Kabanata 16: Harvesting

157 6 0
                                    

[Phraea's POV]

"Please, Paige, you need to eat." Pakikiusap ko sa kanya. Nakaupo siya sa kama ko at yakap-yakap ang kanyang mga tuhod. Napapalunok akong luminga sa pinto ng kwarto para malaman kung dumating na si Garen.

Iniling ni Paige ang kanyang ulo. She knows that Garen is coming for breakfast that's why she's so scared. The frightening bell from the mansion keeps ringing and I know that any minute from now, Garen will come. Lagot ako kapag wala pa ako sa dining bago siya dumating.

Kailangan kong pilitin na sumama si Paige sa akin or else, hindi siya makakakain. Garen hate left-overs, so I need to make her join us.

"Alam kong gutom ka, Paige. Kailangan mong kumain."

"P-papatayin niya ako, ate." Hagulgol niya at natigilan ako nung tumangla siya sa akin at basang-basa ang buong mukha niya dahil sa luhang bumubuhos mula sa kanyang mga mata. Mabilis ko siyang niyakap at pinatahan. "No, no, he won't dare to threaten your life again. Poprotektahan kita, hindi ko hahayaan na saktan ka niya. Kailangan mo lang magtiwala sa 'kin."

Nung pumasok si Garen ay agad kong naramdaman si Paige sa tabi ko na yumuko. Mahigpit niyang hinawakan ang damit ko kaya marahan kong hinawakan ang nanlalamig niyang mga kamay.

"Good morning, Master." We greeted him and when my eyes laid on his, I immediately looked away.

Bumaba ang tingin ni Garen sa batang nasa tabi ko. Sinulyapan ko siya para makita ko ang reaksyon niya pero wala, his eyes were unreadable.

"Today is the perfect time for harvesting. I need all of you to be prepared after eating. Am I clear?"

"Yes, Master." Sumagot din ako kahit wala ako ni katiting na ideya kung anong harvesting ang sinasabi niya.

Hindi ako makatulog kagabi dahil paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang mukha niya na ubod ng temptasyon. Hindi ko rin maiwasang mapaisip sa paraan ng pagtrato niya kagabi sa akin. He treated me with care and it is something I never experienced with my family nor with my lover.

His doings are insane and sinful but the way he talks about his principles, I know there is something pure hidden deep within him. I badly want... to get it out.

Mabilis siyang natapos sa pagkain kaya sa mga oras na natira ay nakahalukipkip siya habang pinagmamasdan kami; ako at si Paige. Sinusuri niya kami and it's making me uncomfortable. Hindi ko masubo nang maayos ang pagkain.

Napalunok ako at inabala ang sarili sa pagpapakain kay Paige. Kahit na katabi niya ako ay hindi pa rin nawawala ang takot sa mga mata niya.

Tumayo na kaming lahat matapos kaming kumain para magpaalam kay Garen.

"Ayokong isama ninyo ang bata mamaya sa harvesting. Iwan ninyo siya rito kung ayaw niyong sumunod, alam niyo na kung ano ang mangyayari." He keeps talking niyo but we all know that he's only referring to me.

Napabuga ako ng hangin nung sa wakas ay nakaalis na siya. Parang binunutan ako ng tinik. Tumingin ako kay Paige at mukhang nag-aalala siya. "Pabigat ba ako sayo, ate?" Maiyak-iyak na tanong niya na agad kong ikinailing.

"No, no, you're not a burden. Huwag kang mag-isip ng ganyan," sabi ko pero hindi mawala ang pag-alala sa mukha niya.

"Mamaya, aalis kami. Maiiwan kang mag-isa rito. I know you're scared pero wala tayong magagawa. Kailangan mo lang magtiwala na hindi ka sasaktan ni Garen, he made a promise that he won't hurt you. You'll be safe here, okay?" She obediently nod her head while staring into my eyes.

Kahit nagdadalawang-isip ako na iwan si Paige rito na mag-isa ay wala naman akong magagawa. I just need to trust Garen's words, 'yun lang ang bagay na magagawa ko.

Nung maghapon ay lumabas na kami. Iniwan ko si Paige na nakatago sa ilalim ng kumot dahil sa takot niya.

"What are we harvesting?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta ng gubat na may dala-dalang basket. Mabuti at hindi na kami sinundan pa ng mga tauhan ni Garen.

"Fruits. The land here is quite abundant. The forest's soil here is fruitful especially in the middle." It seems like both of them have done this couple times.

Madaming tanim ang naroroon nung huminto sina Evelyn at Rowena. May mga saging, atis, santol, passion fruit, mangga, at lanzones.

May pinadala sa amin na mahahabang kahoy para gamitin namin sa pag-ani ng mga prutas.

"Kahapon... anong nangyari, Phraea?" Tanong ni Rowena habang nagtutulungan kami sa pagkuha ng mga atis. Napalunok ako at nag-atubili kung kailangan ko bang sabihin sa kanya ang nangyayari... ang katangahan ko.

"G-garen threatened me. It was my fault actually, hindi ko napigilan ang bibig ko." I lied.

"It's a good sign that you're still alive. A lot of women in the past got shot before they could even open their mouths." Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako sa sinabi niya.

Habang namimitas kami ng mga prutas ay hindi ko maiwasang mapalingon. I'm bothered about Paige's safety.

"You think Garen won't really hurt her?"

"Sinabihan mo si Paige na magtiwala sa pangako ni Garen pero heto ka, nagdududa." Napatahimik ko sa saad ni Evelyn.

She's right. Maybe I should stop being a paranoid, it won't do us any good.

I tried to calm my nerves as I distract myself by helping Rowena and Evelyn. Halos mangalay na ang leeg ko sa kakatangla. Sobrang taas ng puno ng santol. Hindi sapat ang dalawang metrong stick.

"Wala ba kayong hagdan na ginagamit dito?"

Shit, ang init.

Napayuko ako nung hindi ko na mainda ang init. Fuck this life! Hindi ako nagpakahirap sa pag-aaral para lang maging mangunguma ng isang baliw.

"Sheez, nakalimutan ko. Meron doon sa bahay. Pwede mo bang kunin, Phraea? Para may rason ka rin to check up on Paige." Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis akong tumakbo pabalik sa bahay.

Good thing they left the ladder.

Nawala ang kaba ko nung hindi ko mamataan ang mga tauhan ni Garen. Maybe they really did left Paige alone.

Natigilan ako sa may pinto nung makarinig ng pag-uusap mula sa loob. Napakunot ang noo ko nung makilala ang isang boses na pag-aari ni Paige.

"I didn't mean what happened. I'm sorry, were you hurt?" Hindi ako pwedeng magkamali, boses iyun ni Garen.

"I'm fine. Ate Phraea took care of me... she feels like Mom."

"Because she really does look like your Mom."

"I don't want Mom anymore, I need Ate Phraea." Napalunok ako nung maramdaman ang pagtunaw ng puso ko pero hindi ako makapaniwala. Garen said sorry to her? Hindi ba ako nag-iilusyon?

"Then be good to her, alright?"

"I will like I always do... Dad."

Island of InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon