Kabanata 30: Must Be Punish

115 3 0
                                    

[Phraea's POV]

Hindi matanggal sa isip ko ang mga sinabi ni Garen. I was wide awake all night, thinking. Kasi sa totoo lang, mahal ko siya. I tried to deny it multiple times to myself that he is impossible to love when the truth is, I already fell.

Garen cared for me so much, more than he should. Kahit noong sa isla kami, hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay, and I never felt more than safe. I want to have him as my family, I want him to be with us... pero natatakot ako, natatakot ako sa hindi malamang dahilan.

Matapos kong maihatid si Paige sa school nila ay dumaan ako sa café na pinagtatrabahuan ni Garen. Kumunot ang noo ko nung hindi ko siya masilayan mula sa sasakyan ko.

Nag-U turn ako at pinark ang sasakyan sa harap ng café bago bumaba. I saw Tony cleaning the glass wall. Nung maramdaman niya ako ay tipid na tango lang ang kanyang binigay sa akin.

"Si Garen?" Tanong ko.

"Day-off niya po, Ma'am, ngayon." Napakurap ako sa sagot niya.

"Do you have any idea kung nasaan siya ngayon?"

"In his apartment."

"May address ka?" Tumigil siya sa paglilinis bago ako hinarap. Napatikom ako ng bibig nung ma-realize ko that I sounded so desperate.

"Teka lang, kukuha lang ako ng papel sa loob." Akala ko tatanggi siya.

Pumasok siya sa loob habang nanatili naman ako sa labas. His apartment? I wonder what his place looks like.

"Bautista," napaangat ako ng tingin at otomatikong napataas ang kilay ko nung makita si Rafa na naglalakad papalapit. He's wearing his usual black cowboy hat with a golden star on the front side.

"Come on, Rafa–"

"Yes, yes, you still have few more days. Got it." Tinaas niya ang magkabilang kamay na parang alam na niya ang gusto kong sabihin.

I crossed my arms and looked at him seriously. "Then, why are you here?"

"I'm here for the coffee, not for you." Ngisi niya na ikinasimangot ko.

"But right after your break is over, there's a huge mission waiting for you, Bautista." Unti-unti siyang nagseryoso.

"Huge? What do you mean?"

"You'll know it soon, unless you want to go back to work now." I rolled my eyes before glancing inside the café. Tony is talking to their manager but I could see that he's holding a paper now.

"Pero ang alam ko ay sa ibang bansa ka madedestino. Around Georgia or Russia." Napakurap ako sa sinabi niya. It'll be my first time to go on a mission overseas kung ganoon. Ever since naging Spy Agent ako ay maliliit lang na kaso ang hinahawakan ko.

"I still lack experience."

"You're not going there alone. You'll be teaming up with Agent Vancouver."

"Seriously–"

Agad akong lumingon sa entrance ng café nung marinig ang pagtunog ng windchime. Tony looked at me and then, at Rafa.

"Does Garen know you have a boyfriend?" Namilog ang mga mata ko sa tanong niya.

"N-no, no, you're mistaken. Rafa is not my boyfriend, he's a friend from work." Sumulyap ako kay Rafa na nakataas ang kilay.

"Who's Garen?–"

"Ito na ba 'yung address, Tony?" Kinuha ko ang papel sa kanyang kamay at nakitang may address doon na nakasulat. "Sige, salamat. Rafa, mauna na ako."

.

It's not bad. His apartment is not that bad like what I expect. The exterior is just average and the kind of two-storey apartment you would see anywhere. Walls are painted in pale yellow, there are people outside talking with kids running around. May mga sinampay din malapit sa nakabukas na gate.

Pumasok ako at agad na natigilan ang mga taong nag-uusap nung makita ako. They looked at me from head-to-toe curiously.

"Good afternoon. Magtatanong lang ako kung may kakilala kayong Garen na nakatira rito?"

Napakurap ang isang matanda na medyo may katabaan at nakasuot ng duster. "Si Garen ba ang hanap mo, iha? Nasa taas ang kwarto nun. Ang pinto sa may pinakadulo." I gave her a sweet smile and nodded. "Thank you."

Pagkaakyat ko sa second floor ng apartment ay napakunot ang noo ko dahil sa katahimikan. Walang tao sa hallway kumpara sa first floor.

Every floor, there are six units. I started walking and saw that every doors were locked... maliban na lang sa pinakadulo.

I took a deep breath and sighed. Tinaas ko ang kamay ko para kumatok pero tinulak ko na lang ang pinto nung mapagtantong bahagya itong nakabukas.

I gasped and froze after seeing the living room. It's a mess. There were magazines and crumpled paper everywhere. The walls are covered with maroon paint and looks unfinished. The pillows on the sofa are torn.

Unti-unting bumaba ang tingin ko sa sahig at napatakip ako ng aking bibig nung makita ang carpet na puno ng preskang dugo.

Napatalon ako sa gulat nung makarinig ng daig at isang malaking hampas. Napatingin ako sa pinto sa malapit sa kusina kung saan nanggagaling ang tunog.

The groan and the sound of whipping continued as I approach the door. Everytime I would hear the groan, I flinched.

Napalunok ako habang nakatitig sa doorknob. Alam ko kung ano ang nasa loob at natatakot ako. Natatakot ako na malamang hindi talaga nagbago si Garen, that he is still capable of ending someone's life.

Humugot ako nang malalim na hininga at matapang na binuksan ang pinto.

I was broken after seeing the scene. Mabilis akong gumalaw at inagaw ang latigo sa kanya na umiiyak.

"What the fuck are you doing?!"

Gulat na gulat siya nung makita ako. His face was a mess. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya at mas lalo akong nawasak nung makita ang malaking hiwa sa kanyang dibdib na umaagos pa ang dugo.

"W-what did you do, Garen?" Nanginginig ang boses na tanong ko. Napalunok siya at iniwas ang tingin. Umatras ako para tingnan ang kanyang likod at napatakip ako ng bibig matapos makita ang mga hiwa na sa sobrang dami ay hindi na mabibilang at natatabunan na ng dugo.

My body was shaking as I looked around the room. Madilim at ang pinanggagalingan lang ng ilaw ay ang mga butas sa bubong. There were also chains and cuffs scattered everywhere and blood... there are so many blood. Sa pader at sa dingding... it is almost as if it became the source of color in this room of darkness.

Napahagulgol ako at napailing dahil sa pinanggagawa niya sa sarili niya. "W-why?" Hikbi ko.

"Y-you need to leave, Phraea. Please." Walang kabuhay-buhay na pagmamakaawa niya.

"Why are you doing this to yourself?"

"Those who have sinned... must be punish."


Island of InsanityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon