyon ni Frediriko

Frediriko- Isa sa mga tambay dito sa vediokehan,at Isa sa mga kabardagulan namin.

"Bakit ikaw Prediriko crinushback ka ba?walang magkakagusto sayo dahil ang pangit mo!pangit!pangit!"Sigaw ni bakla,kami naman pinagtatawanan lang namin silang dalawa (≧▽≦)

"Aba't Kung makapag Sabi 'to na pangit ako akala naman yata ang gwapo" parang napipikon na wika ni Frediriko

"Talagang di ako gwapo kasi-maganda ako"pakikay na wika ni bakla at tumaray pa kay Frediriko

Nakita kong dumura si Frediriko at tumingin kay bakla

"Yaks mukha mo panglalaki dika bagay maging babae!Ang pangit mo!pangit!pangit!"mas lumakas pa ang tawanan namin

"Hahahaha!"

"Look Frediriko nilalait ang sarili niya" maarting wika ni bakla at tumawa

"Hoy kayo! Kakanta ba kayo o magbabardagulan nalang!Kung magbardagulan nalang kayo!magsilayas kayo rito!" Sigaw ng may ari ng vediokehan

Aling Marites-ang may ari ng vediokehan, at ang reyna ng mga chismosa dito sa barangay namin

"Reyna ng mga chismosa!Reyna ng mga chismosa!"naibaling namin ang aming mga paningin sa dumating na bata,tinatawag nya si Aling Marites

Boboy-ang Limang taong gulang na batang makulit,tinaguriang child of barangay,dahil lahat ng mga Tao sa barangay namin ay nahuhumaling sa kakulitan at kakyutan nito,marunong ding makipagbardagulan.

"Ikaw?Anong renereyna reyna ng mga chismosa mo dyan ha!?anong kailangan mo,bata?"  tanong ni Aling Marites habang nakahawak ang dalawang kamay sa magkabilaang baywang

"Eh kasi po ang asawa nyo natalo po sa sabong!patay ang manok nyo!ginanon po ang manok niyo,krek"umaksyon siya kung paano namatay ang manok

"Inano?inano ang manok namin?" Tanong ulit ni Aling Marites,mukhang may modo sa pakikipag-usap sa bata

"Ginanon po Aling Marites" umaksyon sya uli

"Ginanon kaya namatay!?"

"Opo!"

"Nasaan si Ngobas!?"

"Palangga" tawag ni Mang Ngobas kay aling Marites,kararating lang at parang naiiyak

Ngobas-ang Hari ng sabong,ang asawa ng Reyna ng mga chismosa

"Palanggang animal ka!" tinampal niya ang asawa nya,napahawak naman sa mukha si Ngobas

"Bakit palangga?bakit mo ako tinampal?"

"Bakit kita tinampal ha animal ka!?halika ka nga dito sa loob!" kinurot nito ang tainga at dina pinakawalan hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay nila,nakahinga naman ang mga tao ng isara na ang pinto,ngunit bumukas ulit ang pinto

"Hoy kayo!magsilayas kayo rito!Kung ayaw niyong pati kayo ay sibakin ko!" Sinibak nya ang pintuan nila,Kaya natakot ang mga tao at nagsipagalisan na,sumabay narin kami,narinig pa namin ang malakas na pagsara ng pinto.

"Grabe talaga si Aling Marites,no?sobrang tapang,Kaya pati si Mang Ngobas ay takot sa kaniya" Sabi ni bakla

"Oo nga eh,nakita mo yon kanina,pati pintuan nila sinibak kahit walang kasalanan, kakatakot"Sabi ni Jane

"For sure sinibak  na nya ngayon si Mang Ngobas hahaha!" at nagtawanan kami

Huminga ako ng malalim at nagsalita

"Hay nako,hayaan nalang natin sila,Basta wag lang nya tayong galawin" singit ko

"Korek ka dyan Best "sang-ayon ni Jane "oh sige mauna na ako sa inyo ha," paalam nya,tinanguan lang namin sya at nagpatuloy na kami sa paglakad hanggang sa makarating sa bahay.

"Oh akala ko ba gagabihin na naman kayo sa vediokehan?" bungad ni tita nang makapasok kami sa bahay

"Akala mo lang yon,mali yang akala mo,che" Sabi ko at kumuha ng tubig sa ref-ay wala pala kaming ref,sa water jug

"Eh kasi nagkagulo doon sa vediokehan kanina" narinig kong kwento ni bakla kay tita,matapos kong kumuha ng tubig ay bumalik ako sa sala

"Bakit naman nagkagulo?"

"Kasi nanguna ito at tiyaka si Frediriko nagkapalitan ng salita,silang dalawa,narinig naman iyon ni Aling Marites kaya pinapaalis kami doon" singit ko

"Kaya naman pala,eh bat naman nag-away kayong dalawa?"tanong ni tita kay bakla

"Pangit daw ng lyrics ko" amin niya habang nakanguso pa,natawa naman ako,ang pangit nyang ngumuso!

"Eh kasi iniba mo ang lyrics,pero Ito namang si Frediriko dina nasanay,Kay tagal na nating kumakanta doon ngayon lang nag react ng ganon" usisa ko "baka naman crush kana ni Frediriko, hahahahah!"

"Ew!mamatay nalang ako,ayoko sa pangit na 'yon! Kadir dir" pinagtawanan nalang namin ni tita si bakla na padabog na pumasok sa banyo.

Ganito kung paano tumakbo ang buhay namin dito sa aming barangay, masaya lang, simple, kahit maraming mga peste haha!

YSABELLA {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon