Eksena 7:Ang panliligaw (gone wrong)

9 0 0
                                    

Time:3:47 pm
Setting: sa loob ng bahay

"Upo ka" Yaya ko sa kaniya "anong gusto mo? juice,kape o ano?" Tanong ko

"Ikaw ang gusto ko" Sagot nya agad

"Hindi!Ang Sabi ko yong iinumin mo,anong gusto mo??" Bumabanat pa eh

"Haha! Tubig nalang" natawa pa sya,tinarayan ko sya't tumalikod para kumuha ng tubig,tapos ay bumalik,"Oh! Ito na yong tubig mo." At umupo ako

"Mas lalo ka lang gumaganda aking Dyosa" Sabi nya na tinitigan pa ako

"Yieee!" Panunukso nila bakla

"Tumahimik nga kayo" saway ko,anong nakakakilig don

"Haha hayaan mo nalang sila kinikilig lang ang mga yan satin" nakangiti pa sya,kinunutan ko sya ng noo

"Baliw!" Sigaw ko sa muka nya,ngumuso sya,pero buti nama't bagay sa kaniya

"Ahm nandito ako para formal na ligawan ka" nakangiti sya sakin, tinignan ko sya at bumuga ng hangin

"Alam.ko." sa ganitong set up ng mga lalaki dito sa barangay namin, alam ko na Kung anong sadya nila

"Edi pinapayagan mo na ako!" excited nyang sabi, tinignan ko muna sya

"HIN.DI." at bigla syang naging malungkot

"Pa hard-to-get ka naman Bella" komento ni bakla,tinignan ko sya

"Edi ikaw ang ligawan nya para hindi pa hard-to-get!" Tinarayan ko siya at bumalik sa kaharap ko

"So nagpapahard-to-get ka pala sakin!?" Mabilis nyang tanong, naging masaya ang mukha nya

"Wow ha,ba't naman ako magpapahard-to-get sayo ha?,gusto mo mabasted??" Ngumuso nanaman sya

"Hindi" Sabi nya ng nakanguso parin

"Oh ano pang kailangan mo? Nakita muna ako't nakausap" Sabi ko na talagang ako yong masusunod at sya mukang alipin,nasa kamay ko ang desisyon

"Di mo pa ako sinasagot" diretsang sagot nya

"Gusto mo sagutin na Kita ngayon?" Tanong ko at tumingin sya sakin ng mukhang excited at dina nakapagsalita pa

"Oh sige,ang sagot ko,Hindi." Sumilay ang malungkot nyang postura sa mukha

"Huwag naman ganon" parang malungkot sya

"Sabi mo kasi sagutin na kita ngayon,oh ayan sinagot na kita"

"Grabe ka naman,binasted mo naman ako" narinig kong tumawa sina bakla

"So anong gusto mo,maging ganito nalang lagi?" Tanong ko tinitigan nya ako

"Anong ibig mong sabihin?" Nalilito nyang tanong

"Aba ba't ako ang tinatanong mo? Kausapin mong sarili mo 'no" at tumaray ako,ngumiti sya at tumingin ng nanunuksong tingin,kinunutan ko sya ng noo

"Bakit?"

"Hahahahahaha!" Biglang tawa nya , na curious naman ako

"Bakit nga!?" Sigaw ko na

"Hahahahahaha!" Tawa pa nya,binato ko sya ng tsinelas ko,at napatigil sa kakatawa

"Ba't ka tumatawa?" Tanong ko

"Eh kasi,..kinilig ako" Amin nya, nagtawanan sina bakla "hahahahaha!"

"Yaks kalalaking tao kinilig!Hahahahahaha!" Tatawa tawang wika ni bakla

"Hoy!"sigaw ni Marco kay bakla "bakit kayong mga bakla lang ba at babae ang pwedeng kiligin?kaming mga lalaki hindi!?" Mukhang naghahamon

"Hoy rin! Wala naman akong sinabing di pwede kayong kiligin! Eh kung gusto mong kiligin dyan! Edi magkilig-kilig ka dyan!" Sigaw ni bakla kay Marco,pinigilan kong di matawa pero si tita tawang tawa

"Kung mag-aaway kayong dalawa don kayo sa labas!" Kunwaring galit ako

"Pasensya na aking Dyosa dina mauulit" paumanhin nya sakin, halatang sincere

"Mabuti" at ngumiti ako,na istatwa naman sya

"Oh kinilig nanaman si Bongbong Marco'S" pangtitrip ni bakla at natawa,nakita ko namang si Marco na tumingin ng masama kay bakla,mukhang mananapak, dumila naman si bakla sa kaniya,umubo na ako dahil baka magrematch pa 'tong dalawang to

"Sa tingin ko pwede kanang umalis Marco,hapon narin naman eh"

"Ah sige,salamat sa oras aking mahal na Dyosa,nag-enjoy akong makasama ka ngayong araw" Sabi nya ng malambing,tinanguan ko lang sya, hinintay pa nya akong magsalita "sige" ngumiti ako sa kaniya

"Ayeii!" Sigaw nila bakla ng makaalis si Marco at tinignan nila ako ng mga nanunuksong tingin

"Si Marco na ba yarn? Hm?" Tanong ni bakla,nag aabang sa isasagot ko

"Anong si Marco?" Na intindihan ko pero diko alam Kung anong isasagot ko,kaya pabalik-tanong nalang din ako

"Atsuss! Kunwari pa!" Sabi nya ng pambaklang boses

"Sira" at nilampasan ko sya

"Hayst grabeng mga eksena ang naganap ngayong araw" rinig kong sabi ni tita,nakahiga sya sa sofa na kahoy

"Haha! Litcheng chismosang 'yon eh!" Sabi ni bakla

"Di tuloy ako nakapasok sa trabaho, sayang ang bawas na sweldo" sabi ni tita,natawa kami ni bakla

"Hingan mo ng sweldo si Aling Marites para sa sahod mo ngayong araw!hahaha!" Biro ni bakla

"Loko,Kung pwede lang" sakay ni tita sa sinabi ni bakla

"Pwede yan, Basta magpahabol kalang ng itak nyang malaBonifacio" Wala na kaming ibang nagawa ngayong gabe kundi magtawanan at pagtripan si Aling Marites

"Oh nagmumukha narin tayong Reyna ng mga Marites, hahahahah!"

"Magandang Gabi sa'yo,
Aking minamahal na Dyosa ng Barangay,
Nawa'y pakinggan mo Ang aking munting siday,
Likha ng iyong magiting na panday"

Rinig namin sa labas ng bahay namin ang tulang iyon,Kaya dagli dagli kaming tumingin sa bintana at nakita namin si Panday!

Panday-kilala dito sa barangay namin na pinakamahusay gumawa ng mga panday,Isa rin sa mga manliligaw ng Dyosa ng Barangay

"Oh Dyosa ng Barangay!,
Ikaw ay buwan at ako ang ulap-"

natigil sya dahil may dumating na mga tanod

"Ba't ka nasa labas pa,Panday!?Alam mo bang,hindi pinapayagan ng kapitana na may mga taong gagala gala dito sa labas sa des oras ng gabi!?" Tanong ng tanod

"Hindi naman ako gumagala! Nanliligaw ako!" Pagtatanggol nya sa sarili

"Itigil mo na yang kahibangan mo!dahil nakaka istorbo ka sa mga taong natutulog na! At Isa pa! Sa tingin mo ba sa hitsura mong yan magugustuhan ka ng Dyosa ng barangay!?" Grabe namang tanod to

"Eh anong pakialam mo! Di naman ikaw ang nililigawan ko!" Sigaw naman ni Panday

"Sige na! Umalis kana!huwag mo nang pairalin yang urag mo!" Sigaw ng tanod,walang nagawa si Panday kundi sumunod sa patakaran ng barangay

Sinarhan na namin ang bintana at nagtawanan,mga siraulo

"Grabe kung makagawa ng tula si Panday- ikaw ay Buwan at ako Ang ulap,hahahhaa!" Nagtawanan kami "Sayang di na tapos ang tula nya,hahahahaha!"

Matapos naming magtawanan ay nasipagpasok na kami sa aming mga kwarto at natulog.

YSABELLA {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon