CHAPTER 75

88 4 0
                                    

Andito ako ngayon sinusundan sina Athena kung saan sila ngayon umuuwi.

At ngayon alam ko na kung saan na sila nakatira nang makalabas na sila sa kotse nakita ko sa mga mata niya ang ngiti kasama ang dalawa niyang anak at si John.
Hindi ko maiwasang magselos dahil nakikita ko siyang pinapasaya ni John ngayon.

Kaya ayon agad na ako umuwi sa Mansyon.
Nang makapasok na ako sa loob agad kong binasag ang vase sa table dahil sa sobrang galit.

"BUW*SIT KA TALAGA JOHN!"galit kong sabi.

Babawiin ko si Athena sa'yo!

Akin lang siya.

Pero nakapagtataka dahil may anak na sila!
Tapos kambal pa?
Imposible.

Dapat kong malaman ang tungkol sa dalawang bata na 'yon kung anak ba talaga ni John iyon kay Athena.

ATHENA POV

Andito ako ngayon sa kwarto nakahiga sa kama habang katabi ang dalawa kong anak.

"Mommy who's that guy earlier? Kilala ba siya ni Daddy?"tanong ni Nic kaya hinimas ko ang buhok niya at ningitian siya.

"Ang Bad niya Mommy, he stole our teddy bear kanina."malungkot na sabi ni Ice kaya niyakap ko sila ng mahigpit.

"Tomorrow bibili tayo ng mga malalaking toys."nakangiti kong sabi kaya napatingin sila sa akin.

"Kaya matulog na kayo para bukas maaga tayong bibili ng maraming toys."sabi ko at hinalikan nila ako sa lips.
Haha cute nila.

"Goodnight Mommy."sabay nilang sabi.

"Goodnight."nakangiti kong sabi.

At nagtulog na silang dalawa.
Nakalipas ang isang oras tumayo ako sa kama upang lumabas ng kwarto.

At agad kong nakita si John nag-iinom ng alak.

Bakit palagi nalang siyang ganito parang pakiramdam ko nag-iba ang ugali niya no'ng pumunta kami ng America.

Kaya nilapitan ko siya.

"John."sabi ko kaya napatingin siya sa akin at ngumiti.

Pero hindi ko siya pinansin kaya lumapit siya sa akin sabay yakap ng mahigpit.

"Ano ba! Amoy alak ka!"galit kong sabi at pinipilit siyang itulak.

"Ang ganda ganda ng Asawa mo."nakangiti niyang sabi.

"Tama na 'to palagi ka nalang lasing."sabi ko habang nililigpit ang mga bote sa table.

At nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinila at hinalikan sa labi kaya sinampal ko siya bigla.

"I'm sorry."mahina kong sabi kaya bigla niyang hinawakan ang aking braso ng sobrang higpit.

"Bakit ayaw mo! Kasi nakita mo na si Demon?! I know na may gusto ka parin sa kambal ko!"galit niyang sabi.

"Ano ba ang sinasabi mo! Ang dumi naman ng utak mo!"galit kong sabi.

"Bitawan mo nga ako John! Kasi nasasaktan ako!"galit kong sabi habang pinipilit na tanggalin ang kamay niya sa braso ko.

At nagulat ako sa sunod niyang ginawa kasi bigla niya akong hinalikan ulit.

Kaya pinipilit ko siyang itulak pero malakas siya kisa sa akin.

Hindi ko na pala namalayan na dinala niya ako sa isang kwarto at agad niyang nilock ang pinto.

"Ano ba John nababaliw kana na!"sigaw ko habang pinipilit na buksan ang pinto at agad niya akong sinakal ng sobrang higpit.

"At ngayon nandito na si Demon! Akin ka lang!"galit niyang sabi kaya napatulo nalang ang mga luha ko.

"Hindi ako papayag na pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa inyong mag-iina iiwan mo lang ako!"galit niyang sabi sabay bitaw sa akin.

"Ano ba ang pumapasok sa isip mo! Sa tingin mo babalik pa ako kay Demon pagkatapos ng lahat!? Siguro babalik talaga ako kung ganyan ka nalang lagi sa akin!"sigaw ko at  nakita ko bigla nalang namula ang kanyang mga mata sa galit
Napasigaw ako nang pinunit niya ang dapat ko.

"Ano ba John!"sigaw ko habang tinutulak siya at nagulat ako sa sunod na nangyari dahil bigla niya akong sinuntok sa puson.

Parang mahimatay ako sa sobrang sakit na naramdaman ng katawan ko.

Kahit ilang beses akong umiyak sa harap niya ginahasa niya parin ako.

Pareho lang sila ni Demon kaya akong saktan sa ganitong paraan!
Sumama ako sa kanya dahil akala ko aalagaan niya ako pero hindi ko pala alam na ganito lang ang gagawin niya sa akin.

Nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko.
Napatulo ang mga luha ko dahil naalala ko ang nangyari kagabi.

Napatayo ako sa kama nang bigla ko nalang narinig na may kumatok sa pinto.

"Mommy."sigaw ni Ice kaya agad na akong nagbihis kahit masakit ang katawan ko.
Nang buksan ko ang pinto nakita ko silang dalawa nakangiting nakatingin sa akin.

"Mommy, Daddy said he has to go somewhere."nakangiting sabi ni Nic kaya tumango nalang ako.

"Mommy are you crying?"tanong ni Ice.

"Hindi."nakangiti kong sabi kaya tumango nalang sila.

"Hindi ba, you said we will buy toys today?"tanong ni Ice.

"Kaya heto, me and Ice are ready to go to buy huge toys."nakangiting sabi Nic.

Hayss mga anak ko talaga.

Kaya heto wala na akong nagawa kundi pumunta sa mall.

"Mga anak magccr lang si Mommy d'yan lang kayo."sabi ko at tumango naman silang dalawa.

Habang naglalakad ako papunta ng cr bigla nalang may humawak sa braso ko na mayroong pasa kaya napasigaw ako sa sobrang sakit.

"Demon?"gulat kong tanong habang siya naman ay nakatingin sa braso ko, mabuti nalang nakacheckered ako kaya hindi niya makita ang aking pasa.

Nagulat ako nang bigla niyang tinignan ang braso ko, sinubukan ko siyang pigilan pero huli na.

Nakita niya ang pasa ko sa braso kaya hinawakan niya iyon at pinakita sa akin.

"Bakit may ganito ka?!"galit niyang tanong habang nag-aapoy sa galit ang mga mata niya.

Hindi ako makapagsalita dahil nakakatakot siya kisa kay John.

"Sinasaktan ka ba ni Deiven?!"galit niyang tanong kaya hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.

Tatalikuran ko na sana siya nang biglang tumaas ang boses niya na kinatakot ko.

"MAGSALITA KA!"

Parang tutulo ang mga luha ko hindi ko alam ang gagawin ko.
Sasabihin ko ba sa kanya ang ginagawa sa akin ng kambal niya na ginagawa niya rin noon sa akin?

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon