Kabanata 7: Snow Globe

194 7 0
                                    

[Phraea's POV]

"Are you okay? Hindi ka ba niya pinagbuhatan ng kamay?"

"Phrey, i'm so sorry if you needed to experience those things."

"You shouldn't have said anything against him."

"I remembered my first time... I was whipped."

"I remembered mine too and I was chained until midnight."

Madami akong bagay na narinig mula kay Evelyn at Rowena nung makabalik na ako ng bahay. Tahimik lang ako at hindi na nag-akmang magsalita.

Yakap-yakap ko ang aking unan habang nag-iisip tungkol sa mga sinabi nina Evelyn at Rowena.

Whipped?
Chained?
Pinagbuhatan ng kamay?
Experience what things?

Hindi ko maintindihan. Kinausap lamang ako ni Garen at hindi niya ako sinaktan. Kapag sinabi ko ba sa kanila ang nangyari ay magugulat kaya sila?

I don't know what that monster was thinking. He hesitated to hurt me and even punched the wall instead of my face.

'I'll make you mine soon, Phraea.'

Hindi ko maiwasang mangilabot at mandiri nung maalala ang kanyang sinabi lalo na't malapit na niya akong halikan kanina. I rather stitch my own lips than be kissed by him.

.

"You must be traumatized for what happened last night. Huwag kang mag-alala, nandito lang kami para sayo, Phrey." Niyakap ako ni Evelyn at tahimik lang akong hinayaan siya.

Swerte ba ako? Swerte ba ako na hindi ko napagdaanan ang mga napagdaanan nila nung una silang pumasok sa mansyon? Or should I pray for the worst that is yet to come?

Kumalabog ang dibdib ko nung marinig na ang warning signal. Ang tunog na iyun ay tiyak na magiging bangungot para sa akin habang buhay.

"Good morning, Master." Halos pabulong na bati ko kasama sina Evelyn at Rowena.

"Good morning." Dire-diretso lang siyang umupo sa harapan ko at nung nagsimula na kaming kumain ay ramdam ko ang kanyang mga pagtitig sa akin.

Unti-unti kong tinaas ang aking mga mata at nakitang hindi niya masyadong ginagalaw ang kanyang pagkain. Nakatingin siya sa akin nang makahulugan na parang may gusto siyang sabihin sa akin. Tumikhim siya at inabala na ang kanyang sarili sa pagkain nung tumingin si Rowena sa gawi niya.

"Wanna go out on a date with me?" Naghiyawan ang mga kaibigan namin at hindi ko naman maiwasang magpakawala ng malapad na ngiti.

He took my hand and he gently caressed it. I looked at him and his eyes are genuinely waiting for my answer.

"Sure... when?"

"Ayownn!"

"New couple of the year!"

"Athlete and honor student, best couple!"

He intertwined our hands and he pulled me out of the cafeteria with a smile.

"Mas tahimik dito... hindi ba?"

"Oo," tipid kong sagot habang nakaupo sa tabi niya. Tahimik nga... dahil siguro sa contest na nagaganap sa gym at karamihan din sa mga estudyante ay nasa cafeteria.

"Buti na lang at hindi nila tayo napansin."

"Kung napansin man ay tiyak kong pipigilan nila tayo... lalo na yung Kuya mo."

Alam kong botong-boto sa kanya si Kuya. Nung nalaman nga ni Kuya na crush ko si Almer ay hindi naabutan ng isang araw ay alam na agad ng buong school tungkol sa nararamdaman ko sa kanya.

"Hindi pa rin ako makapaniwala." Napangiti ako habang nakatitig sa kanyang mukha. Natatawa niyang kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likuran ng aking palad.

"Huwag kang mag-alala, Chels. I'll make you feel every single day that all of these are real. Po-protektahan kita at mamahalin araw-araw."

Naimulat ko ang aking mga mata. Bumangon ako at inilibot ang mga tingin. Napadapo ang mga mata ko sa bintana at napatulo ang mga luha ko nung makita ang dalampasigan mula roon.

I missed him... I missed Almer so much. Please don't lose hope, love, find me. Keep searching for me please... kayo ni Kuya at nina Mommy. Ayokong manatili rito hanggang sa huling hininga ko. Ayokong mabulok sa isla na 'to lalo na sa mga kamay ng isang baliw.

God, I also pray. I ask for your mercy and forgiveness for things that I have committed against your will. Please, guide me as I strive for another day in this island. Help me to survive, Lord.

"Ano ba yung totoong nangyari kagabi, Phraea?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong sa akin ni Rowena pero kagat-labi lang akong yumuko.

I don't want to tell them about what happened last night... how I talked to Garen. Both of them like that monster and would even kneel before him as their savior. I bet they won't like to hear that Garen didn't mistreated me.

"If you don't want to tell us, that's okay." Umupo siya sa harap ko at nag-aalalang hinawakan ang aking mga kamay. "Pero kung may kailangan ka ng masasandalan, nandito lang kami."

"But I bet something is wrong with Garen." Napatingin kami kay Evelyn nung magsalita siya habang nagwawalis sa salas.

"What do you mean?" I asked.

"His eyes earlier... they looked so odd. As if he's disturbed and something unexplainable is running through his mind."

"Baka sa trabaho. Alam mo namang ilang bansa ang kailangan niyang puntahan sa buwan na ito." Kibit-balikat na sagot ni Rowena.

Nagkatinginan kaming tatlo nung may kumatok sa pinto. It would be impossible if it's Garen, there is no warning signal.

"Pinapabigay ni Boss." Dinig ko ang boses ng isang tauhan ni Garen at may mga bagay siyang inabot kay Evelyn bago sinarado ang pinto.

"Nandito na yung mga pasalubong natin!"

I suddenly got curious to see if Garen really took some snow for me.

"Heto yung sayo, Phraea." Nakaawang ang mga labing tinanggap ko ang snow globe na inabot sa akin ni Evelyn.

Maliit lang siya at sa loob ng snow globe ay may parang estatwa ng isang babae na nakasuot ng kulay pulang jacket at gloves. Nakabuklat ang mga palad nito na parang sinasalo niya ang mga snowflakes.

Napakunot ang noo ko nung makaramdam ng papel sa ilalim ng snow globe. Kinuha ko iyun at binuklat.

Do you see the lady in the snow globe? It's actually you. A lady with a blonde hair, deep blue eyes and an unruffled smile.

I would also like to ask for apologies for my behavior last night. I promise I won't hurt nor mistreat you again.

Smile for me, Phraea. I hope you love my gift.

Island of InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon