Flashbacks
Date:July 29,2022
Dumating ang umaga at lahat ng tao dito sa barangay namin ay may mga hangover
"Aaaaaaaaaaa!!" Malakas na sigaw ni bakla,bumangon ako,pesteng bakla ki aga aga sigaw ng sigaw
"Hoy!" Sigaw ko at tinapunan siya ng unan "anong kaaartehan na naman yan!? Wala ka bang hangover!?" Nakita ko siyang sinasabunutan ang sarili niyang buhok gamit ang dalawa niyang kamay
"Anong wala,Ang sakit nga ng ulo ko eh!huhuhu"
Psh
"Yan kasi! Walwal pa!" At iniwan ko na siya,kumuha ako ng ice at nilagay sa ulo ko
"Aaaaaaaaaaahhh!!" Sigaw niya ulit
"Bakla! Pwede ba!wag ka ngang maingay mas sumasakit ang ulo ko!" Galit kong sigaw "Aray grabe ang sakiiit"
_________________ _______________
Yon ang nangyari kahapon pagkatapos nong gabing walwalan
Naglalakad ako papuntang palengke ng may biglang mabilis na kotse ang papunta sakin,mabilis akong umiwas sa kalsada, sinulyapan ko pa iyon nang makalampas na
Bweset muntik na 'yon ah
"Dapa!" Biglang sigaw ng lalaki sa likod at mabilis niya akong inakbayan at sabay kaming dumapa sa lupa
Bang!
Nagpaputok ng baril ang lalaking sakay sa dumaang kotse at mabuti nalang at nakadapa kami agad, nilingon ko ang lalaking nagsabi sakin ng dapa
Bang!
"Aaaahhhhhhhh!" Sigawan ng mga tao dito sa barangay namin
Bang!
Binaril din ni Night ang lalaking bumabaril
Nagtago kami dito sa baba ng panindang mga mangga
Dahil sa barilan natatamaan ang mga panindang mga prutas,gulay at iba pang mga tinda
"Hayop ka Night! Hayaan mo na kami Kung anong gusto naming gawin sa barangay na Ito!" Sigaw ng lalaking nagtatago sa sulok
"Stupid! Anong akala mo sakin Bobo!na Basta Basta na lamang susunod sayo!?" Balik sagot ni Night, nakahawak siya sa baril niya
"Hahahaha! Kung ayaw mong sumunod edi wag!Di naman ako yung mamamatay!"
Bang! Bang!
Baril nong lalaki
Bang! Bang!
Hinila ako ni Night matapos niyang bumaril
"Dito Tayo!" Sigaw ko sa mga taong narito at pumunta kami sa sulok na napapalibutan ng mga lagayan ng tinda
"Stay here" Sabi ni Night "at hawakan mo 'to" binigay niya sakin ang baril,nabigla ako pero kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang baril
Pagkatapos non ay umalis na siya
"Mga Sino ba sila??"
"Natatakot ako,Nay,huhuhuhu" iyak ng bata
"Ano ba!Wag kang maingay baka malaman nila na nandito tayo!" Mahinang sigaw ni Aling Linda sa anak niya
BINABASA MO ANG
YSABELLA {COMPLETED}
AksiMasayang naninirahan ang mga tao sa Barangay Vagullybus Viskaya Western Samar. Kasama na dito si Ysabella Ang Dyosa ng kanilang barangay,at Ang Reyna ng mga Chismosa, Reyna ng mga Usyosa,Hari ng Sabong, Hari ng mga Lasingero,at ang kaniyang mga kaba...