CHAPTER 79

87 4 0
                                    

Kaya napatingin ako sa butones ko kaya tumalikod ako sa kanya.

Naku Athena mag-isip ka naman kung ano ang sasabihin mo kay John.

"At saka bakit ang gulo nitong kama?"tanong ni John sabay lapit sa kama at hinawakan ang kumot.

Athena ano na 'to!

Nakakatakot siya.

What if malaman niya na merong nangyari sa amin ni Demon?

Sigurado akong sasaktan niya ako ulit.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong niyakap mula sa likuran.

"I'm sorry kagabi at saka alam kong pagod na pagod ka sa ginawa ko sa'yo."sabi niya sabay halik sa aking buhok habang yakap niya ako mula sa likuran.

Parang tutulo ang mga luha ko, ayoko siyang makasama, nandidiri ako sa kanya.

Hinawakan niya ako sa braso upang iharap sa kanya.

"Tumingin ka sa'kin."sabi niya kaya napatingin ako sa kanyang mga mata.

Hindi ito ang John na nakilala ko dati.

Pero kilala ko siya bilang babaero pero hindi siya ganito sa akin.

"Ang ganda-ganda mo talaga."nakangiti niyang sabi.

"Ngumiti kana man mahal ko."sabi niya sabay hawak sa labi ko kaya ningitian ko nalang siya ng mapait.

Si Demon ang gusto kong makasama hindi siya.

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi, hindi ko siya maitulak dahil hinahawakan niya ang aking dalawang braso.

Napatulo nalang ang mga luha ko sa ginagawa niya, patuloy niya parin akong hinahalikan kahit hindi ako gumaganti sa halik niya.

Napakab*boy niya!

Wala siyang kw*ntang tao!

"AKIN KA LANG ATHENA! AT KAPAG NALAMAN KO LANG NA NAGKIKITA KAYO NI DEMON PAPATAYIN KO ANG MGA ANAK MO!"galit na galit niyang sabi habang binubulong niya sa aking tenga kaya napatulo ang mga luha ko.

Kaya niya iyon gawin kina Ice at Nic?

Akala ko mahal niya ang mga anak ko.

Ano na ba ang nangyayari sa kanya?

Bakit siya naging ganito sa akin?

Napatingin siya sa akin at agad niyang pinahid ang aking mga luha gamit ang dalawa niyang palad.

"Huwag ka namang umiyak papangit ka n'yan."sabi niya.

"John, please huwag mo namang idadamay ang mga anak ko."sabi ko sabay tulo ng aking mga luha kaya bigla niya akong sinakal ng sobrang higpit.

"BAKIT?! KASI MAY PLANO KANG IWAN MO AKO AT SUMAMA KAY DEMON?!"galit niyang sabi sabay tulak sa akin sa kama kaya napatingin ako sa kanya habang umiiyak.

"KUNG GUSTO MONG SUMAMA SA LALAKI NA 'YON!  TANDAAN MO ATHENA ANG SINABI KO!"galit niyang sabi.

"John ano ba ang nangyayari sa'yo! Hindi kana man ganito dati ha!"galit kong sabi kaya bigla niyang hinawakan ang aking braso ng sobrang higpit.

"Mommy!"sabi ni Nic sabay katok kaya sabay kaming napatingin ni John sa pinto.

"Papatayin kita at ng mga anak mo kapag nalaman ko lang!"galit niyang sabi sabay bitaw sa akin.
At pumunta na si John sa pinto upang buksan ito habang ako naman ay tumayo sabay pahid ng aking mga luha.

"Daddy."masayang sabi ni Nic sabay yakap kay John.

Alam kong close na close sila ng anak ko si Nic, pero wala na akong tiwala kay John dahil alam na alam kong sasaktan niya kaming mag-iina.

"Did you ate already?"tanong ni John.

"Not yet Dad, I just woke up."nakangiting sabi ni Nic.

"Gano'n ba? nga pala, where's Ice?"tanong ni John.

"She's sleeping in our room."nakangiting sabi ni Nic.

"Okay."sabi ni John.

"Dad I'm hungry."sabi ni Nic habang hinihimas ang kanyang tiyan.

"Okay' I'll cook you some food."sabi ni John kaya tumakbo si Nic papalapit sa akin at hinawakan ang aking kama.

"Mom join us, Dad will cook us food."nakangiting sabi ni John at hinila ako papunta kay John.

Habang si John naman masama ang tingin sa akin.

"Nic, can you tell Ice to come join with us."sabi ni John at tumango naman ang bata bago tumakbo papunta sa kwarto nila ni Ice.

"Ayusin mo ang sarili mo! Ayokong nakikita ng mga bata ang mukha mo na parang hindi kita inaalagaan!"galit na sabi ni John sa akin.

Dem*nyo siya!

Naalala ko na naging ganito siya sa akin no'ng 2 years old ang mga anak ko no'ng sinabi ko sa kanya na gusto ko nang umuwi ng Pilipinas pero ayaw niya.

Kaya gumawa ako ng paraan upang umuwi at nalaman niya iyon doon nagsimula ang ganitong trato niya sa akin.

Akala niya kasi uuwi ako upang makipagbalikan kay Demon.

Sana hindi nalang ako sumama sa kanya sa America at sana sinabi ko noon kay Demon na buhay ang mga anak namin.

Pero wala na akong nagawa dahil buntis si Claire at naniniwala naman si Demon sa kanya.

Pakiramdam ko ako na ang pinakamalas na babae sa buong mundo.

Natatakot ako na sabihin kay Demon na ganito ang trato sa akin ni John baka kasi patayin niya ang mga anak ko at ayokong mangyari iyon.

THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon