Eksena 37: I love you

4 1 0
                                    

"Night!" Sigaw ko kay Night kasama niya si tita, "Mag-iingat ka!" Tinignan ko siya hawak-hawak parin ako ng lalaking 'to

"Night Zed! This is what you want!?" Sigaw na tanong ng lalaking ito,may katandaan narin siya,mas itinutok pa sa akin ang baril, "Nakikialam ka sa problema ng ibang tao! Without looking for your own good!?Ang akala ko pa naman ay napakatalino mong bata! But look at you now! You proved me wrong! Your so stupid!"

"Let her go,Mr. Enriquez!" Utos ni Night, lumingon si Night sa kaliwa niya at nakita niya doon si Tito na naliligo ng sarili niyang dugo, pinagsasapak at pinagpapalo si Tito kanina at ako naman ay sinampal ng sobrang lakas habang wala si Night

"Umalis kana dito,Night Zed,Kung ayaw mong may mangyaring masama sayo at sa babaing ito! at sabihin mo sa kanila na sumuko na at hayaang angkinin ko ang barangay na ito! Dahil kung mangialam kapa!" Huminto Ito at pinitik ang kamay "Mapipilitan akong ipapatay lahat ng mga taong Ito!" At doon ko nakita sina Bonifacio,Mang Ngobas, Mang Orengisal, Frediriko, Thomas, Bakla,at ang iba pa,halatang pinahirapan din sila!

"Napakahayop mo! Wala kang puso! Hayop! Hayop!" Sigaw ko sa lalaking ito

"Ano!?Hahahahahahaha! Bilis bilisan mo ang pag-isip, Night Zed,habang may Segundo pang natitira,Hahahhahhaha!"

"Night! Mag-iingat ka! Dahil hindi lang hayop ang lalaking ito! Kundi D*monyo! D*monyooo!!!" Bigla niya akong sinakal ng malakas halos dina ako makahinga

"Pakawalan mo ang mga taong yan!" Sigaw ni Night, "Hindi na ako makikialam,Sayong sayo na ang lugar na ito!" Dugtong pa niya

"HAHAHAHHAHAHAHAHA!" At nagtawanan sila,"Susuko Ka rin Naman pala eh,Hahahhahhaha!"

"Sa isang kundisyon!" Sabi pa ni Night

"Ano yon!?" Mangiti ngiting tanong ng lalaking ito,medyu niluwagan na niya ang paghawak sa leeg ko

"Ibigay niyo na sakin ang mga taong yan!"  Nagtinginan muna sila at tumawa ng malakas tiyaka sininyasan ni Mr. Enriquez ang mga kasamahan niya na pakawalan ang bihag at tinulak nila sila Mang Ngobas papunta kay Night, hanggang sa ako nalang ang natitira nilang alas,hindi pa nila ako binibigay!

"Akin na ang babaing yan" Sabi ni Night ,tukoy niya sakin

"Masyado kang nagmamadali, Night Zed,Hahahahahaha!" Tinignan ko ang mga kawal ni Mr. Enriquez na nakahilira sa harapan at may mga hawak na mahahabang baril

"Gusto kong makita ang paglisan niyong lahat sa barangay na ito bago ko ibigay ang babaing ito!"

"Sige" sagot agad ni Night,At sininyasan niya sina Mang Ngobas na umalis,pero mukhang ayaw nila

"Hindi kami papayag! Bahala nang mamamatay kami! Kaysa mapaalis kami dito sa lugar namin!" Sigaw ni Bonifacio,lumapit sa kaniya si Night at palihim na binulungan si Bonifacio at mukhang naging okay naman na ang mukha,mukhang sumang-ayon

"Sige aalis na kami!" Sigaw ni Bonifacio binulungan ni Bonifacio ang iba pero hindi lang nagpahalata  at sumang-ayon naman,umalis na sila at sumunod kami na hawak parin ako ng Enriquez na 'to

Umabot na kami sa katapusan ng barangay namin,Ito na 'yong palabas

"Akin na ang babaing iyan,Mr. Enriquez" mukhang wala nang magawa kaya patulak niya akong ibinigay kay Night na agad namang sinalo ako

Nagsitago sila Mang Ngobas at biglang may humablot sa akin at tumakbo patago! Nakilala ko na Kung Sino ang humablot,si Frediriko! Puno ng dugo ang mukha niya at damit niya,halatang tinitiis niya ang sakit na dulot ng pasa sa kaniyang mukha at katawan!

Bang! Bang! Bang!

Biglang baril ni Night!

Shet!

Ito pala ang plano niya!

Nabawasan agad ang tauhan ni Mr. Enriquez,Sa dami ng putok ng baril ganon din kadami ang natamaan ng bala!

May tama narin si Mr. Enriquez!

Bang! Bang! Bang!

Nagpapalitan ang barilan nila! Nakayuko lang ako dito sa may puno

Nakita ko si Bonifacio na gigil na initak ang kalaban! Ganon din ang ginawa nila Mang Ngobas sa iba pang natitirang kalaban!

Sinilip ko ang kinaruruonan ni Night at nakita ko siyang nakikipagsapakan sa tauhan ni Mr Enriquez,magaling makipaglaban! Kaya nahihirapan si Night,pero mas magaling parin si Night kung titingnan!

Huhuhu, Night kaya mo 'yan

Hanggang sa katapusan ng sapakan nila,si Night ang panalo!

Hwaaaaaaaa!!!

Sabi ko na eh! Kaya mo 'yan!-

Natanaw ko si Mr. Enriquez na kinuha ang malaking baril! At galit na nakatingin kay Night!

Hindi ko alam kung ano ang gagawin! Hindi alam ni Night na nandiyan si Mr. Enriquez at babarilin siya!

Anong gagawin ko!?

Night!

Sigaw sa isip ko,hindi ko maibuka ang bibig ko! Shet! Shet! Shet!

Night!

Hindi ko parin maibuka! Shet!

Habang tinatanaw sila, nagpalinga-linga ako,asan pa si Frediriko!? Nandito lang 'yon eh! Pero nakita ko siya doon at gigil na pinagtataga ng itak niya ang kalaban,binalik ko ang paningin kay Mr. Enriquez,tumayo ako at tumakbo,sakto namang may na apakan akong bakal at na dapa ako!

Night!

Umupo ako at nakita ko ang maikli na baril,tinignan ko si Mr. Enriquez na tinututok na ang baril kay Knight,mula sa kinatatayuan ko,pinilit kong makasigaw!

"Niiiiight!" Sa wakas na sabi ko rin! At agad siyang lumingon sakin! At doon niya nakita si Mr. Enriquez na bumaril,tinapon ko ang baril sa kaniya para saluhin niya iyon,ngunit huli na dahil nabaril siya sa siko,pero nasalo parin niya ang baril at agad niya itong pinaputok nang masalo niya ang baril

Bang! Bang! Bang!

At doon tatlong beses niyang pinatamaan ng bala si Mr. Enriquez at doon din ay humilatay ang katawan ni Mr. Enriquez sa lupa,agad akong tumakbo patungo kay Night! Na ngayo'y nakahiga na siya sa lupa

"NIGHT!" Tawag ko sa kaniya at mangiyak-ngiyak hanggang sa makalapit,"NIGHT!HUHUHU!" Hinawakan ko siya at tinignan ang mata niya at nakapikit siya,Kaya mas umiyak ako"NIIIGHT!!NIIIIIGHTT!! HUHUHUHUHUHU!" Tawag ko parin habang umiiyak at bigla siyang gumalaw

"Shet" Saad niya

"NIGHT!?" Tanong ko pa habang nakatingin sa mata niya,at nang masigurong buhay siya, "NIIIIIGHHTTT!! HUHUHUHU!" Yinakap ko siya

"Stop crying" Saad niya halatang nasasaktan siya sanhi ng tama niya

"Akala ko iniwan mo na ako eh! Huhuhuhuhu!" Hinimas niya ng marahan ang likod ko

"W-why would I do that? W-when I love you" Sabi niya, tinignan ko siya at mas naiyak

"I love you too,Night!" Madamdamin ko ding sagot, habang dumadaloy ang luha ko pababa sa pisngi ko,nakita ko siyang di makapaniwala sa sinabi ko,pero kalauna'y ngumiti rin siya

"Oo,Night! Mahal Kita! Kaya wag kang mamamatay! Huhuhuhu!" Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kaniya

"I-i won't,lalo na ngayon,kiss me" sabi niya at hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa! agad ko siyang siniil ng halik,at narinig ko nalang ang boses ng ambulance na paparating,pero hindi ko siya pinakawalan sa paghalik hanggang sa buhatin siya at doon ko lang siya binitiwan.

YSABELLA {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon