Kabanata 29: I'll Court You

106 4 2
                                    

[Phraea's POV]

Napatingin ako sa relos ko. Alas sinco na pala. Tumayo ako matapos kong ubusin ang kape ko.

"Ma'am, aalis ka na po?"

"Ah, o-oo. I need to fetch my daughter. Uwian na kasi nila." Nagulat ako nung harangan ako ng isa sa mga waiter na naroroon.

"Pinapasabi kasi ni Garen na gusto ka raw niyang makausap. Maghintay ka na lang po, Ma'am. Matatapos din 'yun sa trabaho maya-maya."

Tumingin ako sa pinto kung saan pumapasok ang mga staff bago bumuntong hininga at bumalik na sa pagkakaupo.

"Tell him that I only have five minutes to wait."

"Thank you so much, Ma'am." Bahagya itong yumuko sa akin bago umalis na at inaccomodate ang mga nagsidatingang costumers.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Paige na baka mahuhuli ako ng dating, but I strictly did not mention anything about his Father.

Hindi pa nakakalimang minuto ay napatayo ako nung makita si Garen na pawisang lumabas at basa ang dulo ng damit nito.

"Please, sit down,"  he coldly said while gesturing to my seat. Walang imik akong umupo muli at binaba ang tingin sa mesa nung makaupo na siya sa harapan ko.

"Mukhang nagmamadali ka yatang umalis. Nakita mo siguro na umalis din si Tony. May balak kang sundan siya?" Hindi ko maiwasang mapakunot-noo dahil sa akusasyon niya.

"Uwian na ni Paige. I need to fetch her and why are we talking about Tony? Ni hindi ko nga namalayan na umalis na siya." Sumandal siya at tahimik na napahalukipkip nung makitang naiirita ako. Nagsalubong ang kilay ko dahil doon at mas nadagdagan pa lalo ang inis ko.

"Kung wala ka namang ibang sasabihin, aalis na ako." Nung umamba akong tumayo ay mabilis naman siyang napaayos ng upo at hinawakan ako sa braso para pigilan ang pag-alis ko.

Agad na naagaw ng mga bandages sa likuran ng kamay niya ang atensyon ko. Napakunot ang noo at akmang hahawakan ko na sana pero mabilis niyang binawi iyun at tinago sa ilalim ng mesa.

"D-don't leave yet. Let's talk for a while." Napalunok siya at umamo ang kanyang mukha.

"What happened to your hand?"

"I accidentally got burn. Parte ng trabaho, hindi maiiwasan." Tahimik lang akong tumango bago umupo. Hindi ko alam kung ilang beses na akong paulit-ulit na umuupo.

"I-i... ahm..." tumikhim ito at nakaawang ang labi na parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.

"I still need to fetch Paige. Sabihin mo na kung ano man 'yun."

He pursed his lips before taking a deep breath. I can't help but raise my eyebrow and hide a smirk when I noticed that he's trembling.

"I-i... want... I want to take you on a... date."

"A-a date?" Now, it's my turn to be speechless. It was unexpected. The most ruthless man that I ever knew is asking me out on a date.

"Yes, a date. Just you and me. It's a thing that couples do. Like eating in a fancy restaurant, watching a movie, and other romantic stuff." I chuckled after seeing how serious he is to go out on a date with me. Iniwas niya ang kanyang mukha at namula nung marinig ang bahagya kong pagtawa.

"But we are not a couple." I teased him.

"T-that's why I decided that i'll court you. Liligawan kita, Phraea." Napapalunok siya habang malalim na nakatitig sa mga mata ko. I saw fear in his eyes, afraid of what my response would be.

"G-garen...uhm..."

I want to say something. Nung binuka ko na ang bibig ko ay wala ni isang kataga ang lumabas. Nakita ko ang bahagyang paglaglag ng balikat niya at mas lalo siyang natakot sa reaksyon ko.

"I-it's Paige..." Dalawang salita lang ang nakayanan kong sabihin pero agad naman niyang nakuha ang nais kong iparating.

He pursed his lips and nodded before leaning on the backrest of his chair. Humalukipkip siya at bumaba ang tingin sa sahig na parang sobrang lalim ng kanyang iniisip.

"I'll court her too. I want to gain my daughter's trust again."

"Paano... mo magagawa 'yun? Sabi mo hindi ka muna magpapakilala."

"Yeah, but I have no choice. I want to court you as soon as possible, Phraea. I could still remember saying that i'll make you mine, and now I have the chance. I'm not letting it slip away."

.

"Are you okay, My?" Napakurap ako nung marinig ang boses ni Paige. Napalunok ako at mas pinag-igihan ang pagmamaneho.

"Y-yeah, medyo nahihilo lang. Nasobrahan siguro sa kape."

"Kailan ka babalik ng trabaho?"

"I still have two weeks. Why? Do you have any plans? Gusto mo bang manuod ng sine?"

"I want too, pero masyadong busy sa school. I thought makakapag-bonding na tayo kaso tuwing free ang schedule mo, ako naman ang parating busy." I saw her pout through the rear mirror. I couldn't help but chuckling. She really is my second version.

"Uhm... My?"

"Yes, Paige?"

"Don't you have any plans to date?" Napakurap ako sa tanong niya. It's the first time she asked me such question.

"B-ba't mo naman napatanong 'yan?"

"You're not seeing anyone."

"I just don't want to. It's my choice."

"Really? Or you actually like someone right now pero ayaw mo kasi ako 'yung inaalala mo."

"What?!"

"Seriously, My. It's fine with me. You can date anyone, anyone! Anyone except for my teachers. I want to see you happy."

"Well, I am happy and I don't like anyone right now–" May kung anong pumigil sa 'kin at hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko at naging dahilan iyun para mag-assume si Paige ng kung ano.

"Hmm? Really? Come on, tell me about it, Mom! Do you actually like someone right now? Sino?"

It's your Father.

Itinikom ko na lang bibig ko at nung mapansin ni Paige ang pananahimik ko ay hindi na siya nagtanong pa.

Nung matapos kong mai-park ang sasakyan ko sa harap ng bahay ay mariin akong pumikit nung maalala ang sinabi ni Garen kanina.

"I have always loved you, Phraea... until now. It's scary, i'm so scared and i've never been this scared my entire life. It's scary cause I don't know when to stop. I beg of you, please give me a chance.
I am at your disposal, Phraea, cause I have become a monster who only fears of losing you."

Island of InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon