Kabanata 15: Paige

164 3 0
                                    

[Phraea's POV]

Pagpasok ko ng bahay ay agad akong dumirestso ng banyo at binasa ang buong mukha ko ng malamig na tubig.

This is insane! I couldn't believe myself. Pumatol ako sa kanya... sa isang halimaw!

Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Namumula ang magkabilang pisngi ko at nanginginig ang mga labi ko na sobrang pula rin.

"Ano ang nangyari sayo, Phraea?" Narinig ko ang mga yapak ni Evelyn sa bunganga ng pinto.

Hindi ako sumagot at nananatili ang mga titig ko sa salamin. Pumasok sa isip ko ang mga labi ni Garen, ang makisig niyang mga braso, at makalaglag panga niyang mga mata.

Marahan akong umiling para itakwil ang mga ideyang iyun mula sa aking utak.

"Hey, Phraea. Ano ang nangyari? Nasaan ang bata?" Ang boses ni Rowena ang sunod kong narinig kaya dali-dali akong naghilamos muli bago umalis ng banyo at nilagpasan sila para dumiretso ng salas.

"Ano ang ginawa ni Garen sayo, Phraea?" Nag-aalalang tanong ni Rowena bago umupo sa tabi ko sa sofa. Nakayuko ako at nakahawak ang mga kamay ko sa noo habang nakapatong ang mga siko sa tuhod.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nung naramdaman ang panginginig ng mga tuhod ko.

"Phraea, we're asking you."

"Please guys, I don't want to talk about this. I need... time." Hirap na hirap kong banggit na parang nauubusan ako ng hininga.

"Okay... fine but we just want you to know that we're here. You only have us in this island." Tumango ako sa saad ni Evelyn bago sila pumunta ni Rowena ng kusina.

Mariin akong pumikit nung sariwa pa rin sa utak ko ang katangahang ginawa ko. Fuck! I hated Evelyn and Rowena for giving in to Garen but here I am, also a whore. May boyfriend ako at ayaw ko sa kagaya ni Garen pero tangina! Malapit na akong bumigay kanina.

Top-notcher ako sa entrance exam ng university namin, Dean's Lister din at quiz bee master pero sobrang gaga ko. How could I get deceived by his lips?

Napatayo ako nung bumukas ang pinto. Natigilan ako sa kinatatayuan ko nung pumasok ang bata na halos patayin kanina ni Garen na hindi nagdadalawang-isip. Sa likod ng bata ay pumasok din ang tauhan ni Garen na siyang kausap ko kanina sa loob ng mansion.

"The girl will stay here. Ikaw ang nagpumilit na huwag siyang patayin kaya dapat mong saluhin ang responsibilidad na iyun."

Lumabas sina Evelyn at Rowena mula sa kusina nung makarinig ng boses. Tumingin ang tauhan ni Garen sa kanila bago niya nilipat ang kanyang tingin sa akin.

"Take care of the child like your own. The boss won't give any of her necessities, so you need to share what's yours in order for her to survive. I hope that sounds fair to you." Tumango ako at bumaba ang tingin ko sa batang babae na nakayuko. Nanginginig ang kanyang mga daliri na mukhang takot pa rin siya. Well, who wouldn't? She must have been traumatized.

Umalis na ang lalaki at agad ko namang nilapitan ang batang babae.

"Ayos ka lang ba?" Pinantayan ko ang kanyang katangkaran at hinawi ang iilang hibla ng kanyang buhok para makita nang buo ang mukha niya.

She has a cute mole under her right eye, her skin is pale as milk, her lips is so pinkish and thin. Sobrang payat niya pero hindi ko makakaila na sobrang ganda niya.

"She looks so fragile."

"Yeah, like Phraea."

Unti-unting umangat ang tingin sa akin ng bata at nangingilid ang kanyang mga luha. Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit at umiyak siya sa balikat ko.

It breaks my heart hearing a child's cry. She must be so afraid, she doesn't have her parents and she almost lost her life.

"Shh, nandito na si Ate Phraea. You don't need to be afraid of anything, nandito ako. Aalagaan kita," napasinghot ako at hinimas ang likod niya.

It was just one hug from the child but I feel like i'm ready to risk everything for her. Her presence felt precious to my heart.

"Papaliguan kita para maging malinis ka tingnan, ayos lang ba 'yun?" Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya. Inobserbahan ko ang kanyang mga mata at ang takot na nakita ko kanina ay unti-unting lumalaho.

Hindi niya binuka ang kanyang bibig at tumango lang siya. I pity her and I want to be there for her. I saved her and it is my responsibility to protect her... at all times.

Pinaliguan ko siya. Sobrang lamig ng tubig na makikita ko na nanginginig ang kanyang mga braso pero hindi siya nagreklamo. Hinayaan niya akong linisin ang katawan niya na parang pinagkakatiwala niya sa akin ang sarili niya.

"A beautiful girl needs proper clothes." Ngumiti ako sa kanya pero wala siyang reaksyon.

Tahimik lang siya habang sinusuotan ko siya ng floral dress na binigay sa akin ni Garen. Malaki iyun para sa maliit niyang katawan kaya ang ginawa ko ay tinali ko ang dulo ng dress para maging mukhang sakto ang size ng damit.

"I promise to take care of you. Kung ano man ang nangyari kanina, sisiguraduhin kong hindi na muli iyun mangyayari." Hinawi ko ang basa niyang buhok at hindi ko talaga maiwasang mapatitig sa kabuuan ng mukha niya. She kinda looks familiar. Her pale skin and beautiful lip reminds me of my younger self.

"Can I know your name?"

"P-paige po."

"Nice name you got there." Hindi ko alam. Sa simpleng sagot niya ay napangiti ako nang sobra.

Lumabas kami ng kwarto ko at hindi na ako nagulat nung makita si Evelyn at Rowena na nakaabang sa amin.

Pinakilala ko si Paige sa kanila at aliw na aliw sila sa kagandahang taglay ni Paige.

Nung maghapunan na ay pinagsalo ko si Paige sa pagkaing nakaparte para sa akin. Halos hindi na nga ako makakain dahil nalibang ako sa pagsusubo sa kanya.

"She's really beautiful. Hindi ako makapaniwala na lumaking mahirap siya. Worse pa ay pinapagawa siya ng mga illegal na bagay." Namamangha ang mga mata ni Evelyn at titig na titig kay Paige. Halos hindi na rin ito makakain dahil sa panonood sa bata.

"Her skin looks so flawless parang alagang-alaga. Where is your Mother, Paige?"

"Iniwan niya kami ni Papa. He said, my Mother will just show up one day."

Nagulat kami dahil sa kagalingan nitong magsalita ng english. Siya lang ang batang kalye na kilala ko na sobrang fluent kung magsalita ng english.

"Where did you learn to speak english?" Evelyn asked her.

"Sa mga kliyente ni Tita Barbara," nakayukong sagot niya habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.

Napalunok ako at nagkatinginan kami ng mga kasama ko. Kliyente... alam namin kung anong kliyente ang mga taong 'yun.

Shit! I can't be more upset on what is happening to the world. An innocent child, gosh! Buti na lang at naisipan kong iligtas siya kahit na isinaalang-alang ko ang buhay ko.

Island of InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon