Date:July 19,2022
Time:10:14 amBuong araw kaming di nakalabas ng bahay kahapon dahil sa matinding hangover,para silang sinapian ng mga fictional character sa Wattpad,lalo na sina Mitch at Mang Orengisal,pati yata ako,pero dahil lang yon sa kalasingan
"Bella!" Tawag ni Jane
"Oh bakit?" Tanong ko nang makalapit sya sakin
"Sumama ka mamamangka tayo!" Yaya nya sakin
"Sige!" at tumakbo kami patungo sa dalampasigan at sumakay sa motor na bangka
"Wow ang daming isda dito!" Sigaw ni Jane ,lumapit ako sa kaniya
"Siguro Kung mangingisda tayo dito madaming isda ang mahuhuli natin!" Sabi ko
"Korek ka dyan" sang-ayon ni Jane,pinaandar na uli ang bangkang motor,sandali pa't may makakasalubong kaming bangkang motor din
Nang magtapat ang dalawang bangkang sinasakyan namin at yong makakasalubong namin,tumingin ako doon sa mga nakasakay,hanggang sa tumapat ang mga mata ko sa isang lalaki at nagkatitigan kami! Pero mabilis lang din,dahil mabilis na lumagpas ang bangkang de motor,gayun din sila
"Nakita mo 'yong lalaki,Bella,yong nakataas ang sunglasses!?" Nakangiting tanong ni Jane sakin "Ang gwapo nyaaaa!" Kinikilig pa
"Oo" nakanguso kong sagot
"Grabe ang gwapo nya talaga!saan Kaya sya nakatira,no?"
"Aba malay ko!" Mabilis kong sagot
"Nandito na tayo!" Sigaw ni Mang Porping,ang nagpatakbo ng bangkang de motor
"Kyaaaaah!!" Sigaw nya,nakahawak pa sya sa pisngi nya,
"diko talaga makakalimutan ang mukha nya!!" kinikilig pa din"Nako!baka bangungutin kapa nyan,wag mong masyadong isipin muka nya,may jowa na yon!" Sabi ko,tumigil sya sa paglakad,na shock kalauna'y nalukot ang mukha
"Oo nga,no" lumungkot ang tuno ng pananalita niya
"pinagtagpo pero di tinadhana, Hindi kayo pwedeee!,Ang mga pusong huwag nang pahirapan, suko na sa laban,di kayo pwedeeee!" Kanta ko pa at tumawa
Ngumiti sya sakin
"Di porket kinikilig ako ay gusto ko syang maging jowa,Ang akin lang naman ay maging crush ko lang sya, ay okay na" Sabi nya ng ngiting ngiti"Edi Wow" Sabi ko at tinignan ko pa syang nanguna sa paglakad, sumunod ako
"Yamado!yamado!yamado!" Sigawan ng mga tao,tumakbo kami ni Jane doon sa maraming tao,naki Aling Asoysu
Pagdating namin don,dalawang manok ang nagsasalpukan!
"Sige!Isa pa!lumaban ka!ganyan nga!ganyan!" Sigaw ng Hari ng Sabong
"Tumayo ka imaw!" Sigaw ng kalaban ni Mang Ngobas
"Ganyan nga! Ganyan!sige pa!sige ganyan nga!" Sigaw ni Boboy nandon pa sya sa unahan malapit sa nagsasalpukan na manok
"Boboy!" Tawag ng nanay nya,may dalang pamalo, "umuwi ka dito!" Galit na galit si Aling Bobay
"Sandali lang,Nay!" Sigaw nya sa nanay nya,at binalik ang paningin sa naglaban na manok,"ano ba manok bilisan mo na tapusin mo na sya,baka maabutan ako ni Nanay,Mapapalo ako!"sigaw ni Boboy
"Hoy! Boboy! Tawag ka ng Nanay mo!" Sigaw ng Isa pang bata
"Lagot ka papaluin ka!" Pananakot pa"Manok bilisan mo na patayin mo na sya"pakiusap nya sa manok nya, don sa manok ni Mang Ngobas
"Nandyan kana naman,Boboy! Gusto mo ikaw ang ilaban ko dyan sa mga manok na yan!?" Sigaw ng Nanay nya,mabilis na lumapit ang nanay nya,mabilis namang tumakbo si Boboy palayo,hinabol sya ng Nanay nya na may hawak na walis
"Ooh!" Sipol ng mga Tao
"Ang galing mo!Lawiswis!" Puri ni Mang Ngobas sa manok nya dahil panalo,patay ang kalaban na manok
"Sabi ko naman sayong wag mong ilaban sa manok ni Ngobas!Dahil Walang Wala yang manok mo!" Galit na wika ng isang lalaking kaedad ni Mang Ngobas
"Eh,maraming nagsabi na ilaban ko daw!Kaya ayon napilit ako!" Sabi ng lalaki na kaedad lang ni Frediriko
"Talo tuloy tayo!" Inis nong isang lalaki
"Ayos lang yan!bawi nalang tayo sa susunod!" Sabi din ng Isa pang lalaki at nagsialisan na sila
"Mang Ngobas! Balato naman,oh!" Sabi ni Frediriko
"O'ba!" Sagot nya, narinig iyon ng lahat na narito kaya paunahan silang pumila,pati rin kami ni Jane
Matapos ang mahabang pila ay nabigyan din kami,20 pesos
Maraming mga lalaki ang nasa gitna ng kalsada nang makita nila kami ay tumabi silang lahat,tuloy lang kami ni Jane sa paglakad
"Sobrang ganda nya talaga!"
"Ganda talaga ni Bella"
"Swerte ang makakapangasawa ni Bella haha! Laging gagabi gabihin hahaha!" Rinig ko,malas mo dahil di ikaw,at binilisan ang lakad
"Hoy Bella" tawag ni Jane "Ang bilis mo naman!"
"Daming mga lalaki,no, pinagsasamantalahan na tayo, bilisan mo dyan!" at nakalampas din kami
Naglalakad kami ni Jane nang may narinig kaming mga putok ng baril!nagtakbuhan ang mga tao papasok sa kanilang tahanan, nilibot ang paningin ko para makahanap ng pwede naming pagtaguan
"Jane!dito tayo!" At mabilis kaming nagtago doon sa likod ng puno,
Sandali pa't may nakita kaming lalaki na naglalagay ng bala sa kanyang baril,mas nagtago kami ng mabuti"Bella,natatakot ako" Sabi nya ng pabulong at may bahid ng takot, kahit nga ako
"Basta magtago lang tayo dito!" Bulong ko din,nagtakip sya ng kaniyang tenga gamit ang kanyang kamay
Ang lalakas ng mga putok ng baril,mas naging sunod sunod pa!dumapa na kami sa lupa dito sa tinataguan naming puno,sandali pa't may narinig kaming tunog, may taong nakasipa ng bagay na naglikha ng ingay,hudyat para malaman naming may taong pasugod sa amin!nagkatinginan kami at sabay na sumilip,di nga kami nagkamali!may tao!at nakita nya kami! Tumakbo kami ni Jane, gumagaralgal sya sa iyak at takot na takot din katulad ko!,narinig namin ang pagkasa ng baril kaya mas lalo akong kinabahan at natakot!binilisan pa namin ang takbo ngunit narinig namin ang putok ng baril! At sabay kaming natumba!lumingon ako sa likod.
Akala ko,katapusan na namin! Nagaalangan mang tumayo ngunit kailangan kong tulungan si Jane
"Jane Tara na!" Tinulungan ko syang tumayo,iyak sya ng iyak
"Diko Kaya Bella!natatakot ako!" Di sya tumatayo at nanginginig sya sa sakot
"Sobrang delikado dito!mamamatay tayo kapag hindi tayo makaalis dito!Kaya Tara na!tumayo kana!" Sigaw ko at pinilit nyang makatayo,inalalayan ko sya, sabay kaming tumakbo ng mabilis, nagshortcut kami ng daan para makarating agad kami sa kanila, pumasok sya sa bahay nila
"Bella!dito ka muna manatili"
"Wag na! kailangan kong makauwi baka Kung napano na si bakla!Mag-iingat ako!" At tumakbo na ako,nasa kalagitnaan na ako sa aking pagtakbo papunta sa bahay ng may biglang humatak sa braso ko at bumaril,nakita ko kung paano natamaan ang isang lalaki, na kanina pa pala nya akong sinusubakang barilin.
BINABASA MO ANG
YSABELLA {COMPLETED}
AkcjaMasayang naninirahan ang mga tao sa Barangay Vagullybus Viskaya Western Samar. Kasama na dito si Ysabella Ang Dyosa ng kanilang barangay,at Ang Reyna ng mga Chismosa, Reyna ng mga Usyosa,Hari ng Sabong, Hari ng mga Lasingero,at ang kaniyang mga kaba...