Date:July 16,2022
Time:5:00 amGinising ako ni bakla dahil yon ang sabi ko na kapag mag-ingay ang mga tao salabas ay gisingin na nya ako,dahil paniguradong naghahanda na sila para sa paglaban sa sinasabi ni Aling Marites na pagsakop ng Russia dito sa barangay namin
"Ano ready ka naba?"tatawa tawang tanong ni bakla
"Ready na" pinakita ko sa kaniya ang bag ko at ang bolo ko,
Natawa na naman kamiTinawag kami ni tita para magkape at kumain
Setting:Sa hapagkainan
"Ready ka naba tita?" Tanong ni bakla
"Mga kalokohan yan,wala namang balita sa tv o sa radyo na sasakupin itong barangay natin ng Russia!" Sabi ni tita "Di tuloy ako makapasok sa trabaho ko dahil sa issue'ng ito dito sa barangay natin!" inis nya
"Edi magpaalam ka muna sa boss mo na dika makakapasok kasi sasakupin ng Russia ang barangay natin" Sabi ni bakla at biglang natawa,pati rin kami
"Hahahahahhaha!"
Nang makahingahinga na
"Ayoko nga baka mapagkamalan pa akong baliw,o di kaya mapagkamalang may mga mental disorder ang mga nakatira dito sa barangay natin" mas lalo kaming humalakhak sa tawa,sakit na nang tiyan ko
"Edi wag mong ipaalam,ngayong araw ka lang namang absent" Sabi ko
"Malay mo magtagal ang labanan dito sa barangay natin,hahahhaa!" Tawa na naman kami
"Bilisan nyo na,para tayo makasagap ng balita sa labas,baka andyan na yung Russia,hahaha!" Loko talaga tong si bakla
Lumabas kami ng bahay matapos kaming magkape at mag-umagahan
Dala ko ang bag at ang bolo ko,sumasabay lang ako sa trip
Malayo palang kami nakita na namin ang aming mga kabarangay na nagpapahabaan ng mga itak,mas naaninag ko pa ang mga dala ng iba ng makalapit kami sa kanila,may palakol,kutsilyo, bakal,at kahoy,at iba pa,may mga lumang gulong at drum na nakaharang sa gitna ng kalsada para di makadaan ang sino mang magtatangkang pumasok sa barangay namin.
Dumating ang oras,ang pinakahihintay ng lahat,may mga kotseng nagsidatingan,Kaya naman naghanda na kami,nagkapit-bisig kaming lahat.
"IPAGLABAN NATIN ANG ATING BARANGAY!" Sigaw ng leader naming si Bonifacio
Bonifacio-Ang matapang na tao,sya ang siga sa barangay namin
"IPAGLALABAN NATIN!"Sigaw naming lahat pati si tita(≧▽≦)tinaas pa ang mga sandata.
May bumaba na dalawang tao sa unang kotse at nakita namin ang mga mukha,mas naramdaman ko ang higpit ng kapit sa bisig,sandali pa't naglakad palapit ang dalawang lalaki
"Bakit ninyo nilagyan ng harang ang kalsada?" Akala ko ba mga Russia ang pupunta dito eh bakit nagtatagalog 'to
"Hindi kami papayag na sakupin ninyo ang aming barangay!"sigaw ni Bonifacio sa kanila
"Oo!di kami papayag!" Sigaw naming lahat
"Makikipagpatayan kami!di lang maagaw itong barangay namin!" Sabi nya pa
"Korek!" Ako lang ang sumigaw mag-isa,naramdaman ko namang natawa si bakla
"Huminahon muna kayo" tinaas pa ng isang lalaki ang dalawa nyang kamay "narito kami para bisitahin ang pag-aari ng amo ko ang kaniyang hacienda dito sa barangay ninyo,ngunit hindi sa loob ng barangay nyo mismo, kundi doon sa kalapit nitong lote"
Nagkatinginan kaming lahat,ngunit hindi pa kumbinsido ang mga tao
"Paano nyong mapapatunayan na Hindi talaga ninyo sinasakop ang aming barangay!?" Tanong ni Mang Ngobas
"Pwede nyo kaming samahan" Sabi ng isang lalaki
Nagkatinginan kaming lahat
"Sige,payag kami!" Sabi ni Mang Oreng na lasing,may dala pang bote ng beer
Sinimulan na nila Bonifacio ang pagtanggal sa mga harang sa kalsada at nang tuluyan ng naitabi ay dumaan na ang dalawang kotse at sinundan namin sila,
kaming buong barangay ang sumunodHanggang sa makarating sa pinakadulo ng parte ng aming barangay,hanggang sa makalabas sila,
At nagsabi nga sila ng totoo,sadyang mali lang talaga ang nasagap naming balita na galing kay aling MaritesLesson learned: Huwag magpaniwala sa mga sabi-sabi lang,lalo na sa mga sinasabi ng mga Chismosa(≧▽≦)
Bumalik na kami at kinuha ang mga gamit na nagkalat doon sa kalsada,dina kami tumulong dahil mga lalaki nalang ang nagbuhat ng mga ginamit pangharang
"Loko talaga si Aling Marites!di na Yan normal,may sakit na yang babaing yan!" Sabi ni Frediriko sumabay pala samin
"Oh ba't dika tumulong don magbuhat ng mga gamit?" Tanong ni bakla
"Tsk! Ba't di nalang nila tawagin si Aling Marites sa pagbuhat don,total sya naman ang may kasalanan ng lahat ng to!" Inis sya "pachill chill lang yon ngayon!palaki-laki lang ng bunganga nya!" Natawa kami
"Hahahahhaha!""Oo!mas lumalaki lang ang bunganga nya,Tayo nagkakagulo dahil dyan sa mga fake news nyang pinagkalat!" Sang-ayon ni bakla
"Eh Kung hindi din naman kasi nagpapaniwala sa mga sinasabi nya,hindi Naman magiging ganito!" Singit ko "Alam nyo namang walang news sa tv diba?so ibig sabihin walang ganyang mangyayari,mas naniwala pa kayo sa sinabi ng Chismosang yon,Alam nyo namang REYNA,Reyna ng mga Chismosa yon diba?pinaniwalaan nyo pa sya kaysa sa tv!" Pagpapaintindi ko
"Iba talaga pag Dyosa no teh? Mas lalo lang gumaganda?" Nilatak ko si bakla ng dala kong bolo
"Sa susunod kahit anong chismis ang sasabihin nang Chismosang yon!kailan ma'y dina ako maniniwala!" Singit ni Jane at mukhang inis "sige Mauna na ako sa inyo!"
Tinignan pa namin sya at naglakad na kami
Malayo palang ay natanaw ko na si Marco sa labas ng aming bahay, sumilay ang kaniyang mga ngiti ng makita ako
"Nako Ate Dyosa baka lokohin kalang nya!kasi di siya mukhang loyal!" Sabi ni Boboy
"Ke bata-bata mo pa!alam mo na ang mga ganiyang salita! Hay nako iba na talaga ang mga kabataan ngayon!" Sabi ni bakla at nanguna sa paglakad,tsk,kung makapagsalita akala naman niyang hindi siya katulad,haha!
"Hayaan mo na sya, Boboy, dahil anong akala nya sakin,easy to get? Huh! Makikita nya! At di ako nagpapaloko" malakontrabida ang dating ko,nakatingin lang si Boboy sakin, "dahil baka sya ang lokohin ko,huh!" Sininghalan ko sya
Nang makalapit na kami sa bahay
"Hi Bella!" Nakangiting bati ni Marco "ah para sayo,bulaklak" nakangiti parin sya,magkacross lang ang dalawa Kong kamay sa bandang tiyan ko"Oh Bella,bat dimo papasukin si Marco sa loob?" Tanong ni tita
Tinignan ko naman sya
"Tara pasok" nauna ako sa pagpasok
BINABASA MO ANG
YSABELLA {COMPLETED}
AcciónMasayang naninirahan ang mga tao sa Barangay Vagullybus Viskaya Western Samar. Kasama na dito si Ysabella Ang Dyosa ng kanilang barangay,at Ang Reyna ng mga Chismosa, Reyna ng mga Usyosa,Hari ng Sabong, Hari ng mga Lasingero,at ang kaniyang mga kaba...