Eksena 15:Sa karinderya ni Tiyang

2 2 0
                                    

Date:July 20,2022
Time started:8:11 am

"Magandang umaga marikit" nakangiting bati ni Marco

"Magandang umagi rin" busy ako sa pagsandok ng kanin

"PaOrder ako nitong ginataang kalabasa tyaka kanin" Sabi nya "pati narin nitong mongo" Dagdag pa nya

"Okay wait lang" pagkatapos kong magsandok ng Order nya, "Oh Ito na 'yong Order mo" naramdaman ko naman ang kamay nyang humawak sa kamay ko ng kunin nya ang order nya "hmp!" Tumalikod agad ako sa kaniya, narinig ko ang mahinang tawa nya

"bella,sabihin mo kay Aling Senyora na uutang ako" Sabi ni Buknoy

"Oh sige" Pumasok ako sa loob kung nasaan si Tiyang
"Tiyang! Si buknoy,uutang daw!" Tawag ko

"Uutang na naman sya na hindi pa nga nakakabayad!?" Sigaw ni Tiyang "sabihin mong hindi pwede!Utang ng Utang di naman nagbabayad!tapos ngayon uutang na naman!?Hindi pwede!" Sigaw ni Tiya,umalis na ako kasi Kung makasigaw naman ni tiyang parang ako yong may utang

"Buknoy di daw pwede,magbayad ka daw muna" Sabi ko Kay buknoy

"Ano!? Eh nagbayad na ako!" Sabi nya

"Sabi ni tiyang magbayad ka,edi may utang kapa"

"Wala na akong utang, nagbayad na ako!" Mapipilit nya

"Okay teka lang,baka namali lang si tiyang" pumasok ako sa loob "Tiyang nagbayad na daw sya"

"Sino!?"

"Edi si Buknoy"

"Hindi pa yan nagbayad!isang sardinas lang ang binayaran nya, Yong sa tindahan lang yon! Sa karinderya Wala pa!" Ayon Naman pala eh,bumalik ulit ako,pero nagmamadaling sumunod si tiyang sakin,pinauna ko na sya

"Hoy Buknoy! Anong sinasabi mong nagbayad kana!?" Sigaw nya Kay Buknoy,kinuha ni tiyang ang listahan nya,pinakita ang mahabang lista "tignan mo ang utang mong animal ka!?" Sigaw nya pa "Sa sobrang haba nito ay pwede ko ng ipulupot sa buong katawan mo!"

"Aling Senyora,nagbayad na nga ako-"

"Anong nagbayad!?isang sardinas ang binayaran mo! Kaya bayaran mo pa 'tong utang mo!"

"Eh Aling Senyora,diba sinabi ko naman sayong pakunti konti lang"

"Oo sinabi mo 'yon!pero ang uutang ka uli,Hindi pwede! Lumayas ka rito! Nakakaistorbo ka sa mga kumakain ! Alis!alis!" Pagtataboy ni Tiyang kay buknoy

"Heto aalis na! Malugi Sana yang karinderya mo!" Pahabol ni Buknoy

"Animal ka! Magbayad ka nang utang mo!at huwag ka nang bumalik pa rito kahit kailan!" Sigaw ni tiyang,grabe naman 'tong si tiyang

"Kayo! Anong itinitingin tingin nyo dyan!? Magsilayas kayo!Mga pangit!"

"Wow ganda mo tiyang?"tanong ko sa kaniya

"anong tinatayo tayo mo dyan, Ysabella? Asikasuhin mo yong mga kumakain!" Sigaw nya sakin, padabog akong pumasok sa karinderya

Nakahinga na ang lahat ng pumasok na si Tiyang Dragon sa loob ng bahay

"Ang gwapo nyaaa!" Biglang may sumigaw

"Hala Oo nga,ang gwapo nya!"

"Saan Kaya pupunta si pogi?"

"Grabe ang pogii!"

"Sanaol pogi!"

"Akin ka nalangg!"

"Ang tangos ng ilong nya!"

"Ang puti nya!"

"Ayyyy Ang bango nyaaa!"

YSABELLA {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon