One Cold Night
01: Shall we dance?Vera Alette's POV
"Saan tayo? Iinom? Resto? Private jet? Yacht? HAAA Party!"
"Gagi mo naman! I'm broke!" Sagot ko kay Lisa habang nag-lalakad kami palabas ng building.
"At least hindi broken," She said, rolling her eyes. Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya. Hindi naman siya nakipag-break sa jowa niya dahil wala siya 'non pero may hugot pa rin siya sa buhay.
"Sa bahay nalang tayo, G lang ba kayo kahit anong kainin natin?" I asked them. Tumango naman si Lisa at Andie bilang pag-sangayon.
"Ge lang, kahit bigas kakainin ko," Pumalo pa sa dibdib si Lisa nang sabihin iyon.
"Sira ulo, sige kung matapang ka, gawin mo nga, bigyan mo 'to ng bigas mamaya, tignan natin kung hanggang kailan siya ngunguya," Pabalang na sabi ni Andie sa kaibigan bago kami tuluyang pumasok sa sasakyan. Andie was seating on the shotgun seat at ako naman nasa passenger's seat.
We are using Lisa's car since she owns one, marunong naman akong mag-drive pero wala pa sa plano ko ang bumili ng sasakyan.
"Patola ka naman eh, joke lang nga, wala ka talagang happiness sa buhay," Lisa shot back, hindi pa sila natatapos sa sagutan nila.
"Che, mag-maneho ka nalang!" Pasigaw na saad ni Andie kaya napahalakhak ako, Lisa started driving and we vibed with the music when she turned the radio on. Saktong yung kanta eh Beer by Itchyworms tapos si Lisa mukhang uod na binubuhusan ng tubig na may asin habang nag-dradrive.
"Nais kong mag-pakalasing! Dahil wala ka na!" Pag-kanta niya.
"Nakatingin sa salamin, at nag-iisa."
"Nakatanim pa rin ang gumamelang binalik mo sa 'kin, Nang tayo'y maghiwalay, Ito'y katulad ng damdamin ko kahit buhusan mo ng beer, Ayaw pang mamatay." Sabay kaming tatlo nang kantahin iyon, mahinang pumapalakpak si Andie at Lisa naman ay nag-hehead bang. I leaned on the seat in front of me, nakasilip ako sa pagitan ng dalawang upuan at nakapatong ang baba ko likod ng kamay ko.
Nang makarating sa bandang chorus ay tuluyan nang nag-wala si Lisa. Andie instantly covered her ears using her hands because of Lisa's deafining voice!
"Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan. Upang malunod na ang puso kong nahihirapan! Bawat patak, anong sarap! Ano ba talaga'ng mas gusto ko? Ang beer na 'to o ang pag-ibig mo?!"
At this point, she's not singing anymore, she's shouting like there's no tomorrow! I winced and embraced myself. I covered my ears using my fingers and took my hands off their seats. I leaned back and let my body sink on the seat.
Napatigil nalang si Lisa nang mahampas siya ni Andie, kumakanta pa rin ang nasa radyo, hindi naman maingay iyon, si Lisa lang talaga!
"Kanta hindi sigaw, tangina ka," Andie rolled her eyes and massaged the side of her head, Lisa gave us an apologetic smile and calmed down. I pinned my eyes on the window, watching the other vehicles passing by and those who were walking on the sidewalk.

YOU ARE READING
AMOR SERIES 1: One Cold Night
DragosteCommitment, relationship, and marriage. These are the things that Vera Alette Manzan wanted to avoid as much as possible. It is a thing that she's not capable of doing; that's what she thinks. She thinks that she would fail her partner. She never d...