"Sir?"gulat kong sabi at tinulungan niya akong tumayo.
"Bakit ka umiiyak? At saka hindi ka ba papasok ngayon?"tanong niya.
Hanggang ngayon tulala pa rin akong nakatingin sa kanya naalala ko na naman ang sinabi ng lalaki sa akin na dapat hindi ako lalapit sa ibang lalaki kaya lumayo ako ng kaunti sa kanya.
"Hindi po ako papasok."sabi ko habang nakayuko sa harap niya.
"Okay ka lang? Baka may sugat ka dadalhin kita sa Hospital."nag-alala niyang sabi.
"Hindi po Sir! Okay na po ako, pwede na kayong umalis."kinakabahan kong sabi.
At na bigla ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay.
"May problema ka ba? Sabihin mo sa akin."sabi niya.
"Wala po! Aalis na po ako "sabi ko at tumakbo na ako palayo sa kanya.
Natatakot ako.
Baka babalikan ako nang lalaki na palaging sumusunod sa akin.
Napatingin ako sa isang resto at napalaki ang mata ko dahil nakita ko siyang nakayo na nakabonet.
Bigla nalang kumabog ng sobrang lakas ang aking dibdib.
Hindi ko alam ang gagawin ko parang na pako ang mga paa ko habang ang mga mata ko naman ay takot na takot na nakatingin sa kanya.Nakaraan ang ilang sigundo bigla nalang siyang nawala.
"ANO NA BA ANG NANGYAYARI SA AKIN! HINDI AKO BALIW!"Sigaw ko habang sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.
"Mama anong nangyayari sa kanya?"rinig kong tanong ng bata pero hindi ko iyon pinansin.
Takot lang ang nararamdaman ko ngayon."LAYUAN MO AKO! HUWAG MO AKONG SUNDAN!"Sigaw ko habang umiiyak habang sinasabunutan ang buhok ko.
Gabi na at andito parin ako sa harap ng resto.
Ayokong umuwi!
Wala rin naman pakialam ang mga magulang ko sa akin.
Tumayo na ako at naglakad.Habang naglalakad ako sa isang foot walk parang may naramdaman akong may sumusunod sa akin.
Paglingon ko wala naman at pagharap ko agad akong may nakitang tatlong adik na lalaki.
"Hi Miss."nakangiting sabi ng lalaki habang hinihimas ang aking braso.
"Ano ba bitawan mo ako!"sigaw ko at bigla nalang akong sinuntok ng lalaki sa tiyan kaya napaluhod ako sa daan sa sobrang sakit.
"Haha ang tapang mo ha!"manyakis niyang sabi habang kinukuha ang ilang hibla kong buhok sa aking leeg.
"Layuan niyo ako!"sigaw ko habang umiiyak.
Lord tulungan niyo ako!
Ayoko pang mamatay!
Please sana may dumating na tulong.
"Ang ganda-ganda mo naman."nakangiti niyang sabi at bigla nalang akong hinubadan ng isang lalaki kaya doon na ako kumuha ng lakas upang sipain ang isa pero bigla akong hinawakan ng isang lalaki sa balikat at sinampal ako ng sobrang lakas.
"Parang-awa niyo na!"umiiyak kong sabi.
At na bigla nalang ako nang may tumalsik na dugo sa mukha ko at natumba ang tatlong lalaki.
Natulala ako sa nangyari at sabay na pagtingin sa lalaking alam kong siya ang palaging sumusunod sa akin.
Hindi ako makapagsalita takot lang ang naramdaman ko sa mga oras na 'yon.
Binalik ng lalaki ang baril niya sa kanyang likuran sabay lapit sa akin at binuhat ako na kinagulat ko.Teka?
Saan niya ako dadalhin?
Hindi ko siya makilala dahil nakabonet siya.
"Sino ka?"kinakabahan kong tanong kaya napatingin siya sa akin.
Nakita ko ang mga mata niya.
Ang ganda at parang alam ko na hindi niya ako sasaktan.
Pero bakit hindi siya nagpapakita ng totoo?
Ano ang balak niya sa akin?
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBAND
Mystery / ThrillerPROLOGUE "Sino ka ba! Bakit hindi mo kayang magpakita sa akin!"sigaw ko sa loob ng Mansyon na sobrang dilim. "Pinakasalan kita dahil lahat ng taong nasa paligid ko pinapatay mo! Kaya please palayain mo na ako!"umiiyak kong sigaw. Bakit ko pinakasala...