"Nak, o." Napalingon ako kay tatay nang tawagin niya ako at mabilis na ibinaba 'yung sapatos na nililinis ko at mabilis na kinuha 'yung inaabot niya. "Hindi ko alam kung kasya 'yan, 'di ko rin alam kung magkano ang nandiyan."
Pagkabukas ko no'ng iniabot na bankbook ay nanlaki ang mga mata ko at ibinalik 'yun kay tatay, "Tay... sa'n galing 'yan?"
One... hundred thousand?
Pa'no nagkaro'n ng gano'n si tatay? Alam ko namang maliit ang kita sa sapatusan dahil kurakot yata 'yung amo nila tatay, kaya alam ko namang hindi aabot ng ₱100,000 ang ipon ni tatay dahil ang dami rin naming binabayaran sa upa, sa iba pang kailangang bayaran sa bahay. Exempted naman na 'yung tuition ko dahil scholar naman ako.
'Di kaya drug lord 'tong si tatay tapos 'di ko lang alam?
"Ay, hehe. Nagustuhan no'ng isang artista 'yung binili niyang sapatos noon dahil daw pinuri no'ng asawa ng presidente kaya ayan, hiningi 'yung account number ko sa bangko," sagot niya habang pakamot-kamot sa ulo. Napa-buntonghininga na lang ako.
"Tay, hindi mo ba talaga tinignan?"
Umiling siya, "Huling tingin ko bago pa 'yung hiningian ako ng bank account ni Madam Liliane fifty thousand pa laman no'n," sambit niya. "Bakit magka'no ba?"
"One hundred thousand."
"One hundred thousand?!"
Napatango ako dahilan para biglang mapaupo si tatay sa katabi kong upuan bago dahan-dahang binuksan 'yung bankbook at napadasal no'ng nakita na niya dahil pati siya ay hindi rin yata makapaniwala.
"T-tama bang tinanggap ko 'yun nak?" tanong niya, may bahid ng panlulumo ang boses. "Hindi ko kasi talaga alam. Kala ko bibigyan lang ako ng tip. Tsaka 'di ko na rin mahindian, alam mo naman..."
I sighed at napaharap sa kaniya.
"Pera mo 'yan tay. Ikaw gumastos niyan. Ikaw may gawa no'ng sapatos, eh. Wala namang mali na nagustuhan nila 'yung gawa mo," sambit ko at ngumiti. "Kaya huwag mo na ibigay sa'kin 'yan, tay. Ako, kaya ko namang magtrabaho para makapag-aral pa."
Napasimangot si tatay, "Gusto mo ba talagang mag-abogado? Ito na sagot sa'tin, o."
Ngumiti ako, "Tay, sa'yo 'yan. Bili ka ng gamit o anong gusto mo. Bili kang damit, tsaka cellphone mo para naman may iba ka nang gagawin."
Natawa naman si tatay, "Ikaw talaga, Elias. Pasensya na anak ha, hindi ko mabigay 'yung mga gusto mo kahit no'ng bata ka pa. Hayaan mo pag abogado ka na, sigurado ako maraming kukuha sa'yo na mayaman. Ako 'wag mo akong poproblemahin dahil hindi mo naman ako kargado, anak. Kaya ko sarili ko."
Natawa ako, "Kahit ipagtulakan mo ako tay, tutulungan pa rin kita," sambit ko dahilan para matawa naman si tatay at tapikin 'yung balikat ko bago lumabas ng kwarto. Huling sem ko na sa LegMa, buti na lang naitatawid ako ng scholarship ko at trabaho ko sa firm. It wasn't bad juggling with both dahil marami rin naman akong natututunan sa firm bilang paralegal na magagamit ko sa Law school. Ganito yata 'yung tinatawag nilang happy pagod... sounds weird but that's just probably how I could summarize the entire point of this.
Nagpaalam na'ko kay tatay dahil may klase na rin ako. Pagkarating ko sa university, pinatawag ako ng prof dahil may ipapakuha yata sa'king syllabus kaya do'n na'ko dumiretso sa office nila. Hindi naman na'ko kinausap nang matagal no'ng prof namin at lumabas na siya kaagad, habang ako naman inaayos ko 'yung mga papel sa loob ng envelope para hindi magulo.
"Sir Morales?" Napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko 'yung apelyido ko. Hindi ko alam kung ano'ng ire-react ko dahil nagulat din ako no'ng makita ko si Therese Villarama tapos bigla na lang niyang kinuha 'yung envelope sa kamay ko at binitbit. Ano ba'ng nangyayari? Ba't nandito si Therese? Ang pagkakaalam ko PolSci siya kaya magkaiba kami ng building?
BINABASA MO ANG
Wreaking Havoc
Mystère / ThrillerWreaking Havoc | The Wattys 2023 Shortlist To have a normal life-iyon lamang ang tanging hiling ni Therese Eleanor Villarama kasama ang kaniyang kasintahan na si Elias Jeremiah Morales, but a normal life was far from reality lalo na para sa isang an...