Eksena 32: Si Monay

3 1 0
                                    

(Lumipas ang isang linggo)

"aaahh! Ano ba,Night! Itigil mo na 'yan!" Saway ko sa kaniya nandito kami ngayon sa ilog at tinatapunan niya ako ng tubig gamit ang kaniyang kamay,pinagtatawanan lang niya ako, "Hindi ka talaga titigil,ha!?" Ginaya ko rin siya,tawa kami ng tawa habang nagtatampisaw sa tubig

"Kapag nahuli kita,you know what I gonna do" at ngumisi siya ng malademonyo,peste at humakbang siya nang dahan-dahan kaya agad akong tumalikod at tumakbo, mabilis akong lumingon habang tumatakbo at sinusundan niya ako!

"Aaaaaahhhhhhh!!" Sigaw ko at mas binilisan ang takbo, pero naramdaman ko nalang ang kamay niyang humawak sa baywang ko!

"Nahuli rin kita!" At kinarga niya ako

"Aaahhh!Bitiwan mo ako,Night!" Pagpupumiglas ko ngunit mas hinigpitan niya ang yakap at pinaghahalikan ako

"Loko ka talaga!" Sigaw ko sa kaniya,pinagtawanan lang niya ako

"Tara, let's have a walk" Yaya niya at magkahawak kamay kaming naglakad sa kagubatan

"Ahm Night" tawag ko sa kaniya, nakaupo kami dito sa bundok at tinitignan ang palubog na araw

"Ano 'yon?" Tanong niya

"Sa tingin mo ba..tayo ang magkakatuluyan hanggang dulo?" Tinignan ko siya nakita ko naman siyang ngumiti tiyaka lumingon sakin

"Paano tayo magkakatuluyan hanggang dulo kung sa una palang di mo na ako sinasagot" Sabi niya,napanganga ako at tumingin sa kaniya

Shock

"Nakalimutan ko di pa pala tayo! Hahahahhaha!" Tawa ko sa kagagahan ko,shunga,tinapik niya ang ulo ko at napanguso sa kaniya kaya agad niyang hinalikan ang noo ko

"Stupid" Saad niya at ngumisi, tinignan ko siya tiyaka tinulak, tatayo na sana ako pero bigla niya akong hinila pababa at yinakap at sabay kaming tumingin sa palubog na araw, nasa likod ko siya

"Kailan mo ako sasagutin?" Sabi niya sa likod at inaamoy amoy ang leeg ko

"Night ano ba, nakikiliti ako!" Saway ko at hinalik halikan niya ang leeg ko at huminto

"May hinihintay kapa bang iba kaya hindi mo ako sinasagot?" May pagtatampo sa tono ng pananalita niya

"Wala naman syempre,ang dami kong manliligaw pero ikaw lang ang pinakain ko ng tilapia ko" at natawa ako sa sinabi ko gayon din siya

"Shet" mas natawa ako sa sinabi niyang 'yon,ramdam ko ang paggalaw ng tiyan niya sanhi ng tawa niya

"I don't eat tilapia but yours" Sabi niya alam kong nakangiti parin 'to

"Hahahaha!" Sabay kaming natawa

"So kailan mo ako sasagutin?hmm.." Malambing niyang tanong, Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko para magpantay

Pinipigilan ko lang ang ngiti ko,ayokong ipakita ang ngiti kaya pinilit kong di mangiti at kinagat ang pang ibabang labi,tinaas niya ang kamay niya at inilapit sa labi ko at kinurot iyon,tinapik ko agad ang kamay niya

"But you know,I don't begging you to said yes or..no" tumingin ako sa kaniya nalukot ang mukha ko

"Bakit?" Malungkot kong tanong sa kaniya at tutok na tutok sa mukha niya

"I don't need your answer" tinitigan niya ako at seryuso siya, hinalikan niya ako ng isang beses, naghihintay ako sa susunod niyang sasabihin, "Hindi ko kailangang maghintay sa isasagot mo,dahil alam ko na kapag may isang taong nagpapakita ng pagmamahal sa isang tao,halimbawa tayo..hindi ko na kailangan ng sagot mo dahil ang ipakita lamang ang pagmamahal ko sa'yo at ipakita mong mananatili ka sakin no matter what is enough for us to know that we're the one" Sabi niya at pinalo siya ng mahina, nangiti ako at yinakap ang kamay niya sa unahan kaya nakayakap siya sa likod

"Mananatili ako sa'yo at sasagutin kita pero hindi yes or no ang sasabihin ko hahaha!pero mangyayari yon kapag!" bitin ko habang nakangiti at nakaturo pa ang hintuturo sa mukha niya

Bang!

Sabay kaming napalingon kung saan ang parte ng barangay namin
At sabay kong tinignan si Night, tumayo siya agad at tinulungan niya akong tumayo

"Ano yon?" Tanong ko,hinawakan na ni Night ang kamay ko at hinila ako,habang tumatakbo kami pabalik sa barangay namin naririnig namin ang sunod sunod na malalakas ng putok ng baril

Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!
Bang! Bang! Bang! Bang! Bang!

Ngunit natagalan pa kami na makabalik sa barangay, pagkadating namin wala nang putukan ang nakadanap tanging iyakan ng mga tao at bangkay ang nakasalubong  namin

"Huhuhuhuhuhu!"

"Istring! Huhuhuhuhu bakit mo ako iniwan huhuhuhuhu!"

"Mga walang pusooo! Huhuhuhu"

"Magbabayad kayooo!! Huhuhuhu!"

Iyakan ng mga taong namatayan, nakita ko si Night na lumapit sa mga bangkay at pinakiramdaman ang mga pulsuhan nito at umiling nang malamang wala na itong mga buhay

"Anong nangyari??" Tanong ko kay Frediriko na ngayo'y di makapaniwala sa mga nakikita

"May dumating na mga tao kanina nakasakay sa dalawang kotse at pinaulanan ng bala ang mga bahay dito sa barangay natin,pati rin ang bawat nakikita nilang mga Tao sa labas ng bahay ay pinahahabulan ng bala" malungkot na sagot Frediriko

"Uhuhuhuhuhu! Nay!" Iyak ng bata sa likod at agad akong lumingon sa likuran,nakita ko si Monay ang batang maliit, nakahandusay ang kaniyang ina na may tama ng baril sa dibdib niya,lumapit ako dito at hinaplos ang likuran ni Monay at yinakap siya habang siya'y walang humpay sa kakaiyak,naluha ako dahil sa sitwasyon niya ngayon alam kong ang kaniyang ina nalamang ang kaniyang kasama,pero nawala narin Ito at ngayon mag-isa nalamang siya..

"Nay! Gising na po,Nay!huhuhuhu! Di na po ako magpapasa-way! Huhuhuhu! Wag niyo po akong iwan N-Nay!huhuhuhu!Nay gising na pooo! Huhuhuhuhuhu!" yinakap niya ang nanay niya at tumutulo ang luha sa damit ng Nanay niya

Sa gabing din Ito ay nilibing na ang mga bangkay

"Nay!" Sigaw ni Monay sa nanay niya na ngayo'y ililibing na ito, hinawakan namin si Monay para pigilan na makalapit sa nanay niya,nagpupumiglas siya dahil gusto niyang lapitan ang kaniyang nanay

"S-sandali Lang!" Sigaw ko "hayaan muna natin si Monay na makalapit sa nanay niya sa huling pagkakataon.." Sabi ko at nilapag nila Ito sa lupa at tumakbo naman si Monay sa Nanay niya at walang humpay ang iyak ng bata habang nakayakap,hinalikan niya kaniyang Nanay

"Mamimiss po kita,Nay, huhuhuhuhuhu!" at hinawakan na namin siya at nilagay na nila si Aling Merna sa hukay at tinakpan ng lupa

Umuwi na kami at sinabi ko kay Monay nasa bahay na lamang siya tumira,yumakap naman sakin ng mahigpit ang bata,si Monay ay limang taong gulang pa lamang,at kaawa awa ang kalagayan niya ngayon,mga hayop ang mga taong pumunta dito para patayin ang mga taong walang kalaban laban, dapat nilang pagbayaran ang mga kahayupang ginawa nila dito sa aming barangay.

YSABELLA {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon