"Bakit nandito ka!?"galit niyang tanong sabay lapit sa akin.
"Aalis na ako."sabi ko.
Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan ang aking braso nang sobrang higpit."Aray!"sigaw ko.
Nahawakan niya kasi ang braso ko na mayroong pasa na ginawa kanina sa akin ni Garrel.Kaya agad niya ako binitawan sabay tingin sa braso ko.
"Bakit may ganyan ka?"tanong niya kaya tinago ko iyon pero kinuha niya parin upang ipakita ito sa akin.
"Sino may gawa nito sa'yo?!"galit niyang tanong kaya hinila ko ang braso ko sa pagkakahawak niya.
Ayoko siyang pansinin wala na kami hindi ba!
Bakit pa siya ganito sa akin!
Kaya tinalikuran ko na siya upang kunin ang bag ko sa table.
"Hindi mo ba talaga ako papansinin?"galit niyang tanong.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla nalang akong may narinig na putok ng baril kaya doon na kumabog ng sobrang lakas ang aking dibdib."TUMINGIN KA!"sigaw niya kaya tumulo nalang ang mga luha ko.
Athena hindi ka dapat maging mahina sa harap ni Demon kasi ito ang sandata niya upang saktan ka ng paulit-ulit.
"HINDI KA TITINGIN!"sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya sabay tulo ng aking mga luha.
"BAKIT HA! ANO PA ANG KAILANGAN NATING PAG-USAPAN DEMON! HINDI BA WALA NA TAYO! BAKIT GANITO KA PARIN SA AKIN!"sigaw ko habang umiiyak.
Kaya nilapitan ko siya ng buong tapang."KUNG MATAPANG KA PATAYIN MO NA AKO!"sigaw ko sabay tulo ng aking mga luha.
"KASI ALAM MO PAGOD NA PAGOD NA PAGOD NA AKO! GUSTO KO NANG MAGPAHINGA SA MGA PROBLEMANG ITO! SIGE PATAYIN MO NA AKO!"sigaw ko sabay hawak sa kamay niya na mayroong baril at tinutok ito sa ulo ko.
"HINDI BA MATAPANG KA! SIGE IPUTOK MO!"sigaw ko.
Kaya bigla niyang binaril ang dingding malapit sa akin."NASASAKTAN AKO ATHENA! MINAHAL NAMAN KITA AH! HINDI NGA MINAHAL KASI MAHAL NA MAHAL KITA SIMULA NOON PERO ANO? ANG JOHN PARIN 'YON! HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO NOON!"sigaw niya.
Teka?
Umiiyak din siya?"Hindi kita maintindihan."sabi ko.
"Hindi mo maintindihan dahil hindi mo alam kung gaano kita ka mahal noon!"galit niyang sabi.
"At ngayon buntis na si Claire at magkakaanak na kami siguro wala nang rason upang magtago pa ako sayo."sabi niya.
Ano ang ibig niyang sabihin?
CLAIRE POV
"Saan pumunta si Demon?"tanong ko sa matandang kasama ko rito.
Haist!
Nakakainis ang matandang ito masyadong pakialamera.
"Hindi ko alam."sabi niya at tinalikuran niya na ako.
Wow!
Ang bastos!
Kaya bigla kong hinawakan ang braso niya.
"Huwag kang bastos matanda!"galit kong sabi kaya bigla niyang kinuha ang kamay ko na nakahawak sa kanya.
"Dem*nyeta kang babae ka! Hindi ka bagay kay Demon!"galit niyang sabi kaya tumawa nalang ako na parang Dem*nyo.
Haha baliw ba siya?
"Kaya nga dem*nyeta ako kasi bagay ako sa Apo mo na dem*nyo rin!"sabi ko at bigla niya akong sinampal.
Buw*sit!
Kaya bigla ko siyang tinulak at ito napasubsob siya sa sahig haha bagay nga sa kanya.
"Hindi mo ako kilala! Kaya matuto kang gumalang sa bagong may ari nitong tinatayuan mo haha."sarkastiko kong sabi at tinalikuran ko na siya.
Nakakaawang matanda.
Nang makapasok na ako sa kwarto agad kong binasag ang vase sa table.
"Buw*sit Demon nasaan kana!"galit kong sabi.
Baka hinanap niya na ang Athena na 'yon!
Pero hindi!
Malabong mangyari iyon!
Bigla nalang nagring yung phone ko kaya agad kong sinagot ang tawag ni John.
"Claire hindi ko na kayang lukuhin si Athena."sabi ni John.
"Sige sabihin mo sa kanya ang totoo! Nang malaman niya kung ano ka klaseng tao!"galit kong sabi.
"Hindi ko kaya siyang nakikitang nasasaktan! Natatakot akong malaman niya na isa rin ako sa rasun kung bakit malungkot siya dahil sa mga anak niya."sabi ni John.
"Bahala ka sa gagawin mo John! Pero tandaan mo kapag sinabi mo 'yan kay Athena hindi ka niya mapapatawad!"galit kong sabi at pinatay na ang tawag.
Buw*sit nakakainis!
ATHENA POV
"Ano ang ibig mong sabihin?"tanong ko.
"Alam kong kapag makita mo ang mukha ko maalala mo ang nakaraan."sabi niya.
Naguguluhan ako hindi ko siya maintindihan."Simula ngayon lalayuan na kita hindi na kita susundan at guguluhin pa."sabi niya at doon na tumulo ulit ang aking mga luha.
"Demon bigyan mo naman ako ng pagkakataon upang mahalin ka."umiiyak kong sabi.
Pero hindi niya ako pinansin."Wala na ang mga anak natin pero sana huwag mo akong iwan."umiiyak kong sabi sabay lapit sa kanya.
Kahit nagmukha na akong t*nga sa harap niya pero gano'n talaga.Mahal ko parin siya.
Hahawakan ko na sana ang kamay niya nang bigla niyang kinuha ang bonet niya kaya napapikit ako.
Ayoko siyang makita.
"BUKSAN MO ANG MGA MATA MO!"sigaw niya pero hindi.
Ayoko.
"TINGNAN MO AKO!"sigaw niya sabay hawak sa mukha ko gamit ang dalawa niyang palad kaya sunod-sunod na pagtulo ang aking mga luha.
BINABASA MO ANG
THE MYSTERIOUS KILLER IS MY HUSBAND
Mystery / ThrillerPROLOGUE "Sino ka ba! Bakit hindi mo kayang magpakita sa akin!"sigaw ko sa loob ng Mansyon na sobrang dilim. "Pinakasalan kita dahil lahat ng taong nasa paligid ko pinapatay mo! Kaya please palayain mo na ako!"umiiyak kong sigaw. Bakit ko pinakasala...