Date:July 17,2022
Setting:Bahay ng kapitbahay na may birthday"Paging sa kapitbahay naming Dyosa ng Barangay!" Tawag ni Mitch,halata kasi ang boses nya
Mitch- Ang kapitbahay naming bakla,Ang hilig magyaya sa tuwing may okasyon sa bahay nila halos lahat ng tao sa barangay ay imbitado
"Ikaw nalang ang kulang dito!nandito na ang buong tao sa barangay!" Dugtong nya "Wag kanang magtago dyan!irampa mo na yang kagandahan mo dito!magtatagay pa Tayo ng Tuba!" Hindi talaga magsisimula ang party nya hanggat hindi dadating ang Dyosa ng Barangay,Kaya lumabas na ako
"Aaayyy! Ayan naaaaa!"
"Ayan na!Ako ay nalulula,hindi mapigilan sa kaniya akoy lubos na humahanga,sa suot nya akoy nagdududa ngunit sa kaniya Ang lakas ng aking Tama!" Kanta pa nila habang ako ay naglalakad
"A! Ganda!"
"Sanaol!"
"Kunwari ay lalakad din ako,Oh!.Oh!" dugtong pa ni Boboy sa kanta
"Naks!Sanaol!May pa Grand entrance Grand entrance pa! Iba talaga pag Dyosa!" At nagtawanan sila,mga sira
NakaOversized shirt lang ako at maikling short at nakamessyBun ang tali ng buhok ko
"Ano!?Asan na ang litson!?" Sigaw ko agad
"Ilabas ang litson!" Sigaw ni Mitch
Hindi pa pala nilabas ang litson nang hindi ako dumating, mabuting kapitbahay
At sandali pa ay nandito na ang litson,binuhat nila Frediriko at Thomas
Thomas-kaibigan ni Frediriko,Isa rin sa mga tambay
"Bakit Isa lang ang letchon!?Limang litson 'yon!" Sigaw ni Mitch
"Sandali lang naman,alangang sabay-sabayin namin ang pagbuhat-!"
"Huwag kanang mag explain!puntahan nyo na!" Sigaw ni Mitch at nagtawanan ang mga Tao
Nang nailabas na ang limang litson ay tinadtad iyon sa saktong laki,maraming mga putahe ang nasa lamesa,may pansit, menudo,dinuguan,kinilaw, nilaga,adobo,may inihaw na bangus,may moron na limang malalaking kaldero,at marami pa! Ang Tuba ay sampung waterjug na malalaki,nandito rin ang karaoke ni Aling Marites
"Bago Tayo kumain! Ay magkanta muna tayo ng happy birthday song!" Sigaw ni bakla sya kasi ang Mc ngayon,pinalitan ng birthday song ang cha-cha na kanina pa pinapatugtog
"Kanta tayong lahat!" Kaya kumanta kami habang pumapalakpak at sinasabayan Ang music
"Happy birthday to you!
Happy birthday to you!
Happy birthday Happy Birthday
Happy birthday Baklang Mitch!!!yeheyy!!" At palakpakan naDahil na ka'y bakla ang mic,pinalapit ko sya,at sinabing kumanta kami
"Ano ang inumin!?" Kanta ko
"Tuba Ang inumin!" Sagot ni bakla sa kanta
"ano ang pulutan!?"
"Limang litson ang pulutan!""happy happy happy birthday!sana'y malasing at mabusog mo kami!!" Sabay kami ni bakla sa huling pangungusap ng kanta,at natawa,mga sira
"Talagang lalasingin ko kayo!" Sigaw nya "hanggang sa gumapang na kayo pauwi!" Dugtong pa nya,nagtawanan ang mga tao
"Oh make a wish muna!" Sigaw ni bakla na dala ang cake,nagwish si bakla at pagkatapos ay hinipan na niya ang cake niya
"Yeheeeyyy!!" Sigaw namin at pumalakpak pa
BINABASA MO ANG
YSABELLA {COMPLETED}
AksiMasayang naninirahan ang mga tao sa Barangay Vagullybus Viskaya Western Samar. Kasama na dito si Ysabella Ang Dyosa ng kanilang barangay,at Ang Reyna ng mga Chismosa, Reyna ng mga Usyosa,Hari ng Sabong, Hari ng mga Lasingero,at ang kaniyang mga kaba...