Eksena 16:Si Kardo Dollisay

6 2 0
                                    

Date:July 21,2022
Time started:2:00 pm

"Aah! Hahahhaa!" Lokong bakla,lumingon ako

" 'Nong nangyari sayo?" Inis na tanong ko

"Nadulas hahahaha!"

"Tuyo ang lupa nadulas ka!? Pangit ng pagkakahulma ng paa mo" at naglakad na uli

"Wow,umapak kasi ako sa kahoy,di pala matibay,tinga" sagot nya

"Bilisan mo na dyan" pinutol ko ang mga nakaharang na kahoy sa daan pati dahon

"Aaaaaahhh!" May tao!muntik ko nang maitak

"Hoy! Anong ginagawa mo riyan!?" Tanong ko,nabigla rin ako sa pagsigaw nya,sumilip si bakla

"Ay!tumatae t*ngina!" Binato ni bakla ng kahoy na maliit

"Ano ba!?" Sigaw ng tumatae,si Kardo Dollisay pala to, kabarangay din namin

"Ba't ka dyan tumatae!?" Sigaw ko

"Homp ang baho!" Sabay naming Sabi ni bakla tinakpan pa namin ang ilong namin,nakita naming kumaripas ng takbo ang tumataing si Kardo Dollisay,dipa nga nakapaghugas ng pwet

Pumunta kami sa ibang lugar, ayaw namin don mabaho!

Bawat kahoy nakikita ko na tuyo kinukuha ko, si bakla ang taga dala

Nasa kalagitnaan na kami ng pangunguha ng panggatong,pero di parin madami ang nakukuha namin,nakasalubong namin si Kardo,kumakain ng bayabas

"Hoy Kardo! Bakit dito ka tumatae sa gubat!?" Tanong ni bakla

"Eh anong masama doon!?" Inis na wika Kardo

"Anong masama doon!?Ang masama doon nagkakalat ka ng tae mo!Ang tae mong sobrang baho!ang dumi!Ang baho!baho!Babaho ang kagubatan nang dahil dyan sa tae mo! Ikaw Ang source Kung bakit Babaho ang kagubatan!" Sigaw ni bakla

"Korek!" Sang-ayon ko

"Wow hiyang hiya naman ako,sa inyo" Sarcastic na Sabi ni Kardo

"Aba!dapat kalang mahiya Kardo! Ano nagbagong buhay kana ba Kardo!? Kaya hito ang trabaho mo ang magtae sa buong kagubatan!?" Sigaw ni bakla

"Anong nagbagong buhay!?simula nang isilang ako hanggang sa nakapaglakad ako! tumatae na ako dito!hobby ko na 'to! Kaya wag nyong sabihing nagbagong buhay na ako!dahil hindi ako nagbagong buhay!" Sigaw ni Kardo

"Pwes ngayon!magbagong buhay kana!dahil kung hindi! Sa oras na Makita kanamin ulit na tumatae dito! dina kami magdadalawang isip na habulin ka ng itak!"sigaw ni bakla,kumakain si Kardo ng bayabas

"kadiri ka! Kumakain ka nang hindi pa naghuhugas ng pwet,ew!" umakto pa si baklang nasusuka

"Eh anong paki nyo!?"

"Yaks!" Sigaw namin ni bakla,naglakad na sya, tinignan lang namin sya ni bakla na lalampas samin,at huminto

"Kapag kayong dalawang mangialam sa tuwing tatae ako dito" banta nya samin ni bakla,tinuturo turo nya pa kami, "babatuhin ko kayo ng tae ko!" Sigaw nya samin at umalis na, tinignan pa namin sya hanggang sa dina matanaw

"Lokong Kardo'ng Dollisay! dina nahiya sa sarili" Sabi ni bakla

"Oo nga,babatuhin daw tayo ng tae nya,Loko" sandaling katahimikan.

At nagtawanan(≧▽≦)

Tinuloy na namin ang panguha ng panggatong,pareho kaming may pinasan na kahoy nang pauwi na,nangunguna si bakla

"Aaaahh!hayop kang Kardo ka!" Sigaw ni bakla at nilapag ang kahoy nyang dala

"Bakit bakla!?" Tanong ko

"Huhuhuhuhu!"iyak nya at tinignan ang paa nya at nakaapak sya ng tae ni Kardo!Lokong Kardong yon naglagay ng patibong sa daan

"Bakit kasi dika tumitingin sa dinaraanan mo!" Sabi ko

"Eh pano ko makikita eh nakatakip ng dahon!" Mangiyak ngiyak nyang sabi,humagalpak ako ng tawa

"Hahahahahaha!" Sinamaan nya ako ng tingin "homp!Ang baho!" Sabi ko

"Hoy!wag mo kong iwan dito!" Sigaw nya

"Oo!lilipat lang, no!Bilisan mo na dyan!Ang baho!" Sigaw ko, pinanuod ko syang pinapahid ang paa sa damo,pinagtatawanan ko lang sya(≧▽≦) naka paa lang panaman sya(≧▽≦)

Nanguna ako sa daan at maingat na naglakad,ayoko syang manguna kasi nakaapak sya ng tae(≧▽≦)

Hanggang sa makarating kami sa bahay pinagtatawanan ko parin sya(≧▽≦)

"Ba't ganyan ang mga hitsura nyo?" Taka ni tita "Yong isa umiiyak,yong Isa tawang tawa,anong meron,ha?nag-away na naman ba kayo,Bella?"

Di parin ako nakapagsalita kasi tawang tawa ako,habang si bakla naghugas agad ng paa nya at mangiyak ngiyak

Kalaunan ay nakahinga rin

"Maliligo muna ako-hahahaha!" bumulwak ako nang makita ko si bakla na tapos na at nakatingin sakin ng masama, hinabol nya ako,tumakbo ako sa sala nang tawang tawa

"Ba't ako ang hinahabol mo!?diba dapat si Kardo ang habulin mo!?" Sigaw ko sa kaniya na nagpipigil ng tawa

"Dahil pinagtatawanan mo ako!"

"Hoy! Anong nangyayari sa inyong dalawa,ha!?!" sigaw narin si tita

"Eh Ito kasi eh!" Sumbong ko
"Kung makagalit naman 'to parang ako yong tumae sa daan!" dugtong ko pa,natawa si bakla ng kaunti

"Bakit sinong tumae sa daan,anong nangyari,ha?" Si tita

"Si Kardo naglagay ng patibong,tinaehan nya doon sa daan at naapakan iyon ni bakla" Kwento ko,natawa si tita

"Eh bakit kay Bella ka nagagalit, Rodulfo?" Tanong ni tita kay bakla at nagpipigil ng tawa

"Eh kanina pa nya ako pinagtatawanan,doon pa yon sa gubat hanggang dumating dito,nakakainsulto" nagtatampo

"Eh kahit nga ikaw Kung ako yong nakaapak pagtatawanan mo rin ako" at tuluyan ng tumawa si tita

"Maligo muna kayong dalawa pariho kayong amoy tae" natatawang sabi ni tita, humagalpak naman kami sa tawa

Pagkatapos naming maligo ay kumain na kami

"Sabi ni Kardo kapag daw pinakialaman namin syang tumae ay babatuhin daw nya kami ng tae nya,hahhahaha!" Kwento ko pa at nagtawanan kami

"Pwede ba wag muna kayo magkwento nyan, kadiri! kumakain tayo!" Sigaw ni tita,dina namin matiis ang tawanan

"Oo nga! Grabe ang nakikita ko sa pagkain, tae na!" Sabi naman ni bakla

"Tae ni Kardo-hahahaha!" Dugtong ko at nagtawanan na naman kami

"Ubusin nyo yang kinakain nyo, huwag magsayang,Ang hirap hanapin ang pagkain,di tayo mga mayayaman" Sabi ni tita

"Ano..si bakla kasi..." paninisi ko kay bakla,pero biro lang

"Ako na naman!?" Biglang sigaw nya

"Pwede ba kayong dalawa!" Saway ni tita

"Eto kasi parati nalang akong sinisisi" nagrereklamong bakla

"Hoy Nagbibiro nga lang ako eh" depensa ko

"Wala nang magsasalita,akin ang huling salita" Sabi ni tita at natahimik na kaming lahat hanggang matapos ang pagkain,hanggang sa natulog na kaming lahat.

YSABELLA {COMPLETED}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon