[Phraea's POV]
Bigla na lang akong binalutan ng takot kaya dali-dali na akong bumalik sa kakahuyan habang bitbit ang hagdan.
"Natagalan ka yata," ani Rowena habang binibilang ang mga nakuhang prutas namin.
"K-kinausap ko lang si Paige." Hindi ako makatingin nang diretsahan sa mga mata niya dahil sa guilt. Guilty ako dahil malaki ang chansa na makakaalis ako at sila hindi... mabubulok sila rito sa isla. Naging malapit na ako sa kanila and it sucks that they can't get the same freedom i'll have.
"72 atis in all." Tumango ako bago ko siya tinulungan na itabi ang malaking basket na puno ng atis.
Tahimik kaming tatlo at baka masuspetsahan nila ako dahil sa aking pananahimik.
"W-what should we do with these?" Tumikhim ako at agad kong nakuha ang kanilang atensyon.
"Bring to the mansion and we'll consume the rest." Kinuha niya ang hagdan na dala ko para kunin ang mga santol na nasa taas na parte na ng kahoy.
Tumingin ako sa gilid ko at mabilis na napaatras sa gulat dahil nakatayo roon si Evelyn na nakatitig sa akin.
"N-nandiyan ka pala." Yumuko na ako at nilagpasan siya.
"Ang galing mo talaga sa pagkukunwari. Sabihin mo mga, Phraea, may nangyari na ba sa inyo ni Garen?" I was too stunned to speak because of what she said. Hindi ako makaharap sa kanya.
"So hindi ka magsasalita? Narinig ko ang pag-uusap ninyo ni Garen. Paige is his kid and he will free you from this island in exchange of being Paige's Mom. Have I heard it right, Phraea?" Nakatulala lang ako pero ang dibdib ko ay nagwawala sa sobrang kaba at tensyon.
"Totoo ba 'yan?" Tumingin ako kay Rowena nung magtanong siya. Puno ng pagdududa ang kanyang mga mata habang pababa siya sa hagdan.
"Ask her, go ahead. Kung magsalita parang inosente but the truth is, she's selfish. Getting all the freedom to herself. She's taking advantage of Garen dahil alam niyang paborito siya nito." Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng boses niya.
She heard it all. Maybe she followed me earlier kaya narinig niya lahat ng pag-uusap namin.
"Yes, he'll free me sooner or later and no, hindi kayo kasama. 'Yan naman ang gusto niyo diba? Ang mabulok sa islang 'to kasama si Garen. Staying here is already freedom to the both of you since you don't have any meaningful life outside. Ano pa ang pinuputok ng butsi mo?!" Sinamaan niya ako ng tingin nung magtama ang aming mga mata pero hindi ako natinag. She thinks she can intimidate me? Huh, she's so wrong.
"She's right, Evelyn. We shouldn't leave this island. We don't have meaningful and perfect lives out there anyway." Base sa tono ng pananalita ni Rowena, alam kong nainsulto siya dahil sa sinabi ko at bigla naman akong tinubuan ng konsensya dahil doon.
"Rowena, t-that's not what I m–"
"No, no, you're right. Absolutely right!" Nginitian niya ako nang peke bago nilagpasan habang bitbit ang malaking basket na naglalaman ng lanzones.
"Sobrang saya mo siguro noh? Na makakaalis ka habang kami mabubulok dito. Nakuha mo rin ang puso ni Garen. Naks naman! Ano lucky charm mo? Pa-share naman para madagdagan ang kalandiang taglay ko." Hinarap ako ni Evelyn nung makaalis na si Rowena.
Kita ang galit sa kanyang mga mata. Ano ba ang ikagagalit nito? Ang aalis ako o ang pagtrato ni Garen sa akin?
"Kung tinulungan niyo sana ako ay makakaalis ka rin. You were against my idea of escaping in the very first place! Ba't ka ngayon galit? Mahal mo naman ang islang 'to, hindi ba?" Hindi na siya umimik pero hindi pa rin kumukupas ang galit sa kanyang mga mata. Nakakuyom ang kanyang magkabilang palad na parang pinipigilan niya ang sarili na sugudin ako.
Tumalikod na ako para sundan si Rowena. Ayos lang sa akin na galit si Evelyn pero hindi ko kaya na ganoon din ang nararamdaman ni Rowena. She's my friend after all. Ever since day one, she was real to me.
"Aray, anu ba!" Napasigaw ako at napadaing nung may humila sa buhok ko. Bwisit na Evelyn!
"You're such a bitch. Just what I thought when you came into this island! You stole him from me! Ako ang pipiliin niya kung hindi ka lang sana dumating!"
Halos matumba na ako sa lakas ng pagsabunot niya sa aking buhok. Mabuti na lang at naka-balance ako. Inabot ko ang kanyang buhok at nung magtagumpay ako ay siya naman ang napasigaw sa sakit.
Nung humigpit ang paghila ko sa kanyang buhok ay mas dumoble pa ang lakas niya. Ramdam ko ang pag-init ng anit ko na parang konti na lang mawawalan na ako ng buhok.
Binitawan ng isa kong kamay ang buhok niya at binigyan ko siya ng mabigat na sampal dahilan para mapaatras siya, at sa wakas ay nakawala ako mula sa kanyang sabunot.
"Kaya nga aalis ako, diba?! Dapat nga matuwa ka pa, e! Maso-solo mo si Garen!"
"Maso-solo?" Tanong niya at malakas na napatawa. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko at napahawak siya sa magkabilang tuhod niya sa lakas ng kanyang pagtawa.
"He stopped making out with me! Kahit si Rowena ay ayaw niyang halikan dahil sayo! He fell for you, Phraea. You call him monster but I always hear him in his sleep, calling you love." Hindi ako makahinga sa rebelasyong isinuwalat.
Fell for me? But how?
"Kung aalis ka, expect him to leave this island just to see you. Anong pagso-solo ba ang ibig mong sabihin?" Hindi ako makasagot. Nananatili lang akong nakatulala sa kanya habang prinoproseso ang kanyang mga sinabi.
"The only way we could make him forget about you... is having you dead!" Sigaw niya at nanlaki ang mga mata ko dahil sa ibig sabihin ng kanyang sinigaw. Tumakbo siya nang mabilis papunta sa pwesto ko at hindi ako makaalis sa kinatatayuan para umiwas.
Malapit na niya ako sanang mahuli hanggang sa napatalon ako nung makarinig ng putok ng baril at bumungad sa akin ang nakahandusay na si Evelyn. Nakabukas ang mga mata at baba habang duguan ang parte ng dibdib nito.
BINABASA MO ANG
Island of Insanity
Mystery / Thriller[COMPLETED] Phraea Chelsey Bautista has always been the top in her class and every professors' favorite. She has both beauty and brains, and everything a girl would dream to possess but her life is not entirely perfect. No one deeply cares for her...