Eksena 2: Horror Movie

16 2 2
                                    

Dahil maraming pila sa poso inuna muna namin ang manguha ng gulay para sa uulamin namin mamaya,nakabalik din kami agad,at buti nalang di na mainit ang ulo ni bakla siguro malapit na'to datnan(≧▽≦)

Bumalik ulit kami sa poso at buti nalang dina marami ang nag-iigib doon,mga Limang tao nalang,pumila na kami,ako ang una at last si bakla

Naghihintay kami na matapos ang limang nakapila nang magsalita si bakla

"Ay tignan mo dai,mag-iigib ang dalawang pokpok ng barangay" wika ni bakla,tinignan ko kung saan sya nakatingin at nakita ko nga ang dalawang pokpok sa barangay namin!

"Hola!pakibilisan nyo naman po please" Sabi ni Marga

Marga-ang leader ng mga pokpok dito sa barangay,palaging may Hola Kung magsasalita, maarte, pero di mang-aagaw,hindi pumapatol sa may jowa o asawa

"Oo nga naman,nakakainip maghintay,ang kati" sang-ayon ni Poncy, kinamot nya pa ang singit nya,kasi kinagat ng lamok,sobrang ikli kasi ng short

Poncy- assistant leader ng leader nilang mga pokpok, mang-aagaw, pumapatol kahit kanino,kahit expired na hotdog,walang awa

"Ay wait wait lang tayo ha,hindi po mabilis ang agos ng tubig,kaya patience lang po patience" Sabi ni bakla

"Pwede kami muna,limang balde lang naman eh" pakiusap nya na may bahid na pang-aakit,at binulungan si bakla ni Poncy,pero rinig ko padin kasi katabi ko lang sila

"Paliligayahin nalang kita mamaya" bulong ni Poncy "Promise walang bayad" ngumiti sya Kay bakla

"Ay Juice ko dai,ayoko yourbadness!magsarili ka nalang,at maghintay ka dyan!yan,yang mga lamok na yan,sila ang paligayahin mo!" Sabi ni bakla,palihim akong natawa

Umusad na ang pila kaya umusad na ako,lumingon ako dahil ang likot ni bakla sa likod,paglingon ko,kinikiskis pala ni Poncy ang boobs nya kay bakla!pati ang kanyang poso!

"Hoy! Poncy kanina kapa ha!itutulak na talaga Kita dyan sa putikan!" Sigaw ni bakla

"Ikaw naman kasi Rodulfo eh,kinakatihan na tuloy ako" malandi ang tono ng pananalita niya

"Talagang mas kakatihan kapa talaga kapag maligo ka dyan sa putikan na yan!"

"Ayokong maligo na hindi ka kasama" malandi parin ang pagkakasabi nya

"Edi isama mo yang leader nyo!"

"Hahaha!" Tawa ko

Pikon na talaga si bakla,ayaw nyang linalandi ng mga babae gusto nya lalaki!haha
Bahala syang landiin ng mga yan

"Hoy Rodulfo! May relasyon pala kayong dalawa ng pokpok na yan!?" Sigaw ni Aling Marites,lagot nandito na ang Reyna ng mga chismosa!

"Yucks! Baka ikaw!" Bigla akong tumawa ng malakas,Loko haha!

"Anong akala mo sakin!Tomboy!?"
Lumapit si Aling Marites

"Oo!Chismosang tomboy!"

"Hahahaha!" Nagtawanan ang mga naroon

***
Matapos ang sigawan nila tinuloy na namin ang pag-igib ng tubig tatlong drum pa ang kailangan naming punuan ng tubig,pati pa pala ang nasa kusina at banyo! Langya

Pabilisan kaming nag-igib,sabi ni bakla ako nalang daw ang magbomba sa poso at siya ang taga buhat-buhos ng tubig doon sa drum,at sa banyo at kusina.

Bago magtakip-silim ay sa wakas na tapos din kami! Kaya pabagsak kaming nahiga sa kahoy na sofa,lintik nabali yata ang buto ko sa likod

Nang makapagpahinga ng kaunti ay naligo muna ako,at si bakla muna ang nagsaing,Wala munang pangtitrip na nangyari kasi parihas kaming seryuso kasi dadating na si madam,baka majaward kaming pareho

Natapos na akong maligo at si bakla naman,ako naman ang nagluto ng ulam,naghuhugas palang ako ng gulay ay dumating na si tita,pagod na pagod,mukha lang syang naglakad pauwi

"Anong gulay yan?" Tanong nya sakin habang umiinom ng tubig na maligamgam

"Ampalaya"

"Sarapan mo ha" ngumisi sya bago tumalikod

"Che!"

Nilagyan ko na ng itlog ang ampalaya at nang maluto na ay nilagay ko sa platito tig iisa kami,at niyaya sila na kumain na

Nang matapos kami kumain nagyaya si tita manood ng tv

horror yata ang panunuorin namin,yon kasi ang gusto ni tita,mga horror movies,pero Ito ang pinaka hatred ko

"Ayoko nyan tita!" Tutol ko sa pinili nilang movie

"Ano ka ba mas enjoyable 'to"Sabi ni bakla

"Mas enjoyable?ha saan?tita ayoko nyan!"pagpupumilit ko

"Ito na para may thrill" tumawa sila ni bakla,mga inutil! "Asan ang thrill dyan?"mga peste

"Mamaya makikita mo hahahhaa!" At nagtawanan nanaman sila diko na sila pinansin

Simula palang ng palabas,lentik na ang kaba ko,sina tita at bakla ang nasa magkabilaang gilid at ako ang nasa gitna nila

Sa unang palabas,makikita sa tv ang maraming mga manika,na nakakalat sa sahig at may mga dugo dugo pa!may boses ng bata na tumatawa!,ang lakas panaman ng volume

"Tita akin na ang remote,liliitan ko ang boses"

"Huwag na,okay na yan" sa tv parin sya nakatingin,Wala na akong nagawa binaling ko nalang ang paningin sa pinapanuod nila,paglingon ko,putangina! may batang babae na naglalakad ng nakaliyad!

"Tita!" Yumakap ako sa kaniya pinagtawanan nila ako! Kaya tinanggal ko ang pagkakayakap sa pesteng 'to

Naglalakad ang batang babae ng nakaliyad habang tumatawa! Ayokong marinig ang sound! Mas natatakot ako dahil sa sound,at biglang bumilis ang paglakad ng batang babae sa tv palapit sa camera at nanggulat ito!tumalon ako sa pagkakaupo

"Ho!"sigaw ko,ngumisi lang ang dalawa

May babaing tumatakbo nang biglang may nahulog na batang babae galing sa itaas!

"Ahhh!"

Ito yong batang babae na naglalakad ng pabaliktad kanina!sumigaw ang bidang babae dahil sa takot!

"Ayoko na!"sigaw ko at tumakbo pataas,ngunit pagbukas ko sa kwarto ko,madilim! Kaya sumigaw ako habang tumatakbo pabalik!

"aaaaaaahhhhh!!!" Mabilis akong nakarating sa sala ngunit biglang nagbrowout!

"Tita?Titaaa!!!??" Tawag ko at nangapa-ngapa,narinig ko silang tumatawa!

"Huwoooo!!...Huwoooo!!" Pananakot nila sakin

"Titaaaaaaa!!!!" Sigaw ko nang mas malakas!

"Hahahahhahahaha!"

"Mga animal kayo!" At nagbukas na ang ilaw,nakita ko silang malapit sa switch! "Kayo pala ang pumatay ng ilaw!" Pinagtawanan lang nila ako

"Hahahaha! Sabi nya,Tita?,Titaa!?,Titaaaa!!?? Hahahahaha!"  panggagaya ni bakla sa boses ko kanina,sabay silang nagtawanan,grr!

"Oh magsitulog na tayo" Sabi Ni tita

"Oh Bella wag babangungutin" pamemeste ni bakla,kunwari pa syang concern at tatawa tawang umakyat sa hagdan

"Ayokong mag-isa sa kwarto!"

"Edi dyan ka sa Sala,hahahaha!"

"Tsk ayoko! Tabi tayo" Sabi ko kay tita

"Di pwede,may work pa ako,Kay bakla ka tumabi" Sabi nya kaya kinuha ko ang unan at kumot ko sa kwarto at malakas na tinulak ang pinto ng kwarto ni bakla,sakto namang nagbebrief sya, napahagalpak ako ng tawa

"Hoy!anong ginagawa mo dito!??"

_______________-__________

YSABELLA {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon