CHAPTER 11

175 9 0
                                    

ATHENA POV

Nagising ako dahil naramdaman kong may humahawak ng braso ko kaya napatingin ako sa lalaking nakabonet.

"Anong ginagawa mo?"tanong ko.

"Huwag kang maingay ginagamot kita!"cold niyang sabi kaya tumahimik nalang ako.

Wala rin naman akong laban sa lalaking ito kung makipagtalo pa ako sa kanya.

"Pinapayagan kitang lumabas ng Mansyon at alam mo naman siguro kung ano ang mga bawal ko."sabi niya kaya napatingin ako sa kanyang mga mata.

Pero agad ko naman iniwas ang aking tingin sa kanya nakakailang ang lalaking 'to.

"Kumain kana dinalhan kita rito ng mga pagkain."sabi niya sabay tayo sa kama.
Tapos niya na palang gamutin ang sugat ko sa balikat ko.
Haist!
Kulay talong na talaga itong balikat ko.

Ang lakas pa naman ng hawak niya.
Hindi ko na pala namalayan na lumabas na siya ng kwarto ang bilis naman niya.

Napatingin ako sa tray na mayroong mga pagkain kaya agad ko 'yon kinuha at kinain bahala na magmukha akong patay gutom nito gutom na gutom na talaga ako.

Pagkatapos kong kumain agad na akong tumayo sa kama upang buksan ang pinto baka hindi ito nakalock.

Tama naman sana ako pero pagbukas na pag bukas ko agad kong nakita ang lalaking nakabonet sa mismong harapan ko na.

"Nagulat naman ako sa'yo!"galit kong sabi habang kinakabahan.

"Akin na 'yan!"sabi niya sabay kuha ng tray na hawak ko.

"Ako na ang maglalagay sa kusina!"galit kong sabi at narinig kong tumawa siya.
Wow!
Ngayon ko lang narinig na tumawa ang lalaking 'to!

"Anong nakakatuwa?"tanong ko.

"Kilala kita at hindi ako na niniwala kasi alam kong tatakas ka pero huwag mo ng ituloy kasi mapapagod ka lang."sabi niya.

"Edeh ilagay mo roon! Bahala ka!"galit kong sabi at bumalik na ako sa kwarto at nilock ko iyon.
Bahala siya sa buhay niya.

Haist!

Nakakainis talaga sarap hampasin ng kahoy!

Okay naman sa kanya na maglabas ako ng Mansyon basta sundin ko lang ang gusto niya.

Ano Athena?

Sundin mo ba ang lalaking hindi mo kilala at hindi mo pa nakita?

Mag-isip ka!

Pero mas mabuti na nga sigurong sundin ko nalang ang importante makalabas ako rito at hindi ko siya lagi makakasama.

Napatingin ako sa gilid na mayroong maleta.

Teka?

Ano 'yan?

Bakit ngayon ko lang 'yan nakita?

Kaya nilapitan ko iyon at binuksan.

"Iyan ang mga bago mong damit dito at sa companya na pinagtatrabauhan mo."sabi ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya.
Siya lahat ito bumili?
Pati na rin sa dalawang set na panty at bra ko?

Nagising ako na wala na ang lalaki sa mansyon kaya nag-ayos na ako papunta sa Companya.
Nang nando'n na ako agad kong nakita si Jessa.

"Athena bakit ngayon ka lang pumasok?"tanong ni Jessa.

Magsasalita na sana ako nang bigla nalang lumapit si Trisha sa amin.

"Athena pinapatawag ka ng Boss natin."sabi niya at parang kinakabahan siya.
Kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Baka ito na ang araw na paaalisin ako rito.

Napatingin ako kay Jessa na nakatingin ngayon sa akin.

"Naku Athena baka kailangan mo na talaga sigurong umalis dito."sabi niya.

"Sige pupunta na ako roon."sabi ko at agad na akong pumunta sa office ng Boss namin.

Nang nando'n na ako agad akong kumatok ng pinto pero wala namang may nagsalita kaya binuksan ko nalang ito.

Pagbukas ko ng pinto agad kong nakita ang Boss ko na nakaupo sa kanyang upuan habang nakatalikod ito sa akin.

"Good morning Boss."sabi ko sabay yuko.

"Kumain kana ba?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.
Bakit nag-iba ang boses niya?
At saka parang familiar.

Napatingin ako sa kanya at na aksidenteng nakita ko ang kanyang leeg.

Teka?

Bakit parang may tattoo siya na infinity.
Maliit siya at makikita mo ito kung masyado kang malapit sa kanya.

"Kinakausap kita!"galit niyang sabi pero nakatalikod parin siya sa akin.

"Wala pa po Boss."mahina kong sabi.
Bakit parang mas nakakatakot itong Boss ko ngayon kisa no'ng nakausap ko siya.
Parang may nag-iba at parang may ka boses siya at hindi parin mawala sa paningin ko ang tattoo niya sa leeg.

"Umalis kana!"galit niyang sabi.

Ha?

Iyon lang ang sasabihin niya?

Nakapagtataka talaga.

Kaya heto lumabas na ako sa kanyang office at habang naglalakad ako naisip ko bigla ang tattoo niya sa leeg.

Parang nakita ko na 'yon at-

Ano ba Athena!
Huwag ka ngang mag-isip ng kahit na ano!

At saka siguro tinanong niya lang na kumain ako dahil syempre ako lang ang hindi binibigyan ng kape tuwing umaga!

Unfair talaga kasi nagtatrabaho naman ako rito katulad ng iba pero parang iba ako sa kanila haist!

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon